Chapter Twenty

3 0 0
                                    

"Oh, Jian, Youngmin, salamat ha. Nako, pinagod pa kayo netong batang to." sabi ni manang Liza.

Nandito kami sa bahay nila. Dapat hindi na kame papasok e, napilit kami ni manang Liza na mag-juice muna.

"Mom!" sigaw ni Jeremy tapos tumakbo sa may pinto.

"Oh, may bisita pala." sabi nung babae.

"Good afternoon po." bati ko, si Youngmin nagbow. Yung ulo lang, na di kasama katawan. Ganun. Ah basta. XD

"Mom, meet ate Jian and kuya Youngmin. They're couples. They are also sweet like you and Dad."

Napatawa naman yung mama niya saka si manang Liza dun sa sinabi ni Jeremy. Etong katabi ko naman hindi man lang humindi. Palibhasa gusto rin e. (--,)

"Ow, btw I'm Mrs. Jennifer No. Tita Jenny nalang. Thank you sa pakikipaglaro sa anak ko. Naku, ang kulit pa naman nito." sabi ni tita Jenny tapos ginulo yung buhok ni Jeremy.

[A/N: Annyeong eomma! Hihihi~ Peram ng pangalan mo a. ;*]

"It's okay, maam. Nag-enjoy din naman po ako kalaro si Jeremy." sabi ni Youngmin.

"Oh, Tita nalang. Drop the formality, since kaibigan naman na kayo nitong makulit kong anak."

"Sige po."

"Hmm. Oh manang, magluluto ako. Hija, hijo, dito na kayo kumain. I won't take no for an answer. Pa-thank you na rin sa inyo." sabi ni tita.

"Sige po, tita Jenny." mukhang natuwa naman si Jeremy kaya ayon, inakay na kame sa kwarto niya. Nagbilin lang si tita Jenny kay Jeremy na wag masyadong malikot then ayun tumakbo na yung dalawa paakyat. Sumunod nalang ako.

Pag-akyat ko sa kwarto ni Jeremy, aba nakapwesto na agad yung dalawa sa harap ng tv, sineset up yung XBox. Nako. Mapapalaban ata si Youngmin. Mukang expert si Jeremy e.

Naglaro ng naglaro yung dalawa habang ako e nasa bean bag lang at tawa ng tawa. Minsan naman pinipicturan ko sila. Yung folder namen ni Youngmin dito sa cellphone ko, malapit na maka-1k. Akala niyo ba hindi mahilig magselfie yang si Jo? Akala niyo lang. XD

"Ate, come!" tapos hinatak ako ni Jeremy patayo. Di na ko nakapalag e.

Ang nilalaro na pala nila sa XBox e yung gagayahin mo yung sumasayaw. Basta yun. Tatlo kame, nasa gitna si Jeremy.

"Tss. Matigas katawan niyan." sabi ni Youngmin.

"Wag mo ko hamunin, Jo Youngmin. Baka magsisi ka." sabi ko.

"Let's see. Pataasan? Ang manalo, may isang wish." sabi niya.

"DEAL." sabi ko.

Nagstart na yung kanta. 'Moves like Jagger' yung tugtog. Aba. Talentado talaga tong lalake nato. Biruin niyong magaling sumayaw. Si Jeremy naman, may future din.

"Oh, pano ba yan, Mrs. Jo, mas mataas yung points ko? One wish." tapos nag-wink siya.

Nakakainis tong tao na to. Hindi ba siya pwedeng magsalita na hindi ako mabibingi sa tibok ng puso ko?

"Hijo, hija, kakain na. Jeremy, magbihis ka muna." sabi ni manang Liza.

"S-sige manang. Antayin nalang po namen si Jeremy." sabi ko.

Maya-maya bumaba na rin kami. Di ako nahihirapang ma-feel at home dito kase parang si mom si tita Jenny. Sana magkaron ng pagkakataon na magkita sila. Siguradong magkakasundo sila ng bongga. Kasabay din namen kumain si tito Minwoo. Korean siya. No wonder, chinito si Jeremy. Kapangalan din pala niya yung kabanda ni Youngmin. Kaya medyo parang narinig ko na yung pangalan niya.

Past Versus PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon