Chapter Six

11 1 2
                                    

Tatlong araw na simula nung MOA moments pero wala pa ring paramdam si JM. Di ko alam kung anong gagawin ko. Kami pa ba? O baka break na kami simula nung tumawag siya? Nakakafrustrate!

"Baby, umagang-umaga nakasimangot ka dyan?" sabi ni DH.

Andito kami sa school garden. Simula nung sinabi ko sakanila yung tungkol sa tawag ni JM, hindi na nila ko iniwan. Para daw masapak agad nila si JM pagnagpakita. Friends. <3

"Hay nako, wag mo na nga pag-iisipin yun si JM! Pag ako nabwisit, ipapa-investigate ko talaga siya." nung nakaraan kasi, sabi ni Sei, ipapa-investigate niya daw kung ano ginagawa ni JM para daw magkaalaman na. Syempre pinigilan ko. Kung gusto niya malaman ko yun dahil sasabihin niya sakin at hindi galing sa ibang tao. Diba mas masakit pag sa ibang tao galing?

"Ewan ko dun. Saka, ayoko din maghintay ng matagal Sei. Don't worry. After 1 week, kung wala pa talaga, ako na gagawa ng paraan para malaman." sabi ko.

Ibang-iba na tuloy yung mga araw ko. Parang laging may kulang. Syempre, halos isang taon ding lagi kaming magkasama. Yung tipong kulang nalang dun na siya tumira sa bahay para lang talaga hindi kami magkahiwalay.

Okay kame sa side ng isa't isa. Close sila ni kuya Jake, okay siya kay kuya DJ saka sa parents ko, ganun din ako sa side niya, although only child siya. Away-bati kami, oo, we're not perfect after all. Pero bakit ganto bigla? Wala man lang pasabi? Biglang, parang bula na pumutok then wala na. Pagsubok ba to? Ewan ko. Sana nga. Gusto ko malaman.

1 week, pag walang nangyare, ako na kikilos para sa sarili ko. Tama na siguro yung 1month na pag-aantay sa wala diba?

*Calling all students, please proceed to the function hall now.

Calling all students, please proceed to the function hall now.*

Epal namern sa pagdadrama. -_-"

"Tara na baby." sabi ni DH.

Tapos ayun, pumunta na kami sa function hall nga. Ah, pagpapakilala pala ng student council chuva. AY oo nga, sa sobrang lutang ko nitong buwan, di ako bumoto. Tss.

[A/N: Hi there fellow Besfriends! ;)]

"Our elected student council President, Miss Kim Precioso from the AB PolSci department!" sabi nung nag-aanounce.

"Our elected student council Vice-President, Miss Danica Petines, together with the elected student council Treasurer, Miss Jerose Laranja Ganuhay from the AB Psychology department!" oh, ka-course ni JM.

"Our elected Secretary, Miss Rafflesia Cala, together with elected student council PRO, Mr. Youngmin Jo." teka, parang pamilyar yun elected PRO na yun ah.

"Sei, pamilyar yung elected PRO." bulong ko kay Sei.

"Oo nga eh. Di ko alam san ko siya nakita--"

"Si kuyang magician!" sigaw ko. O-K medyo OA. Napatingin tuloy yung ibang students.

"Taga-dito pala yung savior mo baby eh." sabi ni DH.

"Youngmin pala pangalan niya. Half-Korean siguro. Parang si Jeong--" sabi ni Sei, tapos tumingin sakin. "Parang si DH. Oo si DH. Tss."

Oo nga noh. Kaya pala ganun yung features ng mukha niya. Cute yung mata, pink lips. Nice smile din huh. All in all, gwapings si koya.

"Baby, baka matunaw yan, bago pa makapagbigay serbisyo sa university. Makatitig ka eh." bulong ni DH. Natauhan naman daw ako.

"Let's give our elected student council a big hand of applause!" pang-finale nung MC. Tapos na pala ang program.

Lumabas na kaming tatlo balak naming mag-lunch na, sakto tumawag si mom, nagluto daw siya, dun nalang daw kami kumain. Tuwang-tuwa naman yung dalawa, namiss daw nila yung luto ni mom.

"Sarap mo talaga magluto, mami!" sabi ni Sei. Nakiki-mami, kala mo nanay niya. Well, we're sisters form different parents. XD

"Given na yun, hija. Kuh, talaga tong mga batang to. Kain ng kain." sabi ni mom.

Pagkatapos kumain, tumambay muna kame sa living room. 3:00 pm pa naman next class namen.

"Jian," tawag ni kuya Jake. "Ano nang nangyari sainyo ni JM?"

Sht. Eto mahirap pag'legal.

"Ah, eh.." uh-oh, di ko alam sasabihin.

"Busy siya, kuya Denver." sabi ni DH. Thanks alot!

Tinignan ako ni kuya. Alam niyang may tinatago ako. Interrogation na naman to mamaya. Bute nalang andito sila Sei kaya hindi niya ko matatanong, kaya makakapag-isip pa ko ng palusot. XD

Nung mga 2:00 na, nagpahatid na kami ulit sa school, at si Sei ang nasa passenger seat, si kuya Jake lang naman ang driver. Sinadya talaga namen yun ni DH. Trip lang. >:D

30 minutes pa bago magstart yung klase namin kaya tumambay muna ako sa hallway sa tapat ng classroom namin. May bench naman dun kaya dun ako umupo. Malamang. Duh.

"Pwede makiupo?" gusto ko sanang sabihing 'hindi ko naman nabili tong bench kaya pwedeng-pwede, kahit humiga ka pa' kaso, masyadong rude. XD

"Go ahead." sabi ko. Atleast hindi masyadong rude.

Hindi na ko nag-abalang tignan kung sino yung umupo dahil busy ako sa paghahanap ng updates tungkol sa bias kong KPOP boy band sa FB.

"So you're into KPOP huh?" sabi ni kuya. Chismoso. Tsk.

"Yes-- Ikaw?!" owmaygash. Si kuyang magician na elected PRO! Ano nga palang neto? Yungmyao? Yungdan? Yungship? Yungkis?

"Annyeong haseyo. Jeoneun Jo Youngmin-imnida. Mannasa bangapseupnida. Gwaenchanayo?" sabi niya, with matching bow pa. Koreanong koreano.

"G-gwaenchana. Koreano ka?" malamang Destiny. Nag-Hangul nga diba? -__-#

"Half lang. My father is Korean, my mother is Filipina. I'm not a fluent speaker kase dito ako Philippines lumaki." sabi niya.

"Aaaaaah. Para ka palang yung bestfriend ko, s-si DH, remember? Sa MOA. Hehehe. Small world." O-K. *-*

"Hmm. Oo naalala ko. BTW, mind to introduce yourself?" ay tanga, oo nga!

"M-Mianhada! Jeoneun Destiny Jian-imnida. Mannasa bangapseupnida." sabi ko with matching bow din. Odiba, F na F maging Korean XD

"Nice accent huh. Learning Hangul?" tanong niya.

"A little. Ay, congrats nga pala. PRO." sabi ko tapos inalok ko siya ng shake hands, na agad naman niyang kinuha. Lambot ng kamay. Tamad siguro to. XD

"Kamsahamnida." sabi niya, tapos nag.. nagsmile. Sht. Ang ganda ng ngiti. Alam nyo yun? Yung simpleng ngiti pero parang ang sarap piktyuran tapos  tignan lang buong araw? *_*

"Baka matunaw ako?" sabi niya ng natatawa. Titig pa kase eh. -_-

"Nga pala, isang university lang tayo, how come na hindi kita nakikita?" tanong ko.

"Last week lang ako pumasok ulit." sabi niya.

"Hala, pano yun? Tapos kasali ka pa sa school politics, tas last week ka lang pumasok?"

"Nag-leave ako for a week kase may inasikaso ako. Akala ko tatanggalin nila ko, eh wala na daw, di na daw pwede matanggal kasi botohan na, ayun. Nanalo pa ko." sabi niya. Tumango na lang ako.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Nakwento ko din sakanya yung samin ni JM, pero hindi ko pinangalanan si JM. Secret lang noh.

Nagkekwentuhan pa rin kame hanggang sa nakita kong papalapit na yung prof ko.

"Ay, andyan na yung prof ko. Bye na muna." sabi ko.

"Okay. Ingat ka." sabi niya tapos tumayo. Ang cool niyang tignan habang nakapamulsa siya. *_*

Papasok na sana ko nung may pahabol siya.

"By the way, minsan dumadating sa puntong nahuhulog at nasasalo tayo ng maling tao. Pero wag kang matakot mahulog ulit, kasi malay mo, tamang tao na yung makasalo sayo." with that, umalis na siya. #Anudaw?!

Past Versus PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon