"May mga bagay daw talagang hindi nagtatagal. Mga bagay na perpekto na, pero biglang nasisira. Mga bagay na akala mo hanggang huli na, yun pala, hindi. Yung akala mo hanggang sa 'the end' siya na, yun pala, part lang siya ng 'chapter' na yun." basa ko sa isang post sa FB.
Medyo madrama ha. Pero it makes sense.
"Ano yang binabasa mo Chams?" tanong ng lalaking nakasandal sa balikat ko.
"Wala, post lang sa FB na quotes." sabi ko.
"Drama naman nun." sabi niya.
"Yaan mo na, yun pananaw niya eh. Kanya-kanya naman tayo ng trip." sagot ko.
"Sabagay. Ay Chams, may papakita ko sayo. Tignan mo to oh." sabi niya, sabay pakita sakin nung relo niya.
Wait.. Relo. Black chain. Kahawig nung sakin. No. Kamukha nung sakin. Yung ka-couple nung relo ko!
"San mo nakuha yan Chams?" tanong ko.
"Ha? Bakit?" tanong niya. Eh kasi diba..
"Wala. Yan kasi yung ka-couple nung relo ko." sabi ko, tas pinakita ko sakanya yung relo ko.
"Oh, astig! Couple wristwatch." sabi niya.
Ang pinagtataka ko lang. Nung pumunta kame sa DQ ni Sei, yung lalaking customer na naunang umorder sakin, nakita kong suot niya yung wristwatch. Imposible namang dalawa yun? Eh nag-iisang design na nga lang daw diba?
"Chams?" ayy.
"H-ha? Ah, may naalala lang." sabi ko.
"Sino? Yung crush mo na namang KPOP?" sabi niya, with matching tampo pa. Suuuws. <3
"Di ah. Seloso." sabi ko, tapos kiniss ko siya sa cheeks. Lambing lang ba.
"Isa pa nga, dito naman sa kabila." sabi niya, tapos turo sa kabila niyang pisngi.
"He! Nasasarapan ka. Tama na yan, baka umabuso." sabi ko.
"To naman, isa lang eh. Dali na Chams. Isa lang, dito oh *turo sa cheeks*. Pramis." sabi niya. Pagbigyan na nga.
"Ahhhhh! PDA!" sigaw ni Sei.
"Ang OA Sei ha. Sa pisngi lang eh, makasigaw kala mo naman nirerape na ko ni Jeremy." sabi ko.
"Hehehehe. PDA mats naman kase, painggit lang? Edi ako na walang lovelife." sabi niya.
"E bakit kasi ang arte niyo ni kuya--"
"Hoy tumigil ka Destiny." yun, tiklop.
"Anong meron kay Seia saka kay kuya Denver?" tanong ni JM.
Oo nga pala, wala tong alam. Pati pala kayo. XD
"Kwento ko Sei?" pang-aasar ko.
"Subukan mo Destiny. Sige lang." sabi niya. Hahahaha.
"Nyenye. Takot ko lang sayo Seia. Wag na chismoso Chams, bad yun." sabi ko kay JM.
*ring
"Ay, wait lang Chams may tumatawag." sabi ni JM.
Lumayo siya para makipag-usap dun sa kung sino man yung tumawag.
"Oh lumayo pa?" tanong ni Sei.
"Privacy. Duh." sabi ko.
"Bakit, wala ba siyang tiwala? Ikaw nga harapan kung makipag-usapan sa telepono kahit magkatabi lang kayo eh." litanya niya.
"Eh ako yun. Saka ano bang meron kung lumalayo pag tumatawag." sabi ko.
"Malay mo, may tinatago." pang-aasar ni Sei.
BINABASA MO ANG
Past Versus Present
Teen FictionMinsan talaga akala mo perfect na. Tapos biglang may magbabago. Biglang may mawawala. May dadating. May babalik. -- Annyeong haseyo! This is a fanfiction presenting the KPOP boy group, BOYFRIEND! Sana magustuhan niyo Don't forget to leave a commen...