Chapter Thirty-six

4 0 0
                                    

Last day na ng immersion. Gumawa ng mini presentation yung mga bata para samin nung mga bandang hapon pagkatapos ng last na tutorial namin sakanila. Kahit papano napawi yung ano mang lungkot at stress na nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw.

Seven days. 1 week nang hindi nagpaparamdam si Youngmin. Ayokong isipin na ginaya niya yung ginawa ni Jeongmin pero wala e. Di ko maiwasan isipin. Gusto ko mainis sakanya pero ako pa ba yung dapat mainis kung sa una palang ako naman yung may kasalanan.

"Tara sa bahay! Overnight tayo! Since tapos na ang hell project ni mam!" sigaw ni Sei nung nasa loob na kami ng van niya. Nagtext naman ako agad kala mom saka kuya Jake na agad namang pumayag. Basta kala Seia, mabilis yan pumayag.

"Invite mo din si JM kung gusto mo." sabi ni Sei habang nakaharap sa bintana. Napangiti naman ako. Kunware pa to pero alam kong okay naman na sila ni JM.

Tinext ko naman siya na sumunod sa bahay nila Seia. Alam niya yun since tambayan din namin yun dati.

Pagdating kala Seia, sakto namang nagbebake si tita kaya ayun, kami ang lumafang ng mga cookies na bagong bake.

"Maam Seia, andito po si sir JM, papasukin ko po ba?" tanong nung kasambahay nila. Umoo naman si Seia.

Maya-maya pumasok na din si JM sa kusina.

"Oh JM. Tagal mong di dumalaw a? Kayo na ba ulit ni Jian?" tanong ni tita na siyang dahilan para masamid ako.

"Ah, hindi po tita--"

"May boyfriend na nga si Jian ma, diba? Si Youngmin. Yung sabi mong may hitsura dun sa pinakita ko sayong picture." sabi ni Seia.

"Ayy, sorry naman. Oh edi awkward pala kayo ganon?" etong maganda ke tita e. Kung kausapin kami para lang kaming magtotropa, "mahal mo pa si Jian ha, JM?"

"Ma!" saway ni Seia.

"Opo tita." sagot ni JM. Parang biglang um-awkward tuloy.

"Oh, hija. Gunting." sabi ni tita sabay abot sakin ng gunting.

Nung nakita naman niyang nagtaka ko, humirit ba naman ng, "masyadong mahaba buhok mo. Baka matalisod ako."

Laughtrip talaga pag bumira si tita kahit kelan. Bute nalang nadala ng joke niya yung awkward na eksena kanina. Tsk.

Pagtapos kumain, tumambay muna kami sa may terrace nila Seia. Nag-gigitara si DH, nagsiCOC si JM, habang ako naman e panay ang sulyap sa cellphone ko. Umaasang may darating na text. Huh. Sino bang niloko ko. Seven days na. Malamang di na yun.

"Bakit ba panay ang sulyap mo dyan?" tanong ni Seia.

"Wala." sabi ko.

"Di pa rin ba nagtetext o tumatawag man lang si Youngmin?" tanong niya. Umiling ako.

"Kahit sa kuya mo, di nagpaparamdam?" umiling ulit ako.

"Ano ng balak mo?" umiling na naman ako. I just smiled bitterly kase pakiramdam ko maluluha na naman ako. Everytime nalang na tatanungin nila saken si Youngmin. Ang sakit lang kasi. Di ako iyakin pero dahil kay Youngmin nagiging iyakin ako.

"Teka lang ha." sabi ni Seia tapos tumakbo papasok sa bahay nila.

Mga ilang minuto nung lumabas siya na may dalang bote, kasunod yung katulong nila na may dalang mga baso.

"Charaaaan!" sabi niya.

"Wine?," sabi ko, "anong gagawin naten dyan?"

"Isasabaw sa kanin." sarcastic na sagot ni Seia. Natawa naman yung dalawa kaya sinamaan ko ng tingin.

Past Versus PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon