Chapter Twenty-five

1 0 0
                                    

It's been a week since nung nag-theme park kami. Ang magaling na si Youngmin e mukhang natuwa sa mga sinabi ko, ayun, dumoble ang kasweetan. Lalo tuloy akong napofall. Kelangan ko na rin ata magpacheck-up dahil mukhang magkaka-diabetes ako. XD

Ngayon naman e kakauwe ko lang galing ng school. Nagpaalam naman ako kay Youngmin na medyo masama pakiramdam ko kaya mauuna na ko pauwe.

"Oh kamusta yung theme park?" tanong ni kuya Jake.

"Masaya. Sobra." sabi ko. Andito kami sa terrace ni kuya Jake. Arrrgh. Ang sakit ng ulo ko. ><

"Kamusta naman kayo ni Youngmin?"

"Sinabi ko nang mahal ko siya." sabi ko. Halata namang nagulat si kuya.

"Oh?"

"Maka-'oh?' naman parang walang tiwala sakin."

"Di naman sa ganun. Ayaw ko lang na makasakit ka kung di ka pa sigurado. Nakamove on ka na ba?"

Nakamove-on na nga ba ko? Siguro.

"Oo. Mahal ko si Youngmin. Oo, hindi ganun kalalim. Pero alam ko namang marami pang pwedeng magbago."

"Mahal mo pa ba si JM?"

"Oo. Hindi naman mawawala yun."

"Pano kung biglang sumulpot yung isa?"

"Hindi na yun babalik, kuya. Mahiya naman siya sa ginawa niya. At kung babalik siya, sana wag na niya maisipang magpakita sakin."

"Maguguluhan ka na naman." sabi ni kuya.

"Di rin."

"Wag ka magsalita ng tapos, baka mabusog ka. Baka makain mo din yang sinasabi mo." sabi niya. Natahimik ako.

"Mahal mo si Youngmin kase wala si JM. Di kaya, kaya mo naiisip na mahal mo siya kase siya yung pumupuno sa nawawalang presence ni JM? Pano pag dumating yung nauna, di naten masasabi kung anong mangyayari."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni kuya. Somehow it hits me.

"Hay nako," sabi ni kuya, "basta ang tatandaan mo, may mahal at may MAS mahal."

"Nakakainis ka kuya." sabi ko.

"Bakit na naman?"

"Ikaw ang nagpapagulo ng utak ko." sabi ko.

"Tignan mo, naguguluhan ka pa. Meaning, hindi pa firm yung desisyon mo."

"Arrrrgh! Lalo mo lang pinapasakit ulo ko!" sabi ko. Natawa naman siya.

"Pasok na nga ko," sabi niya, "gusto mo ng gatas?"

"Yes, please." sabi ko.

Nakakainis. Akala ko okay na. Parang tower na gawa sa baraha. Okay na. Biglang nahipan ng hangin, magulo na ulit. Ewan ko ba. Badtrip.

---

Nagtext si Youngmin na hindi siya makakadaan dahil may emergency meeting daw sila sa council. Dahil maintindihin girlfriend naman ako, okay lang. Syempre. Talented yung boyfriend ko, pogi pa. Responsable pa. Siya na. Hahaha XD

(Doorbell sfx)

"Manang, pakitingin naman po. Salamat." sabi ko dun sa kasambahay. Agad naman siyang pumunta sa may gate. Panigurado akong hindi si Tangkad o sila Seia yan. Walangya yong mga yun e, bigla bigla nalang pumapasok. XD

"Ate, kayo po ang hinahanap." sabi nung kasambahay. Nagtaka naman ako. Alas-sais, may biglang maghahanap sakin? Wala naman akong ineexpect na darating.

"Sino daw ho?"

"Di ko po alam ate e, kilala niyo daw po siya. Lalaki po e."

"Ah, sige po. Salamat. Pakisabi kala mom lalabasin ko lang." sabi ko then lumabas na. Tiwala naman akong di yun masamang tao. Exclusive tong subdivision, kaya sobrang higpit ng security.

Past Versus PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon