Second day na namen sa Baguio. About sa nangyari kahapon with the 'papicture girls'? Ayon, nasa utak ko din. Eto mahirap sakin e. Sobrang tagal ko makamove on sa isang bagay.
"Wag mo naman ako masyado isipin, katabi mo lang ako o."
"Kapal." sabi ko.
Kung asan kami? Dunno. Basta hinatak lang ako netong half-koreanong to dito sa may isang park. Puro park ata tong Baguio. Well, malay ko ba. Di naman ako taga dito. :P
Tanghali na pero ang lamig pa din. Ano bang bago, lagi namang malamig dito. XD BTW, eto nga't malapit na kong manawa sa mukha ng lalaking to. Pano yung pamilya ko may sarisariling mga lakad. Dito sa lalaking to ako hinabilin.
"Oh." sabay abot sakin ng dirty ice cream.
Di naman ako tumanggi. Libre e. Halos lahat libre niya e. Pwera pamasahe. Syempre KKB na kami dun. Abuso naman ako kung pati pamasahe ipapalibre ko pa. Di ako mukhang libre, talagang di lang ako matanggi sa grasya. :D
"Oh, nagtext si tita. Sulitin na daw natin maggala, uuwi na daw tayo bukas ng maaga." sabi niya.
"Ge. Maya. Tinatamad pa ko maglakad." sabi ko. Eh sa naeenjoy ko pa umupo e.
Nageenjoy pa ko magmasid-masid nung may mapansin akong tao. Sht. Hindi lang basta tao. Parang si.. si JM.
Tapos hindi ko alam anong meron pero parang may sariling utak yung katawan ko at sinundan ko yung lalaki.
"Jian!" narinig kong sigaw ni Youngmin. Imbes na lumingon, I continued walking.
"J-JM?"
"Huh?" sabi nung guy.
Yung tipong nanigas ako dahil nadisappoint na naman ako. What the hell is wrong with me. Akala ko siya na. E ano naman kung siya? May mangyayari ba? Ano bang iniisip ko? Arrrgh. Posa akala ko okay na e. Kala ko okay na ko. Nakakita lang ako ng kamukha niya, feeling ko lahat lahat bumalik. Nakakainis. Okay na ko e. Okay na.
"Ji--"
"Wala. Kala ko siya yung lalaki. Di pala. Umasa lang. Hehe." sabi ko tapos naglakad na ko.
Nagulat ako nung bigla niya kong hinatak pabalik. Ang hilig niya manghatak no? Pero di ko inexpect na yayakapin niya ko. Yep, he's hugging me right now which made these traitors fall. Traitors=tears.
Merong something kay Youngmin na kahit ayaw ko, nagagawa ko pa din. Para pati siyang may sensor na mabilis niyang nalalaman kung totoo yung pinapakita kong feelings o nagpepretend lang ako.
Inaya ko siya maglakad lakad nung matapos kong kumalma. Ang maganda kay Youngmin, everytime na naalala ko si JM, gumagawa siya ng paraan para madivert sa iba yung attention ko. Hindi naman lingid sakanya kung anong nangyari samen ni JM, nakwento ko naman na sakanya. Pagnagdadrama ko, andyan siya lagi. Kaya nga sabi nila Sei bute na nga lang daw andyan si Youngmin pag inaatake ako ng pageemote e. Kasi nananawa na daw sila sa mukha kong busangot. Psss. True friends ever ko talaga yung mga yun.
Nainterrupt naman yung paguusap namen nung may lalaking biglang dumating. Nangangailangan daw ng vocals kase nagkaproblema daw yung vocals nila. May mini performance daw kase mamaya.
"Ask my girl." sabi ni Youngmin.
Mukhang naguluhan yung lalaki pero tinanong pa rin ako. Teka?! Bakit nga ba ako tinanong?
"Ano po ate, pwede po bang maging vocals namen si kuya? Promise po isang kanta lang. Di po talaga kase aabot yung vocals namen e." sabi nung lalaki.
"H-huh?" sabi ko, pero at the end, tumango din ako.
--
Mabibingi na ko sa mga katabi ko. Pano ba naman mas maingay pa sa sound system. Kung nasan ako? Andito sa may parang mini stage. Magpeperform nga si Youngmin. Biglaang vocals nga e.
BINABASA MO ANG
Past Versus Present
Teen FictionMinsan talaga akala mo perfect na. Tapos biglang may magbabago. Biglang may mawawala. May dadating. May babalik. -- Annyeong haseyo! This is a fanfiction presenting the KPOP boy group, BOYFRIEND! Sana magustuhan niyo Don't forget to leave a commen...