7. The Junipher Jimenez Crash Course

684 37 12
                                        

Ang goal for today ay ang makatapos ng dalawang transes at alas singko ng umaga makauwi sa bahay.

It's already past 3:00 AM, sobrang himbing na ng tulog ni Ai sa tapat ko. Dinaig pa nito ang girl scout sa pagiging laging handa dahil sa loob ng bag niya ay may dala-dala pala itong kumot, kaya naman ngayon ay sobrang kumportable na niya habang nakahilig sa mesa. Medyo naiinggit pa ako 'nun kasi ang lamig-lamig na ng legs ko. Halatang-halatang naninindig 'yung balahibo ko.

Sino ba kasing nag-utos na mag-shorts ako ngayon?

I sighed and glanced at the long table where Celia, Sixto and Abby are occupying. Lahat sila ay seryoso sa pagre-review, si Six nga ay nakakunot na ang noo habang tutok na tutok sa reviewers niya.

Celia's also very serious while studying. Simula nang makarating sila ni Jas dito kanina ay napansin kong dalawang beses lang itong umalis ng pwesto niya - first, when she went to the cr and second, is when she grabbed a drink from the vending machine. Dahil nga sa magkalapit lang ang mesa namin ay rinig na rinig ko ang bawat paglilipat niya ng pages sa makapal niyang libro na nakapatong sa book stand. Sobrang satisfying pakinggan, kinda like ASMR.

Don't get me wrong, alright? 'Di ko naman binabantayan ang bawat galaw ni Juliet. Mga slight lang. Sadyang sobrang observant ko lang din at kapag kailangan ko ng short breaks while studying ay sakanya ako napapatingin.

I don't blame myself though, malamang ay naninibago lang ako dahil nga bagong kasabay ko itong mag-aral. I still don't know about her study routine like how I'm familiar with my friends'. For example, kay Jason, sa loob ng 7 hours na study out ay kailangan niyang lumabas ng dalawang beses... Isa para manigarilyo at isa para bumili ng cold brew. Si PJ naman, he can study without any breaks (except bladder break) basta huwag mo lang siyang kinakausap kasi dadaldalin ka rin niya hanggang sa 'di ka na rin makapag-aral. Believe me, it was proven and tested. Si Six, mas nakakapag-aral ito kapag nakikinig siya ng classical music. Si Abby, she has a habit of whispering or murmuring the phrases and terms to herself after reading. 'Yung tipong parang dini-discuss niya ulit iyon sa sarili niya. While Ai, she takes the most breaks (or sleep) among all of us but believe me, sobrang bilis lang talaga niyang makapag-retain ng information kaya mahaba-haba ang tulog niya.

So that's it. I'm not being a creep around Celia Gregorio. I'm just observing, trying to figure out what's her study habit.

Masyado nang natutuyo ang utak ko matapos kong basahin ang pediatrics trans ko. Tapos ko na ang dalawang transes na goal ko for today's study out, I can just pick up another topic and start reviewing pero 'di na nakikipag-cooperate ang katawan ko. I need caffeine.

Walang gana kong binalingan ang vending machine sa gilid namin. Wala akong gusto sa mga kape 'dun at 'di rin naman umuubra sa akin 'yung kapeng hulog-hulog ng limang piso. I need my espresso shots.

Walang sabi-sabi ay agad na akong tumayo, taking extra careful to not wake Ai up. Napansin ni Six iyon dahil tiningnan niya ako.

"Kape lang," I mouthed.

He looked at me confusedly and pointed the vending machine. Inilingan ko lang ito at mukhang naintindihan niya na ang ibig kong sabihin.

I quickly headed outside the study hub only to find Jason outside, smoking while squatting on the sidewalk. Hawak-hawak niya ang phone niya sa kabilang kamay at mukhang nagbabasa ng pdf file ng libro namin. I smiled and shook my head. See? Magaling na talaga kaming mag-multitask ngayon.

"Huy!" Sigaw ko pa dahilan para bahagya itong mapatalon sa kinauupuan niya. I heard him muttered a cuss under his breath, sinamaan niya pa ako ng tingin kasi nabitawan niya pala 'yung sigarilyo niya.

Busy being YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon