Chapter Fifteen

3 0 0
                                    

Pagkatapos maiannounce na nanalo yung BOYFRIEND (yup, sila yung nanalo. Dami ba namang fangirls e.), nagtuloy na kami sa isang restau para sa victory party nila. Siyempre kasama din yung GOTSeven, E-X-O, saka BTS. Sila kuya yung nag-organize. Di naman dapat ako pupunta e, kaso napilit ako ni.. Youngmin. (-___-)

Andito ko sa may parang veranda nung restau.  Arkilado kasi yung buong restau. Maya-maya naramdaman ko na may lumapit sakin. Si Youngmin.

"Yow."

"Wag mo kong niyo-'Yow' dyan ha. Tss." sabi ko.

"Sungit naman." sabi niya.

Inirapan ko nalang siya. Ewan ko ba ba't ako naiinis samantalang wala naman siyang ginagawa sakin. (--,)

"Ang galing ko kumanta no." sabi niya.

"Tss. Boses palaka." sagot ko. Magaling naman talaga siyang kumanta. Ayoko lang sabihin baka lumaki pa ulo.

"Deny pa." sabi niya.

Nag-smirk lang ako. Tsk. Conceited much.

Naalala ko na naman tuloy yung performance. Yung mga pinagsasabi niya.

"Totoo ba yung mga pinagsasabi mo nung performance niyo?" halos pabulong kong tanong. Tssss. Nakakahiya (>_<)

"Yiiiie~ kinikilig ka no?" pang-aasar niya with matching pagtusok pa sa tagiliran.

"Che! Tigilan mo nga ko. Wag mo nalang sagutin." sabi ko.

Magsasalita naman sana siya kaso narinig kong tinawag na ko nila Sei, uuwi na daw sila. Pinasabay na ko ni kuya kasi malamang daw gagabihin sila. Balak daw nila pumunta sa bar nila kuya Chris.

"Pst, una na kami." sabi ko kay Youngmin. Kasama kasi siya nila kuya maghatid samin sa parking lot. Ngitian niya lang ako.

*1 message received

From: 09123456789

Totoo yung lahat ng sinabi ko nung performance. Ingat. :) -Y.

Ewan ko pero napangiti nalang ako. Alam ko naman kasi kung sino yung nagtext. Sinave ko nalang yung number niya pagtapos nun.

--

One word for this day. BORING. Sobra. Vacant day ko kasi kaya ayun, ako lang mag-isa dito sa bahay. May kanya-kanya silang lakad. Buti pa sila.

Nagawa ko na lahat ng naisip ko gawin. Kumain, manood ng movies, magFB, magluto ng fries, manood ng movies, kumain, matulog. Sobrang boring pagpaulit ulit yung ginagawa. Di ko naman kasi maistorbo yung dalawa kong besprend, eh di ba parehong me org sa school. Ako lang naman wala. Aaaaaaah! (-_____-)

*Gwapo calling...

Kung maitatanong niyo kung sino yan, si Youngmin yan. Ewan ko dyan, siya nagpalit ng pangalan niya sa cellphone ko. Nung minsan kasi, sabi niya magge-games lang daw, yun pala kung ano-ano na ginagawa.

"Bakit." bungad ko.

"Wala man lang, 'hello pogi, napatawag ka!'?" tanong niya.

"In your face." sabi ko. Natawa naman siya.

"Gawa mo?" tanong niya.

"Kausap ka, malamang." sagot ko.

"Wala ng iba?"

"Wala. Hayyyyy. Bored na bored na ko. Mga kasama ko dito sa bahay may lakad. Ako, may tulog lang."

"Gusto mo ng kasama?"

"Wala nga. Kulit neto."

"Gusto mo nga?"

"Bakit ba?"

Past Versus PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon