Yea, its monday. 2nd year na akez. Whooo~
"Oh, sasabay ka ba pag-uwe?" tanong ni kuya pagkapark niya nung kotse niya. Andito na kame sa school.
"Text nalang kita kuya. Bye." tapos lumabas na ko sa sasakyan.
Pagdating ko sa room namin, konti pa lang yung mga kaklase ko. Early bird kasi ako.
"Destinnnnnnnnnnny!"
Ow-kaaay. Yang maingay na yan ay si Seia Villanueva. Bestfriend #1 ko. May-ari sila ng clothing company kaya minsan, nalilibre ako ng mga damit.
"Kamusta vacation?" tanong niya.
"Same old, same old. Dapat pupunta kame sa South Korea, kaso hindi natuloy." sabi ko. "Si DH nga pala?"
"Ayun oh!" turo ni Seia sa labas ng pinto.
Ay, ayun nga si DH. Dong Hyun Kim pangalan niya talaga, Koreano kase, pero onti lang alam sa Hangul. Laking 'Pinas kasi. Siya ang bestfriend #2 ko. Yeps, boy ang bestfriend ko. Well, childhood friend ko kase siya. Si Seia, classmate namin since highschool.
"Uy Baby!" tawag ni DH.
Baby tawag niya samin ni Seia. Playboy din yan. Exempted kami syempre sa mga chicks niya. Pero astig yan. Walang lumalapit saming playboy dahil sakanya. Takot lang nila.
"Pasalubong ko?" tanong ko. Galing kasi sila ng China. Yayamanin.
"Andun sa bahay. Kunin mo mamaya. Pati yung sayo baby Seia."
"Ow. Awkie." sagot ni Seia, na busy na sa page-FB sa cellphone niya.
Ilang minuto dumating na din yung professor. Developmental Reading yung subject namin ngayon. Ayun, same old, same old. Introduce ng subject, introduce ng teacher, at syempre introduce din kami.
3 hours passed, at natapos din. Ayun, break na. 2 hours din ang vacant ko bago yung next subject. Pumunta kami ni Seia sa may school garden kasi dun yung tambayan namin. Si DH, andun sa mga kaibigan niya. Syempre may barkada din siyang lalaki noh.
"Destiny oh. Cookies, binake ni mommy." alok ni Seia.
"Wow, sure na masarap to. Si tita ba naman nag-bake eh." sabi ko sabay kuha. "Oh diba! Hmm."
*Jigeum utgo itjiman aesseo chamgo isseo nan
Tteollineun nae du soneul himkkeot japgo isseo nan
Sokgo inneun geoya neon gwaenchantaneun nae mare
Deung dwieseo nunmureul modu ssotgo isseo nan*
(Kuya Jake calling..)
"Ayan na naman po ang KPOP na tugtog." reklamo ni Seia. 1D fan kasi to eh.
"Lakampaki Sei. Bleh." sabi ko.
"Oy Jian." sabi ni kuya.
"Ow bakit?" tanong ko.
"Punta ka dito sa building namen, may pinapabigay si mom."
"Oh, umuwi ka pala? Ge, teka lang. Papunta na." tapos binaba ko na yung tawag.
"Punta ka kay kuya Jake?" tanong ni Seia.
"Yea. Sama ka?"
"Wag na. Mainlab pa ko dun ulit. Chupi." Well.. may history sila ni kuya. Ikekwento ko na lang pag may time. :D
BINABASA MO ANG
Past Versus Present
Teen FictionMinsan talaga akala mo perfect na. Tapos biglang may magbabago. Biglang may mawawala. May dadating. May babalik. -- Annyeong haseyo! This is a fanfiction presenting the KPOP boy group, BOYFRIEND! Sana magustuhan niyo Don't forget to leave a commen...