Pagkatapos kong makita ang instagram post ni Celia ay kaagad ko nang tinext ang kapatid ko. Alam kong may 30 minutes pa bago ang dismissal niya pero gusto ko lang ipaalam sakanyang andito na ako sa meeting place namin at kasalukuyan ko na siyang hinihintay bago ko tuluyang pinatay ang phone ko. It's not like he's gonna reply to it kasi 'di talaga pala-reply ang Kuya ko sa text, kahit si Mama ay 'di niya sinasagot ng kahit isang emoji. He's more of a moderate caller. I'm saying moderate kasi 'di rin ito madalas na tumatawag, kapag emergencies lang talaga. Hindi ko nga rin talaga alam kung anong trip sa buhay niyang si Kuya Joel. He's not active in his social media accounts, he's not a texter, and he's an average caller. He once told me na gusto niya lang talagang maging social in the real world, and to not fully-depend on the modern times.
Kung kaya nina Mama at Papa noon na walang facebook at texts, malamang ay kaya ko rin ngayon. He once told me that after I argued with him about not returning my messages. As much as I love him ay kailangan ko rin siyang mabalik sa realidad na lahat na tayo ay naka-depende sa technology ngayon. 'Di siya uubra sa way of living namin kung magpapaka-off the grid siya. Hindi na talaga ako magtataka kung isang araw ay bigla nalang itong mag-desisyong manirahan sa bundok. He seems to be the type of guy who enjoys that way of living.
Am I blabbering? I am blabbering. Ugh.
I really hate this.
Inis na inis kasi talaga ako ngayong araw. 'Di pa nakakatulong na dalawang gabi na akong puyat at pagod na pagod ako sa halos magkakasunod na lectures kanina, tas dadagdag pa si Jason sa sakit ng ulo ko? My god! Yes, I love multi-tasking pero shet, 'di counted 'yung mga nagpapataas ng presyon ko.
To keep my mind off of this Jason Andres conflict ay napag-desisyunan kong umorder muna ng kape at cinnamon roll bago ako nagbukas ng kailangan kong aralin for legal med. Malapit na akong mangalahati 'dun nang bigla-bigla nalang na na-lowbatt ang apple pen ko. Kaya imbes na ipagpatuloy ang pagre-review ay hinayaan ko muna itong mag-charge at pilit na inenjoy muna ang coffee shop ambiance habang inuubos ko ang mga inorder ko. I can just open a reviewer na may hard copy ako kasi sa pagkakaalam ko ay may pinaprint kanina for our othorhinolaryngology class pero ayoko kasi 'nung paputol-putol ang inaaral, magkakagulo lang ang mga information sa loob ng utak ko. Hindi siya ideal kapag kakailanganin ko na for my quizzes and recits.
I really need a distraction. I have to rest now so that later this evening ay magtutuloy-tuloy na ang pag-aaral ko. I'd probably stay up late again, alam kong 'di siya healthy pero malapit na rin naman kasi ang weekend, makakapagpahinga na rin ako. And besides, I really need to get my mind off Jason. The more na wala akong ginagawa, the more na mas-stress lang ako sakanya.
Pero sino ba naman kasi ang hindi mapupurwisyo? You bailed on an open-heart surgery just to have coffee with your law student chick? I mean, okay lang sana kung normal situations kasi you do you... Kung kaya mong ipagsabay ang paglalandi at pag-aaral, edi sana all. Pero kasi, surgery 'yun! Once in a lifetime opportunity lang ang ma-witness mo ang isa sa mga pinakamagaling na cardiothoracic surgeon ng bansa na mag-perform 'nun. May hot law student chick ka man o wala, 'yong mga pagkakataon na 'yun ay 'di mo dapat na pinapalampas. Ever.
I partially blame Lilith for the frustration that I am feeling right now. One time nang magkasama kaming tatlo nina Clem ay sinabi niya sa amin na pinapasa na niya sa aming dalawa ang responsibilidad kina B1 at B2, na nagngangalan ring Jason at Luke. She's been trying to look after the two ever since they were eight at nakakapagod na raw iyon. Good thing that Clem and I entered the picture. Well, I hate to break it up to her but it's clearly a different case between my best friend and I. Kay Clem? 'Di niya iisiping stressor si Luke because he's her boyfriend, willing victim siya 'dun. And let's face it, si Luciano ang mas tolerable sakanilang dalawa. While I've got Jason. Medyo lugi ako 'dun, kaya most of the time ay hinahayaan ko lang siya sa pagiging Jason nito (hence the dakilang enabler title that was given to me). Pero kasi, what he did earlier was way too much! Even I couldn't enable that kind of stupidity.
BINABASA MO ANG
Busy being Yours
RomanceJason and June. Where will this pushing and pulling take them? A To Meet in the Middle Spin-off