"Ba't ang bagal-bagal niyo namang kumain? I brought you kids here for a reason!"
Sabay na napaangat ang tingin naming dalawa ni Jas kay Tita Abner na kakabalik lang mula sa buffet table, hawak-hawak ang dalawang pinggang naglalaman ng mga sushi at marinated meat.
"Here," nilapag niya iyong pinggan na may karne malapit kay Jas, "Grill that one, baby." She smiled before shoving me the other plate, "Here you go, honey. I know how much you love these."
"Thank you po Tita," ngiti ko sakanya sabay tanggap 'nung inaabot niya. Hindi pa nga nangangalahati 'yung kinuha kong pagkain kanina ay may dala na naman si Tita.
Don't get me wrong, okay? Ako parin 'to... Si Junipher na walang patawad kung kumain pero sadyang mas mabilis lang talagang kumain 'tong nanay ni Jas at panay ang tayo para kumuha na naman ng panibagong pagkain.
She surely knows how to make an expensive eat-all-you-can restaurant worth it.
"Hurry up eating, may dessert pa 'dun, okay?" She looked at the both of us while sipping her tea. Pampatunaw niya raw 'yun, maya-maya ay tatayo na naman ito para kumuha ng panibagong round ng pasta.
"Mi..." Jason groaned.
Pareho kaming napatingin ni Tita sakanya na nasa tapat lang naming dalawa.
The poor guy haven't even started eating his meal yet. Kanina pa ito nag-iihaw ng karne habang panay naman ang kuha namin ni Tita. Well, you can't really blame us. Nasanay na ako na si Jas 'yung laging nakatoka sa ihawin kapag may mga kainan kaming ganap, be it a normal, wholesome dinner or a wild beer night.
Expertise niya ata ang pagb-barbeque na hanggang dito ay kina-career nito.
Bahagya akong natawa dahil sa bawat nalulutong karne na nilalagay niya sa pinggan nito ay paisa-isa din itong kinukuha ng nanay niya para kainin.
"Bakit?"
Saglit kong binitawan ang chopsticks ko at inagaw ang tongs at gunting mula sakanya. "Ako na. Kumain ka muna."
"Hindi ka pa kumakain?" Medyo gulat na tanong ni Tita. Hindi ko na naman mapigilang matawa dahil dito, napailing nalang si Jason. "How can I eat when you keep on stealing my food from me?"
"Ay sorry na baby," agad na natawa si Tita nang napagtanto niya 'yung ginagawa niya for the past hour. "I'll get more meat for you," nilapag nito ang hawak-hawak na tea cup saka agad na tumayo, "Do you need anything else—"
"Mi, wag na..."
Hindi pinansin ni Tita ang reklamo ng anak na agad nang inatake ang gabundok nitong kanin. Patuloy parin ako sa pag-gupit 'nung pork belly.
"Ay hindi, you've been living off with delivery food for almost a year already. Kailangan mo ng totoong pagkain." She said with a stern look before glancing at my way, "Ikaw, hija? Do you need anything else?"
Pasimple kong binalingan ang tatlong pinggang halos may mga lamang pagkain pa sa tapat ko.
I looked once again at her before I smiled, "I think I'm good Tita."
"Okay!" She gave me a friendly smile, "I'll get Jason's meat and then I'll talk to the attendant about Lils and Ely, okay? Behave, you two."
Hindi ko na naman mapigilang matawa habang tinitingnan ang papalayong imahe ni Tita sa amin na malamang ay magpapa-reserve pa ng table para sa mag-fiancé. The moment that Lils heard that Tita Abner was indeed, here in the Philippines, talagang binombahan niya kaming dalawa ni Jas ng mga texts at tawag, at tinatanong kung san kami magdi-dinner tonight, telling na hahabol silang dalawa ni Ely.
BINABASA MO ANG
Busy being Yours
RomanceJason and June. Where will this pushing and pulling take them? A To Meet in the Middle Spin-off