Chapter Nine point five

3 0 0
                                    

(Flashback pa rin)

Nagising ako nung may maamoy akong mabango sa loob ng kwarto ko. Amoy fried eggs, bacon, tapos gatas. Nakakagutom.

Pagbangon ko, humiga ulit ako tapos nagtalukbong ng kumot. May nakita kasi akong nakakasira ng umaga. Arrrrgh! Naalala ko na naman yung kagabi.

"Chams.."

"Ka."  (Ka = Go in Korean)

"Jian naman."

"Layas." sabi ko.

Nakatalukbong pa din ako dahil ayoko makita yung mukha niya. Malamang kasi, hindi tatagal at mapapatawad ko agad siya.

"Jian ko.."

"Alis sabi."

"Destiny Jian Lee.."

"..." hindi na ko sumagot pero deep inside kinikilig talaga ko. XD

Gusto ko na siya tignan kaso nangingibabaw yung inis ko. Nage-gets niyo naman siguro ko. Kung hindi, KDie.

"Sorry na.. Jeongmal mianhada Jian-ah." paglalambing niya.

Di pa din ako umaalis dun sa ilalim ng kumot. Ma-pride ako eh. Pride chicken. Hanggang sa naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

"Jian.."

Umalis na ko sa talukbong tapos tinignan ko siya.

"WAE?!" singhal ko. Nagulat naman siya.

"Mwo?! Titigan mo lang ako?!" sabi ko. Pano hindi nagsasalita amp.

"Mian~" sabi niya. Hindi ako nagsasalita.

"Ano bang kasalanan mo." sabi ko. Cold tone.

"Ano kasi.." tapos nagpaliwanag siya.

Kesyo pinilit daw siya, hindi naman daw siya makaalis para kunin phone niya kase ayaw daw siya pakawalan nung mga pinsan niya. Dapat daw tatawagan niya ko kagabi, kaso ang last niya daw naalala, inabot niya cellphone niya sa pinsan niya, tapos wala na.

"O tapos." sabi ko.

Okay na talaga, paliwanag lang naman niya tapos sorry okay na. Pero dahil ako si Destiny Jian, syempre, hindi ganun kadali yun.

"Jian naman.. Sorry na talaga. Promise!" tapos tinaas niya yung kanang kamay niya, "Promise, hindi na ko uulit. Ayoko na magalit ka ulit."

Tinitigan ko lang siya kahit deep inside tawang-tawa na ko.

"Chaaaaams.. Ano? Gagawin ko lahat ng gusto mo!" sabi niya na parang yun nalang yung last option niya para mapatawad ko siya.

"Gagawin mo lahat?" sabi ko.

Siya naman parang pinagsisihan niya yung sinabi niya.

"Ayaw mo ata eh?" sabi ko na kunwareng bababa na sa kama.

"H-hindi! Gagawin ko lahat! Lahat! Basta bati na tayo." sabi niya.

"Gawin mo to." tapos binulong ko sakanya yung gagawin niya.

Lumaki naman yung mata niya tapos parang nagdadalawang isip siya kung gagawin niya o hindi.

"Oh, payag o payag?" sabi ko. Tapos tumango siya.

Bumaba kame sa sala. Sakto andun sila mom saka kuya DJ, pati si kuya Jake, nanunuod ng tv. Umupo sa gitna ni kuya Jake saka kuya DJ. Tapos tinanguan ko si JM. Napatingin naman sila sakniya. Hahaha. Let the show begin. >:)

"Annyeong haseyo. Uhmm.. *ahem *ahem"

Tinignan niya ko na parang 'seryoso ka Jian?', edi siyempre tinignan ko din siya ng 'gagawin mo o ano?', kaya ayan, sinimulan na niya.

"Hana, dul, set..

Geum semariga han jibe isseo
Appa geum, eomma geum, aegi geum
Appa geum eun ddungddunghae
Eomma geum eun narsshin hae
Aegi geum eun neomu gwiyeowo
Eusseuk eusseuk jarhanda!" kanta niya.

At di lang basta kanta, with actions pa yan.

[A/N: Imagine niyo na lang na siya si Justin ng Full House sa eksenang yan. XD]

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" tawa ko. As in, naka-video pa naman yun. Para pag malungkot ako papanuorin ko. XD

Tinignan ko sila kuya. Si mom saka kuya DJ, tawa ng tawa, pero pinipigilan nila para siguro di masyado mapahiya si JM. Si kuya Jake eh napa"Jeongmin anong natira mo?" nalang, habang ako, tawa pa din ng tawa. XD

"I love your sister so much that even humiliating myself is not a big deal for her to accept my apology." straight english niyang sabi.

Kame daw eh, napa-nganga na lang. Nung naka-recover eh, nauwe nalang sa kantyawan nila kuya at kami, balik sa dati. <3 Sino ba namang babae ang hindi kikiligin kung gagawan siya ng ganung bagay diba? With matching speech pa sa harap ng pamilya mo. Odiba. Hanap kayo ng Jeongmin niyo. :)

Past Versus PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon