"Sir, andyan na po si sir Youngmin sa labas." sabi nung yaya namen.
Tumango naman si daddy at ilang seconds lang nakita ko na yung mukha ni Youngmin, flashing his all bright smile, na para siyang model ng Colgate.
Since nung last day namen sa Baguio, he didn't change, though mas naging sweet at caring siya, in Youngmin's way syempre. Hindi naman siya gaya ng iba na showy-- bigay ng kung ano-ano, laging nakadikit and likes--, he's just.. simple, yet nararamdaman ko kung gano siya kasaya dahil binuksan ko na yung puso ko para sakanya.
Kahit alam kong alam niya na mahal ko pa si JM.
"Oh." abot niya saken ng stick-o.
Sabi ko nga sainyo, hindi ako mahilig sa stick-o e, pero parang nagiging paborito ko na dahil araw-araw akong binibigyan ni Youngmin.
Para pa nga siyang gumawa ng routine e. Pag maaga pasok ko, kahit na hindi naman maaga pasok niya, pupunta pa rin siya sa bahay para ihatid ako sa school. Paghapon naman pasok ko tapos siya maaga, si DH at Sei ang nagsusundo saken sa bahay, tapos sabay na kame pauwe.
"Pasok na." sabi niya, more or like, 'utos' niya.
Binelatan ko lang siya. Hindi na ko nagulat sa ginawa niya pagtapos. Everyday, kahit na walang reason, he will just kiss me. On the forehead. I find his gesture sweet, to the point na talagang kinikilig ako na ewan. Para sa iba pang-lola o pangtatay daw tong halik na to, but for me, napakasweet nito. Kung yung iba, sa cheeks agad. Well for me, mas sweet ang sa noo. Ni hindi nga ako nakiss ni JM--
Jeongmin. It has been months since nung nagbreak (?) kame. It has been weeks since nung huli kong banggit sa pangalan niya. Good for me. Well, thanks to Youngmin. Ewan ko ba pero pagkasama ko yung taong yun, parang wala kong worries? Parang wala kong dapat intindihin. All I have to bother is myself kase talagang nakakabaliw kasama si Youngmin. Literal. Mukha lang yan seryoso pero pagbumanat ng joke, kahit korni, natatawa talaga ko.
"Ayy may pagngite ang bruha? Uso ba yan ngayon? Bakit hindi ako informed?" nakapang-asar mode na naman si Sei.
"Baket, may batas ba na nagsasabeng bawal ngumiti?" sabi ko.
"Baby, walang nagbabawal. Kaso mukha kaming may kasamang baliw. Ngumingiti ka kase mag-isa." sabi ni DH.
Andito pala kame sa cafeteria. Actually, wala akong nadigest dun sa lesson namen. Pano, laman ng isip ko si Youngmin. Aysooos. XD
"Youngmin." DH.
"Ha? Asan si Youngmin?" sabi ko. Hala mamaya nakita ko nun na tulala, nakoooo. May pang-asar na naman yun saken. ><
"Inlove nga ata." Seia.
"Ha? Sinong inlove?" ako.
"IKAW." sabay nilang sabi.
"Weh?" sagot ko. Mukha namang frustrated yung dalawa sa sagot ko.
"Bakit hindi ba? Sauce. Ganyan na ganyan ka din date kay Lee." Seia.
"Edi wow," sabi ko, "ilang araw ko pa lang halos binuksan yung isip ko para dun sa tao, inlove agad?"
"Alam mo baby, ang pagkadevelop ng feelings wala sa kung ilang araw yan. Nasa tao. E kung nadevelop ka na, kelangan bang bibilangin mo yung araw? Kung pakiramdam mo, nahuhulog ka na sakanya, wag mo pigilan. Sasaluhin ka naman niya e." DH.
Ako? Nganga. Tagos e. Si Sei, tumayo, nagslowclap with matching pag-iling pa. Napatingin tuloy yung mga nasa cafeteria. Si DH, tumayo din. Tapos nag-bow. I have fantastic friends. Pagtapos nun, natawa nalang kame. Aynako. Once in a blue moon lang talaga kami magseryoso.
Pero seryoso, tumatak sa isip ko yung sinabe ni Donghyun. Nahuhulog na nga ba talaga ko kay Youngmin? O naooverwhelm lang ako sa mga ginagawa niya? Ayoko namang paasahin si Youngmin. Alam ko naman sa sarili kong mahal ko pa si JM e. At hindi yun titigil. May part na siya saken na hindi na mawawala. Pero alam ko namang gumagawa ng paraan si Youngmin para madominate niya yung kung anomang natitira ko pang feelings kay JM.
--
"Kanina ka pa?" tanong saken ni Youngmin. Since nga ang usapan namen e, antayan kung sino man ang last na makakauwe, para maihatid niya ko. Aigoo~ Ayoko na ulitin yung minsang nakalimutan kong aantayin ko nga pala siya. Juthko. Ang pride ko naging pride chicken. Like duuh? I don't do the 'pagsuyo' thingy. E nagtampo. Edi.. ano pa nga ba. Nagpasuyo ang lolo niyo. Pss.
"Tara?" sabi niya. Tumango naman ako.
Youngmin never holds my hand when we're walking, unless needed. Halimbawa, tatawid or aalalayan. Pero ako, nasanay na ko na hahawak sa braso niya. Yung parang nakacling. Habang siya nakapamulsa.
"Oy liit." tawag niya saken. Tangkad tawag ko sakanya, liit tawag niya saken. Edi siya na. Lumaklak ata to ng Cherifer nung bata pa e. Ginawang tubig. XD
"Ow?" sagot ko.
"Date tayo."
"Ha?"
"Bingi. Date tayo." sabi niya.
"T-tara." sabi ko.
Hulaan niyo kung saan ako dinala ni Youngmin.
BINABASA MO ANG
Past Versus Present
Teen FictionMinsan talaga akala mo perfect na. Tapos biglang may magbabago. Biglang may mawawala. May dadating. May babalik. -- Annyeong haseyo! This is a fanfiction presenting the KPOP boy group, BOYFRIEND! Sana magustuhan niyo Don't forget to leave a commen...