12. Dumb and Dumber

771 41 88
                                    

Please play Is There Somewhere by Halsey!

Follow me on twitter - writtenbyvam
Follow the spotify playlist - j&j

Happy reading and stay safe!

This is unedited. All mistakes are mine.

Love, Vam 👌

xx

The next day came like a blur, with sleeping between Ai and Abby instead na nasa gilid ako dahil panay ang bangon ni Ai throughout the whole night because of a very bad stomach (kumain siya ng carbonara nang patago, now she's... or more like her ass hole, is facing the consequences), and me waking up with the news that a classmate got engaged.

Yes, may isa na naman kaming kaklaseng officially naging off the market.

We were just silently eating our breakfast sa may pavilion ng resort kung nasaan nakahain ang breakfast buffet para sa amin nang nagsimulang magbulung-bulungan ang mga kaklase namin. At first, ay 'di ko pa ito masyadong pinansin thinking na baka may dumating lang na guests 'yung resort na agaw-pansin, since balik na naman sa normal operation ang buong lugar. But no... Abalang-abala pa ako sa paggamot sa sakit ko sa ulo sa pamamagitan ng payapang pag-inom ng kape nang bigla-bigla nalang akong hatakin ni Ai mula sa kinauupuan ko papunta sa kabilang dako ng pavilion na nakaharap sa lake. Agad ring nagkumpulan 'yung mga kaklase namin 'dun kaya mas lalo akong naguluhan.

"Anong meron?" bulong ko kay Ai pero ang gaga ay masyado nang abala sa pagpipigil ng kilig at paghampas sa braso ni Abby para sagutin ang tanong ko.

"Anong nangyayari?"

Jason then, na mukhang kakagising lang dahil iniwan namin siya kanina sa cabin na humihilik pa, draped his arm on my shoulders and pointed at the random ass guy who's rowing a boat from the other side of the lake towards our direction.

"Mangingisda ba siya?" nagtataka ko paring tanong.

Hindi nakakatulong na bangag pa ako at kulang sa tulog dahil naiistorbo ako sa bawat pagbangon ni Ai kagabi at sakit ng ulo ko dahil sa dami ng ininom ko para maunawaan ko kung anong nangyayari.

Bahagyang natawa si Jason habang binibigyan ako ng tingin na parang nagsasabing Seryoso ka ba?, but before I could even say that I am serious to him ay may bigla nalang na umiyak sa kabilang dako ng kumpulan namin. It was Lorraine, she started sobbing while her hands are clasped over her mouth.

Magtatanong na naman sana ako kung okay lang ba siya when the guy from the boat, who's already near the pavilion started shouting, "Lorraine, I know that you always dream of becoming a doctor... but my dream is to be your husband. I love you so much and I wanna spend the rest of my life with you. Will you marry me?"

And that's when it hit me.

He was fucking proposing!

Kaya pala umiiyak si Lorraine at kulang nalang ay matanggal ang braso ni Abby mula sa balikat nito sa kakahampas ni Ai! I started squealing along with our female classmates while the guys were clapping when Lorraine said, "You're an idiot. Of course, I'll marry you!"

Para na kaming mga tanga ni Ai dito na nagsisitalunan at naghahampasan lalo na nang dali-daling lumabas si Lorraine sa pavilion at tinakbo 'yung boyfriend... or well, fiance niya sa may lake. Medyo malayo pa ang bangka nito sa pampang kaya't lumusong na si Lorraine 'dun habang suot-suot pa ang pantulog niya and the guy did as well. They met on the middle, guy put the ring on her finger, hugged, and kissed.

Busy being YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon