Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatili sa loob ng CR. If it wasn't for the person who was knocking outside while I was still in there ay baka 'di pa ako lumabas.
Hindi naman masyadong namamaga ang mga mata ko. Namumula lang ito pati na rin ang ilong ko, good thing I have really bad allergies kaya hindi na masyadong nagtanong pa si Kuya Joel nang maabutan niya akong parang ewan matapos ang klase niya. And besides, he's too tired to check on his baby sister. Pagkarating na pagkarating niya sa pwesto ko sa coffee shop ay agad na nitong tinawagan ang pinsan namin para sunduin kami at muling nagbasa ng makakapal niyang libro. Wala na rin akong choice kundi ang gayahin siya, mas lalo lang itong magdududa kapag wala akong ginagawa habang hinihintay ang sundo namin.
'Di rin nagtagal ay dumating na si Kuya Ton, kakagaling niya lang din sa pharmacy namin to check on a few things. He's really a big help to our family. Palaging sinasabi ni Mama na 'di sila nagkamali ni Papa sa pagkupkop dito para pag-aralin because aside from he's really doing good at his studies ay sobrang bait din niya sa amin. He's my parents' working student, he works for us by driving both Kuya and I around (since tamad si Kuya mag-drive ever since he started law school at wala akong balak kumuha ng driver's license), helps Mama run the pharmacy, and also pick Trixie up, my niece, from school in exchange of paying for his college fees and his food and shelter.
Silang dalawa lang ng kapatid ko ang nag-uusap sa front seat habang ako naman ay nakahiga na sa likuran. Nagkunwari akong tulog para 'di na nila maistorbo when the truth is that I'm just tired. Like really tired.
Nang makarating ako sa bahay ay agad akong sinalubong ng magkahalong ingay ni Trixie at ng aso ni Mama, and as much as I love those two (si Mama at si Mindy, 'yung aso. Si Trixie? Negotiable pa kasi nakakairita paminsan-minsan 'yung batang 'yun) ay wala talaga akong ganang kumain ng dinner na may kasabay. Gusto ko munang mapag-isa. Good thing my brother saw me shoving into my mouth a few bread earlier while we were in the coffee shop kaya nakumbinsi na si Mama na kumain na nga ako at mas kailangan ko ng pahinga ngayon.
"Sige na, magpahinga ka na Bebi. Uminom ka ng gamot, ha? Mukhang ang lala ng allergies mo ngayon." nag-aalalang saad ni Mama matapos ang mahaba-haba kong pagpapaliwanag.
Agad akong napatikhim bago pinunasan ang pisngi, "Oo nga po eh, mausok kasi kanina 'nung naglalakad ako papuntang coffee shop."
She just sighed before nodding her head, "Magtakip ng ilong gamit ang panyo o mag-mask ka nalang. May supply ka pa ba ng gamot mo sa kwarto mo?"
I smiled, "Opo ma, thank you."
"Oh sige, magpahinga ka na at ipaghahanda ko pa ng dinner 'tong pinsan at Kuya mo."
Hinalikan ako ni Mama sa noo bago ito nagtungo sa kusina namin, leaving me with Trixie that was playing with our dog. Nagkatinginan pa kami ng bata nang mapansin ko ang iilang mga stickers na nakadikit sa braso niya. Those are my stickers!
"Pumasok ka sa kwarto ko?!" Hindi ko makapaniwalang tanong sakanya.
She just looked at me innocently before glancing towards the kitchen's direction.
"MOMMY! SI TITA BEBI OH!" walang sabi-sabi ay agad na itong ngumawa.
At bago pa man ako tuluyang mapagalitan ng nanay ko ay agad na akong umakyat sa taas. Ila-lock ko na talaga ang kwarto ko, I swear! Pinaka-ayoko talaga ang pinapakialaman ang mga gamit ko ng walang paalam. I don't care if you're my niece or not! I really hate that one.
Dinig na dinig ko pa ang iyak ni Trixie sa baba at ang pagpapatahan ng nanay ko sakanya nang maisara ko ang pinto ng kwarto ko. I sighed before leaning on my door.
"Mommy, inaaway ako ni Tita Bebi." irap ko pa matapos kong sabayan ang iyak ni Trixie. "Napaka-talaga!"
BINABASA MO ANG
Busy being Yours
RomanceJason and June. Where will this pushing and pulling take them? A To Meet in the Middle Spin-off