27. For the Best

679 33 43
                                        

Hello! Kamusta kayo? Hope that everyone is well and safe.

I suggest that you play Huwag Ka Sanang Magagalit by Unique Salonga. Nasa playlist din 'to pero sobrang bagay talaga ng kanya sa J&J arc at the moment. Di na masyadong emo si June ha. Hahahaha matatapos na rin tong Celia arc... Or not. ;)

Follow me on twitter: @writtenbyvam
Follow the spotify playlist: j&j 👀

I'd also like to take this opportunity to thank you guys for reading my stories and following me both in wattpad and twitter. Napapansin ko kasi recently na ang daming nagbabasa/vote/comment sa stories ko. Tbh, di ko inaasahang maraming makakapagbasa ng mga gawa ko. All I wanted to do is write because it keeps me sane. But having you guys here makes it more fulfilling, so thank you. I'll do my best to improve and get better. 🧡

Pati last nalang, hahaha, if you wanna tweet about my stories kung okay lang naman, you can tweet with the hashtag #JandJWP para mahanap ko 'yung tweets niyo because I really love reading them.

This chapter is unedited. All mistakes are mine.

Happy reading and stay safe!

Love, Vam 🧡

xx

And just like that October ended like a blink of an eye.

And on the side note, it ended quite weirdly... o siguro ay ako lang talaga 'to...

Remember the hospital encounter? The only with Tita Abner and Celia, the one that I've been obsessing about? I gave up on it already. Aminado naman kasi talaga ako na baka ako lang ang may problema 'nung mga panahong 'yun knowing na may chismosa tendencies pa naman ako and that I'm prone to being offended kapag may mga ganap ang mga kaibigan ko na wala akong masyadong kaalam-alam. Again, it was harmless. Kaibigan ni Jason si Celia, okay lang na sila ang magkasama ng nanay nito. Wala ngang kumu-kwestiyon sa 'kin kapag sa nanay ni Clem ako dumidikit sa tuwing may handaan sila kapag iniimbitahan ako ni David na pumunta sa probinsiya nila 'nung kami pa.

Gets niyo ba ako?

And also, I kinda lose interest when Jason dodged my question. The one that I've been bottling up ever since the incident happened. For me, that was the last straw. 'Dun ko na unti-unting natanggap na may mga bagay ngang itatago ang mga kaibigan mo sa 'yo kahit na gaano pa kayo kalapit sa opinyon mo. And know what? It may be a hard pill to swallow for me, but it's the truth. Life works exactly like that and I have to accept it even if it makes me feel bad.

I know that I'll get over it... and to tell you honestly, I really did.

'Nung mga panahong 'di ko na masyadong ginagawang big deal si Celia at ang kamisteryuhan nito, hindi na ako masyadong bothered sa presence niya. In fact, I just realized that she's not that important after all. I observed that just like any one of us, she's just a normal person, she may be hiding a secret or two with Jason, but she's pretty normal. The less attention that I give to her, the more that I realize a lot of things... gaya nalang ng hindi naman pala sila ganun kadalas magkasama ni Jas, in fact, ay mas madalas pa nga silang magkita ng kuya ko kesa sa kaibigan ko for their group studies. I just thought of it the other way because I've been obsessing about that fact that Celia and Jason might be in a secret relationship without even realizing that they can be just friends... Kagaya nalang ni Jason at ako, o ni Kuya at ni Celia.

Busy being YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon