13. The One where June found Out

806 40 99
                                        

A lot of things happened during the holidays that I almost couldn't keep up. After days of staying in my Tita's house ay muli na naman kaming bumalik sa sarili naming bahay kung saan agad din akong sumugod ng airport para ihatid ang pinaka-pabebeng tao ng taon aka si Jason Andres. I was with Lilith and Ely that time. Kaming tatlo nalang ang naiwan para ihatid ito paalis which made me really emotional.

It took me back to the time when we were watching Luke leave for Seattle, lima kami 'nun. And then when it was Clem's turn for Australia ay apat naman kaming naghatid sakanya... Tas ngayon naman ay kay Jason papuntang Boston. Although he's going there for a short vacation lang ay 'di ko parin maiwasang magpaka-emo.

It feels like we're all slowly getting older and older but at the same time ay pakiramdam ko ay wala paring umuusad sa buhay ko.

I swear to god, pagkatapos nang pagkatapos ng med school ay 'di na ako magiging ganito kababaw na tao pagdating sa timeline ko. May panghahawakan na akong achievement, a proof na umuusad din pala ako kahit sobrang bagal ng takbo nito. I'll have an MD at the end of my name.

On New Year's Day, I woke up to a very good news that Lilith got engaged! Halos bulabugin ko ang buong village namin dahil sa napakaganda at nakakakilig na balitang iyon. I was just screaming finally for a solid minute kung 'di lang ako kinatok ng napaka-KJ kong mga kuya na naiistorbo ko raw sa pagtulog.

Wala akong pinalampas na pagkakataon at kaagad na tinawagan ang newly-engaged kong kaibigan along with my best friend in Australia. Wala nang pake kung puyat sila o ano kasi kagabi lang 'yung New Year's Eve. If only I was allowed to go out to meet with Lils para makita ko sa personal ang family heirloom na engagement ring ng mga Valderrama na nasa daliri niya ay ginawa ko na, kaso lang sobrang mapamahiin ng pamilya ko. 'Di raw dapat gumagala kapag Bagong Taon kasi buong taon na raw akong lalakwatsa niyan kaya nagtiis nalang muna ako sa video call.

"That's one blinding rock," Clem commented.

Shocked 'yan siya pati masaya para kay Lils at Ely sadyang inaantok lang talaga dahil sobrang late nang natapos ng New Year's party na in-attendan niya kagabi with her workmates.

"I know," halos mapunit na ang labi ni Lils sa kakangiti bago muling tinitigan ang kaliwa nitong kamay. "He's really an idiot."

I pouted.

Is that really a required line para sa babaeng pino-propose-an o kaka-engage lang? He's an idiot? Ilang beses ko na ring narinig 'yan sa kaliwa't kanang mga kakilala kong ikinasal o ikakasal na.

'Di ba sila aware that they're kind of ruining enagements and marriages for me? Who would wanna marry an idiot? Pero di bale na. Nakakakilig parin!

Mag-iinarte pa ba ako eh taga-kilig lang naman ako?

"Engagement ring 'yan ni great, great grandma Valderrama?" Tanong ko.

"Great, great, great grandma Valderrama," Lils corrected me.

"Damn, Lilian Theresa! Ini-imagine ko na 'yung wedding portrait niyo ni Ely na isasabit sa mansion nila tas in the future ay titingnan ng future Valderramas tas isa-isa silang mai-intimidate sa power niyong dalawa as a couple... Imagine them saying Lola Lilith was hot!"

Sabay na napahalakhak ang dalawa.

"Parang tanga June!"

"They better say that I'm hot. I worked hard for this bod," Lils confidently flicked her long hair. Dahil 'dun ay napansin naming nakasuot lang pala ito ng itim na lace bra.

At kung 'di lang naman talaga gaga 'tong si Lilith, nang tinanong namin kung kakaligo niya palang ba ay kaagad na binaling ang phone niya sa likuran nito at pinakita ang isang topless at nakadapang Ely na punong-puno ng kalmot ang likod at natutulog pa sa ibabaw ng kama.

Busy being YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon