21. Happy Thoughts

697 41 72
                                        

Hindi ko alam kung sino ang mas excited nang malaman naming uuwi sina Clem at Luke. Basta ang alam ko ay kumpleto kaming lahat nang salubungin namin ang dalawa sa airport.

Even Claus and Raven are here to Lilith's delight! Madalas kasing out of town ang mga projects na nakukuha ni Claus while Raven's just too lazy to socialize. Iba talaga ang hatak ni Clem sakaniya, they both act like they're willing to kill each other pero sobrang rurupok naman para sa isa't-isa.

I'm not threathened by their friendship though. Bukod sa alam kong ako ang best friend ni Clem ay mas gumagaan ang pakiramdam ko knowing that there's also someone out there who cares for her. Madalas kasing nami-misunderstood si Clem dahil sa default niyang pagmumukha o 'di kaya ay sa pamamaraan nito ng pagsasalita but believe me, she's a very nice girl behind all that toughness that she may look like. 'Di naman siguro niya kasalanan kung ganun talaga siya 'di ba?

Anyway, kakagaling ko lang rin from my post-duty na sobrang hassle since sobra akong na-toxic during my duty. Tatlong magkasunud-sunod na panganganak ang in-assist ko bilang lahat ng mga 'yon ay mga pasyente ko. Pakiramdam ko ay buong 12 hours ng duty ko ay nakatayo lang ako! At this point ay sawang-sawa na akong makakita ng pekpek na may lumalabas na sanggol.

Wala pa akong tulog o pahinga man lang. I just took a very short nap in our quarters, took a shower then sumabay kay Jas papuntang airport. Unlike me, medyo mapayapa ang sitwasyon sa surgical ward. Walang kahit anong interesting cases o mga surgeries na kailangang mag-scrub in kaya naman ay nakuha ni Jas na magpa-cute sa isa sa mga rotmates niya to switch day offs with him para masundo rin sina Luke sa airport. Mabuti nalang talaga at madaling mauto 'yung kasamahan niyang 'yun, I really do hope na walang emergency surgeries for today dahil sure akong kamumuhian niya si Jas. Sobrang toxic pa naman ng duties ng assigned resident nito, walang palya. Halos araw-araw ay may mangyayaring masama. Feeling ko tuloy ay pancit lagi ang baon 'nun sa hospital.

Sa aming lahat na nakaabang dito ay sina Lils at Ely lang ata ang mukhang well-rested.

Madaling araw kaya nakasuot pa si Lils ng satin na terno pajamas. Pinagtitinginan nga ito ng iilang tao dito but I bet that they're thinking that she looked like a Victoria's Secret angel lounging because I'm gonna be honest, she always looks like one. Nakahilig ito sa dibdib ni Ely habang nakaakbay naman ito sakanya.

Payapang naglalambingan ang engaged couple pero syempre ay 'di nito mapipigilan si Jason to disturb them. Walang tigil parin ito sa kakatanong kung may kailangan pa ba for the engagement party, kung may kailangan pang imbitahan, kung ano pa ba ang kulang... At this point ay si Ely nalang ang nagtitiis dito. Halos mawala na ang mga mata ni Lils sa kakairap sa kaibigan but she's also letting him talk.

Ang lalakas ng loob na sabihing ako 'yung enabler ni Jason eh heto din naman sila, doing the exact same thing for him.

Para ma-distract ang sarili sa sobrang lakas na hatak ng antok ay kinausap ko ang dati kong kaklase. Although I failed miserably kasi hanggang ngayon ay nakakatakot parin ang paisa-isang salitang sagot ni Raven sa bawat tanong ko. So I ended up talking to Claus while Rave and I share snacks instead. Hindi naman kasi madamot 'tong isang 'to. Masungit siya pero hindi madamot. Actually ay nauutusan mo nga rin siya eh, I remember back in college, ilang beses namin itong inuutusan ni Clem na bilhan kami ng milktea. Wala naman siyang reklamo, although panay ang irap niya after.

But like I said, walang reklamo.

"Visayas-based ka na ba talaga? Kasi panay ang tanggap mo ng projects 'dun eh." Tanong ko kay Claus.

"Hindi naman. I still work for a company that's based here in Luzon kaso most of our clients are from there kaya madalas na 'dun ako naglalagi."

"Edi sobrang lungkot ng mga gabi mo, Rave?" Hindi ko na naman napigilang maitanong. I swear it was just a slip, I didn't even think it through!

Busy being YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon