At yun na nga, consistent pa rin si Jeongmin manligaw. Araw-araw, may kung ano laging binbigay sakin. Minsan nga, sobrang laking teddy bear ang binigay sakin. Minsan mga bulaklak. Minsan chocolates. Napapagtripan tuloy akong asarin ng professor ko.
Aprubado na din siya nila kuya. Minsan nga magkalaro pa sila ni kuya Jake ng DOTA, o kaya nagwa 1-on-1 sila ng basketball sa bahay. Odiba, aayaw ayaw pa nung una.
Sila mommy din okay sakaniya, as long as sila daw muna makakakaalam kung sasagutin ko na si JM.
"Oh meryenda ka muna JM. Si mom nagluto niyan." andito kasi sya ngayon sa bahay, kakatapos lang nila mag-DOTA ni kuya.
"Sarap ah!" sabi niya.
"Sows, bola! Inuuto mo lang si mom eh." sabi ko. Pero totoo naman, masarap ata magluto si mom. :)
"Di nga. Eh ikaw, masarap ka din naman magluto ah!" sabi niya.
Minsan kasi dinalhan ko siya sa school ng packed lunch, na ako mismo nagluto. Ayun, simula nun, lage ko na siya dinadalhan. Nasarapan eh.
"Hmp. Bola. Alis ka na nga! Gagala pa kami ni Sei eh." sabi ko.
Oh, wag magreact. Ganyan talaga ko sakanya magsalita. Pero biro lang naman.
"San kayo pupunta?" sabi niya, sabay lapag nung pinagkainan niya sa mesa. Ubos. Takaw.
"Kahit saan lang. Magba-bonding. Sama ka?" minsan kase sinama namin siya ni Sei sa 'girl bonding' namen. Ayun, nadala. Di niya kinaya 'bonding' namin ni Sei eh. :D
"Wag na lang, di naman ako girl. Boy ako. Boyfriend mo. Opps-- sa future. Kaw naman, di mabiro." kakaltukan ko sana eh. Lumalaki na kase ulo, pano, 'oo' ko na lang talaga kulang.
"Alis na nga! Magbibihis pa ko."
"Yuck, di naliligo! Baho!"
"Hoy! Kahit di ako maligo, mabango padin ako no!"
"Hehe, alam ko naman yun. Babye na. Ingat kayo ni Sei. Text mo ko ah." sabi niya.
Inantay ko munang makaalis siya bago ko isara yung gate.
Pagkaalis niya, naligo na ko tapos nagbihis. Nakita ko yung binili kong wristwatch sa mall, yung pang-couple siya pero yung isa lang binili ko? Well. Isusuot ko siya. Ang cute, bagay sa get-up ko. <3
*Excuse me, geudae cham daedanhaneyo nae sarmeul ban bakwi dollyeonwanneyo
Namjajyo nan geudae manui namja naui modeungeol julgeyo*
(Bestfriend'Sei<3 calling...)
Yeah, may iba't ibang ringtone ang contacts ko. Gaya kayo? Kdie. XD
"Ow?" sabi ko.
"Asan ka na?" tanong niya.
"Papunta na." LOL hahaha.
"Ah, OTW na din ako. San ka na ba?"
"Papunta na sa pintuan, palabas ng bahay. Wahahaha! Labyu Seiaaaaa! Bye~" binaba ko na yung tawag, alam kong magmamarakulyo yun. Eh bakit ba. :P
Sumabay ako kay kuya DJ pagpasok niya, tutal dadaan naman yun sa gagalaan namin ni Sei. Pagkadating ko sa mall, sakto namang nagtext siya na nasa Dairy Queen daw siya. Avah! Lumafang na si Sei. Di man lang ako inantay.
"Woy! Takaw mo, di mo man lang ako inantay." sabi ko pagdating ko sa DQ.
"Hay naku, kahit kelan ka. Sabi ko na nga ba't wala kong tiwala sa 'papunta na' mo eh. Umorder ka na nga din dun." sabi niya.
BINABASA MO ANG
Past Versus Present
Teen FictionMinsan talaga akala mo perfect na. Tapos biglang may magbabago. Biglang may mawawala. May dadating. May babalik. -- Annyeong haseyo! This is a fanfiction presenting the KPOP boy group, BOYFRIEND! Sana magustuhan niyo Don't forget to leave a commen...