Tignan niyo? Hindi man lang kami sinundan! Mukhang nag-enjoy siya dun sa babae na yun! Kunware pang kay Jeremy pa nacute-an, for I know, kay Youngmin naman talaga!
"Are you okay ate?" tanong ni Jeremy.
"Yes. Why?"
"You looked like you're going to wreck that spoon you're holding."
Napansin kong mahigpit nga yung hawak ko sa kutsara. E naiinis ako e! 'Naiinis daw'. Pssss. Oo na, nagseselos na! Asar. May pagngiti pa kasi! Pwede namang sabihin na 'may girlfriend ako, baka magselos yun', e kaso hindi! Nasa harap na ko pero todo ngitian pa din! Ge, magngitian sila hanggang mapunit pisngi nila!
"Ma'am order niyo po." sabi nung waiter tapos nilapag sa lamesa yung vanilla ice cream. Kay Jeremy naman syempre chocolate.
"Teka, hindi po vanilla yung inorder--"
"Knock knock po ma'am." sabi nung waiter na mukhang nahihiya pa.
"Ha?"
"Knock knock po." sabi niya ulit. Nagets ko naman na yung sinasabi niya.
"Ah, hahaha," sabi ko, "who's there?"
"Vanilla, ma'am."
"Vanilla who?" natatawang sabi ko.
*Ikaw na ang may sabi, na ako'y mahal mo rin
At sinabi mo, ang pag-ibig mo'y di magbabago..*Narinig ko biglang tumugtog yung paborito kong kanta nung highschool ako. Nakatingin naman yung iba pang customer, na gaya ko, hinahanap kung sino yung kumakanta.
*Bakit, sa t'wing ako'y lumalapit ika'y lumalayo?
Puso'y laging nasasaktan pag may kasama kang iba..*Bigla namang lumabas si Youngmin sa may counter. May dalang chocolate ice cream.
*Di VANILLA alam, na tayo'y may sumapaan
Na ako'y sayo, at ika'y akin lamang.."Kanta niya tapos nilapag sa lamesa yung ice cream. Takte, natatawa ako. Vanilla? 'Di VANILLA alam..' Hahahaha. Pffft.
"Corny po ba? Wala e. Mahal ko po talaga tong babae nato kahit selosa siya. Pakisabe naman po, wag na siya magselos. Siya lang naman ang mahal at mamahalin ko e." speeh niya.
Kanya-kanya namang sabi nungga customer na kesyo wag na daw ako magselos, yung iba sabi, ang swerte ko daw, yung iba nagbivideo. Juthko. Instant celebrity lang.
Hinila ko na si Youngmin paupo sa tabi ko tapos sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya kasi di ko na mapigilan yung tawa ko. Narinig ko namang nag-'ayiee' yung mga tao. Edi wow. Natatawa talaga ko e.
"Hahahaha--pfffft~-hahaha."
"Bakit ka natatawa?" tanong ni Youngmin habang pinupunasan yung mukha ni Jeremy na nagkayat na naman yung chocolate.
"Pffft~ ang korni mo- pfft~ Hahahaha!" sabi ko.
"Mahal mo naman." sabi niya. Natigilan naman ako.
"I mean--"
"Dii. Okay lang." sabi ko tapos ngitian ko siya.
--
Nung matapos si Jeremy kumain, naglibot ulit kami. Medyo nagdidilim na din kaya tinext na namin sila Jian para sabay-sabay namen mapanood yung fireworks.
Habang inaantay may 7pm, which is yung sa fireworks nga, kinuha naman nila Sei si Jeremy at sila naman daw maglilibot. Kami naman ni Youngmin e naglakad-lakad lang habang syempre, kumakain.
"Alam mo yung sinasabi nilang, sobrang saya mo ngayon, tapos biglang mababawi?" tanong ko bigla.
"Di naman ako naniniwala dun. At kung totoo man, alam ko namang magiging masaya ako ulit." sabi niya. Tumango naman ako.
"Masaya ka ba?" tanong niya.
"Ngayon? Sobra." sabi ko.
"E simula nung mahalin kita, masaya ka ba? I mean, hindi ba labag sayo na pinipilit ko yung sarili ko sayo?" tanong niya.
Sa totoo lang, simula nung makausap ko si kuya, madami akong nagpag-isip-isip. Sa sobrang dami, mahirap sabihin. XD Deee. Sinubukan kong marealize kung ano na nga bang nararamdaman ko kay Youngmin.
"Masaya ako. Totoo yun. Di ko nga ineexpect na may isang tao na kaya akong mahalin despite sa fact na may mahal na mahal akong iba. Kahit minsan sayo ako umiiyak dahil kay JM, still, di mo ko iniwan. Alam ko masakit sayo yun. Kahit alam mong baka dumating yung possibility na bumalik siya, at maguluhan ako. Kahit alam mong siya yung nauna, at mas lamang ka, still, andyan ka pa rin. Kaya masaya ako. Sobra."
"Handa naman akong mag-antay e." sabi niya.
"Di ka si superman. Alam kong darating sa point na mapapagod ka. Pero ako Youngmin, pagod na." sabi ko. Naramdaman kong nagstiff siya.
"Pagod san?"
"Pagod sa pagkakalkula ng feelings ko. Pagod na kong ipilit iparealize sa sarili ko kung ano na ba talaga nararamdaman ko."
Madami akong narealize, sa totoo lang. Tinry ko ngang isipin na baka mapagod si Youngmin, sa totoo lang, nasaktan ako. Parang di ko keri kung dumating sa point na mahal ko na siya, siya naman pagod na, pagod na magmahal sakin. Nagseselos ako pagmay kasama o kausap siyang iba. Naiimagine ko sarili ko siya lage kasama ko kahit saan. Di ko na naiisip si JM.
Si JM. Siguro, wala na yung dating pagmamahal. Alam ko namang meron pa, pero hindi na gaya nung dati na maisip ko lang siya, sumisikip na agad dibdib ko. Mukha ngang success si Youngmin. Mahal ko na nga ata siya.
Sino ba naman ako para hindi siya mahalin diba? Kahit kayo nasa posisyon ko, hindi imposible.
Hindi naman siya nagsasalita. Bubuka yung bibig niya pero isasara niya ulit. Parang di niya mahanap yung tamang salitang sasabihin. Hanggang sa nagbuntonghininga nalang siya. Natatawa ako pero di ko pinapahalata.
"Thank you, Youngmin. Salamat kase ikaw yung lageng andyan, bukod syempre kala Seia."
"Namamaalam ka ba?" nagsalita rin siya.
"Minahal mo ko kahit na ano pang mga nangyari, rantings, at ugali ko. So sino naman ako para hindi ma-fall sayo diba?" sabi ko, tapos nilabas ko yung phone ko.
Nagulat siya nung nagplay yung record ng tawa niya. Oo, narecord ko yung tawa niya. So it means..
"Congrats. Nahulog na ako. Masaya ako, kase sayo." sabi ko.
Literal siyang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.
"Baka, nagiguilty ka lang or--"
"Hindi rin. Mahal kita. Totoo yan. Hindi para lang sa utang na loob or what. Totoo. Mahal kita. Alam kong hindi pa ganun kalalim pero alam ko sa sarili ko na mahal na talaga kita. Kelangan ko pa bang ulitin para madigest mo? O bawiin ko nalang?" sabi ko.
Hindi siya sumagot. He just hugged me. Parang dun sa yakap na yun, andun yung mga hindi niya masabi.
Totoo naman yung mga sinabi ko. Mahal ko siya. Di pa man malalim, syempre as time goes by, alam ko namang magbabago. Ang saya pala kapag narealize mo na yung isang bagay. Para kong nabunutan ng tinik.
Sana di na gumulo pa.
----
Otor's nowt:
Ayy may POV ulit si Charisma! XD Sa mga di po nakakakilala kay Youngmin, galing po siya sa kpop boy band na Boyfriend, Jo Youngmin. Kakambal ng asawa ko, Jo Kwangmin. Mehehehe. Naglande <3 Osya, leave yer comments! /kiseu/
BINABASA MO ANG
Past Versus Present
Fiksi RemajaMinsan talaga akala mo perfect na. Tapos biglang may magbabago. Biglang may mawawala. May dadating. May babalik. -- Annyeong haseyo! This is a fanfiction presenting the KPOP boy group, BOYFRIEND! Sana magustuhan niyo Don't forget to leave a commen...