Chapter Thirty

1 0 0
                                    

"I'm already tired. Can we rest na kuya?" sabi ni Jeremy kay Youngmin. Friday ngayon kaya magkakasama kami nila Jeremy dito sa park.

"Sige. Ang ligalig mo kasi e, kanina ka pa takbo ng takbo." sabi ni Youngmin. Inabutan ko naman siya ng towel na ipupunas kay Jeremy. Ako naman ang nagpunas sakaniya.

"What's gilagilig?" tanong ni Jeremy.

"Li-ga-lig, hindi gilagilig. Li-ga-lig." sabi ni Youngmin. Napapatawa naman ako sa batang to. English spokening kase, ayan, bulol sa Filipino.

"Lilagil?"

"Li-ga-lig. Ligalig." turo ni Youngmin.

"Li-ga-gil!"

"Li-ga-lig!"

"Oh eto nalang sabihin mo Jeremy. Nakakapagpakabagabag."

"Nakakapagpa-- what again ate?"

"Na-ka-ka-pag-pa-ka-ba-ga-bag." sabi ko ng dahan-dahan.

"Nakakapagbapalababag! Did I say it right?" sabi ni Jeremy. Natawa naman si Youngmin.

"Saya mo. Kaya mo ba sabihin yon? Isa ka pa din dyang bulol e." asar ko kay Youngmin.

"Ako pa? Pakinggan mo," pagyayabang niya, "nakakapagpakakabag! Oh panes!"

Mukhang kakabagin ata ko kakatawa sa sinabi ni Youngmin. Talagang proud pa siya a? XD

"Bakit tama naman a? Nakakapagpakakabag. Oh." sabi niya.

"Kakabagan ata ko sa sinabi mo e--pfft. Hahahaha!"

"Ate what's kabag?" tanong ng inosente.

"Ano yun, Jeremy, yun yung pag napuno na madaming hangin yung tiyan mo. Sasakit yun."

"So you have kabag na ate?"

"Magkakaron ata kakatawa diyan sa kuya mo--aray! Makakagat naman!" May lahi atang aso tong si Youngmin. Kinagat ba naman ako sa balikat. Tsss.

"Ate, can I play with other kids?" tanong ni Jeremy.

"Sige. Pero pag tinawag kita, ibig sabihin non uuwi na tayo ha?"

"Yes po!" sabi niya tapos tumakbo na papunta dun sa kumpulan ng mga bata.

"Inaantok ako."

"Edi matulog ka---Hoy, di ako unan!" bigla ba namang ginawang unan yung hita ko.

"Wag kang malikot. Matutulog lang ako ng pangmatagalang saglit." sabi niya tapos pumikit. Di pa nakuntento, hinawakan pa kamay ko.

"Kung ganto lang ba katabi ko matulog edi hinding hindi na ko gigising." sabi niya. Pinalo ko nga sa noo.

"Anong hindi na gigising? Gusto mong sipain kita?"

"Bakit? Ayaw mo yun, di ka na maguguluhan--- ARAY KO! Jian naman.." pinalo ko nga ng malakas sa noo. Napabangon siya e.

"A GANON HA?! So a-anong pinaparating mo?!" sabi ko. Lakas mambadtrip ng lalaking to.

"Yieeee~ ayaw din niya. Yieee~" pang-aasar niya. Nanunusok pa ng tagiliran.

"Ewan ko sayo. Uuwi na nga ako--aray! Makahatak naman!" sabi ko. Tatayo na sana ko kaso hinatak ako paupo. Humiga ulit siya sa hita ko tapos pumikit.

"Init naman ng ulo. Akin ka lang. Pinapahiram lang kita saglit. Hinding hindi kita ibibigay, dahil simula nung sinabi mong mahal mo ko, akin ka na. At SA. AKIN. KA. LANG." sabi niya.

Buti nalang nakapikit siya kaya hindi niya makikita yung mukha ko. Yung mukha kong namumula.

Nabibingi na naman ako shet.

Past Versus PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon