46.1 To Burst or Faint or Crumble Down

1.2K 55 82
                                        

"Just keep me posted kapag may changes sa vitals ng pasyente, okay? She needs constant monitoring, I need to make sure na naka-kondisyon ang katawan niya for her surgery tomorrow."

Agad naman akong tinanguan ng nurse matapos niyang tanggapin ang chart na inaabot ko sakanya. "Yes po, Doc June... I'll update you."

Nginitian ko ito saka tiningnan ang iba niya pang kasamahan sa station. "Keep up the good work, guys! Mauna na ako sa inyo."

"'Wag po muna doc, paparating palang yung in-order naming pagkain. Kumain muna kayo dito."

I chuckled and shook my head. Nakakahiyang sila pa talaga ang nago-offer ng pagkain sa 'kin. "Hindi na, kakakain ko lang din naman. I'll get going, papatapos na rin naman ang shift ko. If there are problems with my patients, you can page Doc Ebony except for Mrs. Garces, okay? Ako tatawagan niyo agad, kahit anong oras pa 'yan."

"Copy Doc."

"Okay po, Doc."

"Good night, Doc June."

Nginitian ko nalang ang mga ito bago ako tuluyang umalis. It's quite late already and I'm pretty sure na na-overtime na naman ako. If it wasn't for that ER mishap earlier this shift ay baka 'di ako na-late sa rounds ko. Nandun kasi ako kanina to monitor my interns' job at handling an emergency surgery sa mini OR dun nang nagkaproblema sa may triage. Things got heated with a patient's watcher and an NA na kailangan naming pumagitna. I had to attend a conference meeting to reprimand the hospital staff kaya't ayun, the peaceful 18-hour shift na ineexpect ko completely vanished into thin air. But it's fine, okay lang kasi pinangako ko sa sarili kong hindi ako magpapaka-stress this month since I have to keep my mind clear and focused on the boards plus it's my birth month! Ayoko namang salubungin ang 28th year ko sa Earth na mukhang haggard at pasan na pasan ang mundo.

Although most of the time, I really look like that but let's not talk about that.

When I went back to the lounge to freshen up and to prepare to head home ay naabutan ko si Ebony na ngising-ngisi habang nagsisintas ng sapatos niya. Para itong tangang nakaharap sa pader tas maya-maya ay iiling lang pero ngingisi din bago niya kinakagat ang labi nito. Tingin ko ay 'di nga niya napansing andito ako sa lalim ng iniisip niya.

Tumikhim ako pero wala parin, para parin itong tangang nginingisihan ang sarili niya. I really can't blame myself kung mukha ko na itong jinaja-judge kasi kajudge-judge naman talaga ito sa inaakto niya ngayon. Sa inis ko sa pagmumukha niya ay inabot ko ang pen capsule ko sa ibabaw ng mesa ko at hinagis sa banda niya.

"Putangina!" Reklamo nito nang tumama ito sa kandungan niya. I just snickered and leaned on the wall. "Anong klaseng pagmumukha 'yan, Ebony? Ba't ka ngumingisi mag-isa diyan?"

Tiningnan niya ako nang nakasimangot pero pagkatapos ng ilang segundo ay bigla na naman itong natawa at talagang tinakpan niya pa ang bibig niya gamit ang kamay niya.

"Ay!" I raised my brow and grabbed my pen capsule from her side, making sure na nahampas ko siya gamit nito bago ko ito niligpit sa drawer ng mesa ko. "Tawang malandi ba 'yang naririnig ko galing sa 'yo ngayon, Ebony?"

She pursed her lips and looked at me, shaking her head but still surpressing a smile. "Eh si Nika kasi... Nag-iwan ng dinner para sa 'kin, may note pa talagang Good luck sa shift, Doc!" Paninimula nito. Agad akong napairap dahil sa sagot nito. "Of course, ba't pa ba ako nagtatanong eh kay Dr. Lucero ka lang naman talaga natatanga... I hate to break it to you pero lahat kami ay binilhan ni Nika ng dinner." I lied for the last part though, sabay-sabay kaming kumain kanina but the intern specifically ordered an extra one for the next resident on duty which is Ebony. Ewan ko ba kung anong meron ngayon at mukhang napaka-galante ng lahat.

Busy being YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon