I didn't get much sleep.
Hindi ko alam kung dahil ba sa excitement o talagang wala nang oras para matulog. Hindi sa nagpapaka-OA na naman ako, okay? Sadyang nagka-problema lang talaga sa tailoring shop na pinagtahian ng mga duty uniforms namin for clerkship that's why I got my uniform at nine in the evening.
Oo, alas nuwebe.
Kulang nalang ay sumugod na si Mama 'dun para personal na pagalitan ang mga gumagawa ng uniform pero tinago raw nina Kuya Ton at Trixie ang susi ng kotse kaya 'di ito makaalis ng bahay. Mabuti nalang talaga at 'di mahilig mag-commute ang isang 'yun, edi pahiya na naman sana ako. Ako lang talaga 'yung 24-year old woman na may sumusugod na nanay. Pero I get her stress naman, ilang buwan nang pinapagawa 'yung uniforms namin tas magkaka-aberya pa during the supposed to be pick up day?
Mabuti nalang talaga at lahat ng uniforms namin ang nadelay, kasi kung sa 'kin lang ay baka ako na mismo ang nagwala 'dun.
But yeah, ka-OA-han aside, since the problem at the tailoring shop took most of our time for the day ay napagdesisyunan na namin ni Ai na sa 'min na siya matulog kinagabihan. Bukod kasi sa wala akong tiwala sakanya at sa alarm clock nito, at baka 'di siya magising for our orientation the next day ay kailangan ko rin ng karamay. I've been feeling giddy ever since I found out that I passed for clerkship, almost a week has passed pero pakiramdam ko ay 'di parin nagno-normalize 'yung reaction ng katawan ko. I still feel very giddy about it.
Mabuti nalang at madaling makumbinsi si Ai sa plano ko. I don't know though kung dahil ba sa gusto niyang may gumising sakanya para 'di mahuli kinabukasan o dahil sa iisang bubong na naman sila matutulog ni Kuya. I keep on reminding her na ako ang katabi niya at hindi si Kuya Joel pero parang walang naririnig ang gaga at ngising-ngisi lang the whole time.
We invited Abby as well to join us, napaka-obvious naman na kailangan namin siya to neutralize all of our hyperness bilang sa aming lahat ay siya ang pinaka-kalmado sa buong sitwasyon, like she's really born for this, but her being someone who came from a very strict family ay kaagad na itong sinundo ng nakakatanda niyang kapatid matapos nitong ma-pick up ang uniform niya. Talagang iniwan niya kami matapos niyang makuha 'yung kanya kasi hinihintay na raw siya ng parents at mga kapatid nito for dinner.
Imagine kung mas natagalan pa 'yung uniform niya? Edi nalipasan na ng gutom ng family ni Abby!
But yeah, dahil nga sobrang draining nung paghihintay namin for our uniforms ay wala na masyadong nagsasalita sa 'min. The guys did try inviting us to have dinner first pero kami na ni Ai ang tumanggi, paparating na rin kasi ang cab na bi-nook namin pauwi sa 'min. Jason offered to drive us home pero ako na ang tumanggi. Aside sa out of the way ay mukhang pagod na pagod na rin ito. I don't know what he did earlier this day, but I know that he's with Celia. Sinabihan niya naman ako kahit 'di ko tinanong pero ayun nga't sinamahan niya 'yung girlfriend niya. Probably to help her review since ganun nga rin si Kuya Joel ngayon na halos 'di na namin mapalabas ng kwarto sa tuwing andun siya to study.
"Text us kapag nakarating na kayo sa inyo June ha?" Sixto reminded both Ai and I.
Lahat kami ay nakatayo sa gilid ng kalsada. Kanina ko pa sinasabi sa tatlo na kaya naming dalawa ni Ai na maghintay ng cab namin pero ayaw naman nilang paawat.
Nakapulupot na ang braso ni Ai sa 'kin habang nakasandal sa balikat ko. Kanina pa siya antok na antok kaya wala na itong imik.
"Anong oras nga bukas 'yung call time Bi?"
Tiningnan ko si Jas.
Tomorrow is the start of our orientation week. I really don't know how it works with other med schools pero sa 'min ay sinisiksik sa isang week ang orientation for all of our rotations depending on their schedules. Minsan may dalawang consecutive orientations per day while there are times din na isa lang. Basta sa isang linggo ay dapat na-orient na kami sa lahat ng 'yun. For me, it's a little impractical given na most of our rotations for the rest of the year are two months per rot. Kung iisipin ay medyo mahihirapan ka nang tandaan 'yung orientation mo for the next rot kasi matagal ka nang na-orient but I guess may mga reminders naman siguro to freshen up our memory before we start rotating again. Hindi naman ata kami hahayaan lang na pagala-gala ng hospital na hindi nare-remind sa basics 'di ba?
BINABASA MO ANG
Busy being Yours
RomanceJason and June. Where will this pushing and pulling take them? A To Meet in the Middle Spin-off