Ang hirap magfocus kapag ayaw makisama ng katawan mo sa gustong gawin ng utak mo. Yung tipong gusto mong magkikilos para lang hindi mabakante yung utak mo para di mo sya maisip, pero ang bigat naman ng katawan mo. -_-
"Okay ka lang ba, Ji?"
"Oo naman. Nukaba naman Sei. May reason ba ko para di maging okay?" sabi ko.
Di ko sinabe sa kanila yung nangyare kagabi. Yung.. yung confession kinemper ni Youngmin. Pagkatapos kong magiiyak habang naliligo kagabi, tinago ko lahat ng bagay na magpapaalala saken sakanya. Parang nagbreak lang diba? Hays.
"Nakita mo na ba si Youngmin?" tanong ni DH.
"Ha? Ahh. Hindi pa nga e. Hindi ko pa sya nakikita." Liar.
Nagkatinginan naman yung dalawa kong bestfriend. Yeah, alam kong alam nila na nagsisinungaling lang ako.
"Tara nga." sabay hila saken ni DH.
Dinala nila ako sa park malapit sa school namen na lagi nameng pinagtatambayan noon kapag matagal yung vacant namen.
"Oh? May klase pa kayo diba? Bakit tayo tatambay dito?" tanong ko.
"Ano bang nangyayare ha, Jian?" tanong ni Sei.
"Ano bang 'anong nangyayare'? Ano bang meron?" tanong ko.
"Ibabalik ko sayo yang tanong mo. Ano nga ba?"
Ramdam ko naman na yung gusto nilang malaman. Ewan ko kung bakit di ko masabi. Siguro natatakot lang ako na magalit sila kay Youngmin. Kagaya nung kay JM.
"Kayo pa ba ni Youngmin?" tanong ni Sei.
Parang sumakit yung dibdib ko sa tanong niya. Kami pa nga ba?
"I.. he. I.. I.. I don't know." I sigh.
"Anong hindi mo alam?" tanong ni DH.
"Wag mo sabihing iniwan ka na naman sa ere?" tanong ni Sei.
"NO! I mean.. hindi. Tama. Hindi. Ako. Ako yung may kasalanan."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Alam niyo ba ang tanga tanga ko. I choose JM over Youngmin. I chose to ignore him because JM requested me to have me by himself for a week. Stupid diba? Inignore ko yung boyfriend ko para lang tuparin yung request ng ex ko. Okay sana kung.. kahit papano nagtetext ako sakanya. Kaso hindi e. Nawala ako bigla. Di ko siya masisi e. Siguro.. siguro iniisip niya na si JM talaga yung mahal ko. Na kaya ako biglang nawala kase si JM yung pinili ko. Na siguro iniisip niya na ayaw ko lang sya saktan kaya dinistansya ko sarili ko.
"Tapos ako pa yung nagalit kay Youngmin nung hindi niya ko kinokontak. Diba? Sino ba namang matinong girlfriend ang gagawa nun?" I laugh bitterly.
"Kaso Sei.. Di na niya ata ako mahal. Alam mo ba kagabi narinig ko syang nagkoconfess dun sa isang babae. Sa gitna ng ulan. Wow diba. Ang romantic. I heard him say "mahal na ata kita" to that girl. Naisip ko, ganon ba ko kadaling kalimutan? Sabihin niyo nga saken. Bakit ginaganun nila ako?"
"Jian.."
"Pero kasalanan ko e. Kasalanan ko. Seia, mahal na mahal ko na si Youngmin. Bakit kailangan ko pang gumawa ng katangahan para lang marealize ko? Ang sakit, Sei. Naiimagine ko na magkasama sila nung babae. Ako dapat yun, Sei. Ako dapat yun. Kase ako yung girlfriend. Pero anong ginawa ko? Masaya kameng magkasama ni JM habang si Youngmin walang kaclue-clue kung bakit di ko sya kinakausap. Tapos ngayon, ako pa tong nagagalit sakanya? Edi wow."
Sa tuloy-tuloy kong pagsasalita, di ko namalayang umiiyak na pala ako.
"Ano nang balak mong gawin?"
"Di ko alam. Gusto ko syang kausapin pero di ko magawa. Kase nagseselos ako. Nagseselos ako ng sobra dun sa babae. Alam niyo naman ako e. Baka imbes na makausap ko sya ng matino eh mapaguntog ko lang ulo nilang dalawa. Di ako galit sakanya. I know I deserve that. I deserve that because I've hurted him, when all that he do is to love me. To make me forget the pain. To prove himself."Kung kakausapin ko man sya, tatanggapin ko, pero di pa ko ready kung sakaling.. sakaling sabihin niyang magbreak na lang kame."
"Bakit mo sya hahayaang makipagbreak sayo?"
That hits me. Para kong tangang iiyak iiyak samantalang ako tong may kasalanan. Ngayon alam ko na kung bakit maraming nabobrokenhearted. Puro kase puso.
Pinaglaban niya ko. Why not ipaglaban ko naman sya diba?
Bute nalang talaga maasahan ko tong mga kaibigan ko. Now I know what to do. Bipolar much lang? From crying to trying. Ganto siguro pag nagmamahal. Nakakabaliw.
Jo Youngmin, you'll be mine again.
BINABASA MO ANG
Past Versus Present
Roman pour AdolescentsMinsan talaga akala mo perfect na. Tapos biglang may magbabago. Biglang may mawawala. May dadating. May babalik. -- Annyeong haseyo! This is a fanfiction presenting the KPOP boy group, BOYFRIEND! Sana magustuhan niyo Don't forget to leave a commen...