Masarap magmahal, and at the same time masakit din. Kasi kung hindi ka nasaktan, hindi pagmamahal yun.
At pag nasaktan ka na, wala ka nang magagawa kundi pag-aralan kung pano mo matatanggap yung nangyari.
Ganito pala yung feeling ng masaktan. Hindi mo alam kung san ka magsisimula. Nakakatamad mag-isip. Kung may maiisip ka man, hindi mo naman ata kayang gawin.
"A penny for your thoughts?" sabi ni Youngmin.
Andito ko sa rooftop ng College of Education building. Nagpapahangin.
"Pano ka napunta dito?" tanong ko sakanya. Tumabi siya sakin.
"Siguro kasi may paa ako. At may mata din para makita ko yung dinadaanan ko." sarkastic niyang sagot.
"Tsk. Dun ka na nga." sabi ko. Peste to.
"Bakit, nabili mo na ba tong rooftop ng COE?"
"H-hindi! Aiiish. Ewan ko sayo!" nakakadagdag lang to ng inis.
Tumawa siya. Ayan na naman yung tawa niya ang sarap pakinggan.
"Pikunin," sabi niya tapos pinat niya ko sa ulo.
Tahimik nalang kami pagtapos nun. Ine-enjoy yung malakas na hangin.
*1 message received
From: Bestfriend'Seia<3
San ka Ji?
To: Bestfriend'Seia<3
Rooftop. COE. Bakit?
*1 message received
From: Bestfriend'Seia<3
Baba ka. Usap tayo.
*sigh. Nakaligtas nga ko sa bahay, hindi naman ako makaligtas kay Sei.
"Youngmin--" tamo to. Tulog na. Ang kulet pang tignan habang hinahangin yung buhok niya. Ang pogi. >/<
Kinuha ko yung bag niya tapos kinalang ko sa may leeg niya para maayos siyang makatulog. Tapos nun iniwan ko na siya.
"Oww baket? Anong meron?" sabi ko. Andito kame ngayon sa garden.
Kame as in ako, Seia, and DH.
"Ano nang balak mo?" sabi ni Sei. Si DH nakikinig lang.
"Huh? Balak saan?" sagot ko. Alam ko naman talaga kung ano sinasabi ni Sei. Tinatry ko lang magpalusot.
"Kay Lee Jeongmin. Sa boyfriend mo. O tamang, EX-Boyfriend mo." sabi niya, emphasizing the word 'EX'.
I never thought that hearing his name again would make me feel that I have a very big problem. Well, maybe its a BIG problem though. Nung narinig ko yung 'Lee Jeongmin' ulit, feeling ko isang taon kong di narinig yung pangalan niya, kahit katunayan, isang araw pa lang yung lumilipas.
"Ano Jian?" sabi ni DH. He called me Jian, meaning this topic is serious.
I let out a sigh. Arggh! Putek na pangalan. Nabanggit lang, pati yung sakit na pilit kong kinakalimutan sa abot ng makakaya ko, bumalik!
"What?" sabi ni Sei. Pumikit ako. Hindi dahil inaantok ako, kundi para pigilan yung luha ko.
"I.. I.. I don't know.." sabi ko.
Jian's tip: pagnaiiyak, WAG na WAG magsasalita. Maiiyak ka lang lalo.
"Jian.." sabi ni Sei. Wala. Naiyak na ko eh. Litsibels.
"Sei.. Hindi ko talaga alam.. Tinatanggap ko kahit na ang hirap tanggapin. Iniisip ko nalang na break na kami para hindi na ko mag-antay, kase alam ko sa sarili ko na kahit sinaktan niya ko.. Nag-aantay pa din ako na babalik siya. Wala eh." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Past Versus Present
Teen FictionMinsan talaga akala mo perfect na. Tapos biglang may magbabago. Biglang may mawawala. May dadating. May babalik. -- Annyeong haseyo! This is a fanfiction presenting the KPOP boy group, BOYFRIEND! Sana magustuhan niyo Don't forget to leave a commen...