40. Something Old, Something New

858 44 46
                                        

"Ito lang po ba, doc?"

I was in the middle of biting a piece of my ube cheesedesal when the vendor asked me. Parang tanga akong nasa kalagitnaan pa ng pag-nguya nang tiningnan ko siya. I shyly smiled and nodded, she also chuckled at how stupid I must looked.

"Ayos lang doc, alam kong pagod na pagod at gutom na gutom ka." The nice, old lady smiled at me before handing me my change.

Tahimik ko siyang pinasalamatan habang tinatanggap ang sukli ko.

Now with also my Yakult in hand ay tahimik kong binaybay ang hallway patungong lounge area. I'm not the resident on duty nor the on-call one but I still need to do some rounds. Hindi naman talaga ako dapat ganito ka-bangag if it wasn't for Greg and his sudden need to get drunk the night before.

Payapa lang akong nakaupo sa single sofa kong nakaharap sa napakalaking bintana ng unit kong kitang-kita ang view ng buong siyudad. I've got a book on my lap and a glass of wine on the side table.

It's one of those days na nagpapasalamat akong binaba ko ang pride ko at tinanggap ang offer ni Kuya Landon na bilhin ko ang unit na 'to kay Kaia matapos nilang magpakasal. I may not like her that much, lesser than when she was still dating my brother, but I can't deny the fact na sobrang ganda nga ng offer niya sa 'kin.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagmumuni-muni, annotating a few of the lines from my book using my highlighter when someone rang the doorbell.

Who the hell would dare to barge into my place while I'm clearly having my once-in-a-bluemoon me time?

Minsan na nga lang akong uuwi na hindi didiretso sa kwarto at matutulog ng ilang araw (or realistically ilang oras) tas may mang-iistorbo pa?

While still frowning ay padabog kong nilapag ang libro ko sa ibabaw ng side table, katabi ng wine glass ko. Medyo natabig ko pa ito sa pagkakabagsak ko sa libro, spilling a few of its contents on the book cover. I just stared at it for a second before sighing.

So much for a good night, huh?

The person outside my door seemed so impatient dahil hindi pa ito nakuntento at talagang kumatok pa ito.

"Sandali!" Iritado kong saad habang nakapaang binabaybay ang direksiyon ng pintuan. Mas lalo pa nitong nilakasan ang pagkakakatok.

"Gibain mo nalang kaya 'yung pinto— Anong ginagawa mo dito?!" Iritado kong saad sa pagmumukha ni Greg na bumati sa 'kin pagkabukas ko ng pintuan.

He sheepishly smiled at me, a bottle of wine in his hand, as he let me drag him inside. Ayoko namang ireklamo ako ng mga burgis kong kapitbahay dahil lang sa sinisigawan ko 'tong nangiistorbo sa 'kin sa gitna ng corridor.

"Na-miss din kita, Bebi." He coolly said, taking off his jacket.

Mas lalo ko lang na ikinainis ito. But I really can't blame the guy kung likas na at home na talaga ito sa kahit saang lugar pa siya mapadpad. That's just how he rolls.

"Anong kailangan mo?" Nakasimangot parin ako habang pinapanood siyang maghubad ng sapatos. "Matutulog na ako eh!"

"Matutulog?" Tinuro niya 'yung pwesto ko kani-kanina lang. "Sigurado ka?"

I just hissed and left him on the foyer. Bahala siya diyan. If he wanna hang around, then go, basta ako... payapa akong magbabasa sa pwesto ko.

Mukhang naintindihan na naman ni Greg kung anong laman ng isip ko because he didn't bother me at all when I went back straight to my chair and went back to reading as if he doesn't exist. Although naririnig ko parin 'yung unnecessary comments niya on the background like, kaya ka tumatandang dalaga diyan eh.

Busy being YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon