3. What's a Challenge

813 39 36
                                    

There's always a rainbow after the rain. A pot of gold in every rainbow's edge. But in my case, well, there's more storms than rainbows around here. And you know what? I actually like it when it's rainy with a bit of lightning and thunders. You know why? Because I always love a good scare, it's a challenge.

Matapos ang break up namin ni Dave, ginawa ko ang lahat sa abot ng makakaya ko para makalimutan iyon. I made myself busy. I did that things that I've always wanted to do when we were together - I pulled all-nighters at coffee shops without getting distracted, met with my SGD group and actually made sure that my presence could be felt, and most especially to make it through my second year in med school.

Sa wakas, ay isang taon na naman ang matatapos, pero siyempre ay hindi iyon ganun kadali. Of course, may practicals pa at exams kaming kakaharapin but on the brighter side, if we're lucky enough ay magiging third year students na kami... on our chill sem. Sino pa namang may ayaw sa chill sem? Believe me, even I would wanna take a break.

Lately ay kinakausap ko na ang pader ko sa kwarto pagkatapos kong mag-aral. I know that I was just doing it to release my stress, pero hindi ko rin naman mapigilang mabahala. I am aiming to become a doctor, and not a psych patient.

"Kuya Jas," napaangat ang ulo ko nang tawagin ni Macy si Jason na abalang-abala sa pagre-review sa kabilang mesa.

Napataas ang kilay ko nang agad na humiwalay ang tingin nito sa mga libro niya at agad na binalingan si Macy. "Yup?" ngisi pa nito na kitang-kita na naman ang gilagid niya.

"Patulong ako dito, 'di ko maintindihan 'yung concept na inexplain mo kanina about this case."

"Okay..." Jas stood up and went towards her table.

I scoffed and shook my head, "Kuya Jas, akala mo naman 'di naging fling noong first year." bulong ko sa sarili. But apparently, naririnig pala ni Abby dahil nakaupo lang din siya sa mesa sa tabi ko. Nagkatinginan kaming dalawa, bahagya niyang binaba ang salamin niya habang ako naman ay nginisihan lang siya. I chuckled when she sighed and shook her head.

Asan ba kasi 'yung si Ai? Kailangan ko ng ka-chika ngayon kaso may nalalaman pa ang gaga na alone time at piniling mag-aral sa cafe sa kabilang banda pa ng campus para raw makapag-concentrate siya sa finals, as if I'm a big distraction. So now I'm stuck with my SGD groupmates which includes our other friends - Jason, Abby, and PJ.

"Bibili akong kape, may ipapabili kayo?"

Sabay kaming napatingin kay PJ na bigla nalang na lumapit sa banda naming dalawa. Naka-pwesto kasi siya sa pinakadulong banda ng coffee shop kanina. Ganito talaga kaming mag-review after our discussion, hiwa-hiwalay at kanya-kanyang mesa.

"Espresso macchiato," tipid na sagot ni Abby saka binuksan ang bag niya, probably to get her wallet.

Tinanguan lang naman siya ni PJ saka ako tiningnan, "June?"

I sighed and looked at my books and reviewers on top of my table. Tinitingnan ko palang ay parang unti-unti na nitong dine-drain ang energy ko.

"I'll come with you." ngiti ko sakanya habang inaayos ang pagkakasuot ng jacket ko, "Pakibantayan muna gamit ko," tipid kong utos kay Abby na kakabigay lang ng pera niya kay Peej.

"Mm-kay," she nodded at me before she went back to reviewing. Nakita ko pa 'yung nakakalokong ngiti sa labi ni PJ kaya pabiro ko itong siniko habang tipid lang na natawa si Abby.

"Ano? Anong ginawa ko?"

"Let's... just go, okay?" irap ko at nauna pang bumaba kaso bago paman ako tuluyang makalapit sa hagdan ay tinawag naman ako ni Jason. Pagod ko lang itong tiningnan, pareho sila ni Macy na nakatingin sa akin. Napataas pa ang kilay ko nang makitang nakahawak ito sa braso ni Andres.

Busy being YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon