Chapter Twenty-seven

1 0 0
                                    

Naiinis na ko. Sobrang naiinis na ko. Feeling ko maya-maya, makakasapak na naman ako.

"So pano na yan, bumalik na pala si JM. Ediba sila ni Youngmin? Nagbreak ba sila?"

"Alam ko hindi e. Ewan ko."

"Ang pagkakarinig ko, binabalikan siya ni JM e."

"Wag mo na lang silang pansinin." sabi ni DH.

Papunta kami sa room namin na pagkalapit lang naman pero feeling ko ang haba ng pasilyo dahil kahit san ata ko tumingin, may mga taong kami lang naman ang topic.

"Ge." sabi ko. Bute nalang nasa room na si Seia, kundi yare tong mga to.

"Sino kaya pipiliin niya no?" girl1

"Kay Youngmin ako." girl2

"JM ako e."

"Jian sa ka pupunta--" DH.

"Excuse me," sabi ko tapos lumapit ako dun sa dalawang babae, "may papel ba kayo dyan, pwede makahingi?"

Nagtataka sila binigyan pa rin ako ng papel. Pinirmahan ko naman.

"Oh," abot ko sakanila nung papel na may pirma ko.

"Ha?" sabi nila.

"Autograph yan. Mukhang sikat ata ko kaya niyo ko pinag-uusapan e. Di ko alam na artista na pala ko. Salamat sa suporta ha?" I said sarcastically. Mukhang natameme naman yung dalawa. Napailing nalang si DH.

"Tara na," tapos hinila na ko ni DH, "pagpasensiyahan niyo na, nakakairita lang talaga kasi mga chismosa e. Sa susunod, buhay niyo pag-usapan niyo ha?" tapos naglakad na kami.

"Wag pala patulan a." asar ko kay DH

"Sino ba nanguna?" sabi niya. Tumawa nalang ako. Sa wakas narating din namin yung room.

"Lukaret." sabi sakin ni Seia.

"Anong balita?" tanong ko. The way palang ng paglapit niya alam kong may balita yan.

"Good news and bad news. Anong gusto mo mauna?" sabi niya.

"You choose." sabi ko in a bored tone.

"Okay. Good news muna," sabi niya with matching pagpalo pa sa mesa.

"Remember nung nakuha ka nung biglang audition mo sa mini theater? Ikaw ang bida sa upcoming theater play na gaganapin sa katapusan ng next.month!" sabi ni Sei.

Somehow natuwa naman ako sa balita niya kahit di naman ako ganon ka-interested sa acting acting na yan. Naging isa din naman ako sa mga characters nung mga naging play namin nung highschool, though di ko naman sineryoso. Kumbaga, acting lang para sa grades.

"Then, the bad news?" sabi ko.

"Yun nga. Uhm.. Ang bad news e, yung partner mo, at yung mga eksena sa play. Nabasa ko kase yung script. It's amazing! Promise! Nga lang, may kissing scene sa dulo.." sabi niya.

"Well it's okay. Kaya namang pekein yun e. Yun lang ba?" tanong ko.

"Yung partner mo kase e.." sabi niya.

"Sino ba? Panget ba yun kaya di mo masabi-sabi? O baka naman bad breath?" sabi ko na natatawa pa.

"Actually, si Jeongmin yung partner mo."

"Si Jeongmin lang pala e--"

"Ji, pahiram naman ng ballpen." classmate1

"Eto oh, balik mo yan ha--- Wait, WHAT?!" sigaw ko. Yea sigaw, kase narinig ng mga kaklase namin. Bute nalang walang prof.

"Yup." tumango naman ng alanganin si Sei.

"Pano naman nangyare yon?! I.. I mean, nakapagenroll na ba yon?!"

"Nakapag-enroll--malay. Basta ang alam ko, nung nalaman niya na naghahanap ng leading man sa play, at ikaw ang leading lady, nag-audition siya. Badly, nakuha siya."

Matutuwa ba ko o maiinis?

--

"Sorry Jian.." sabi ni Sei nung matapos kami sa klase.

"Okay nga lang." sabi ko.

"Sorrrry." sabi niya.

"Sabing okay lang. Isampal ko sayo tong kutsara e. Bakit ka ba sorry ng sorry?"

"E kase.."

"Okay nga lang. Bakit, ikaw ba pumili kay JM? Hindi naman diba. Saka wala naman na ko magagawa dun. Isa pa, okay lang naman saken kung makasali ako sa play, kung sino makapartner ko. Sino ba naman ako para magreklamo diba?"

"E yung partner mo nga daw kase." sabi ni DH.

"E ano? Isa pa, diba nga nag-usap na kami ni Youngmin. Alam niyo din naman kung ano yung nangyayari sakin."

"Mahal mo pa yun diba? E pano kung may mangyare? Edi kasalanan namin."

"Mahal ko pa nga. At saka tinuturing ko na blessing-in-disguise to. Dito ko masusukat kung gano ko kamahal si Jeongmin. At kung hanggang saan ako kayang mahalin at kaya kong ipaglaban yung pagmamahal ko kay Youngmin."

"Sis," sabi ni Sei, tapos yumakap sakin, "I'm so proud of you, nagmamature ka na!"

Kinaltukan ko nga. Akala ko pa naman may sasabihing matino. (-____-)

"Baby," tawag ni DH sakin.

"Po?" sagot ko syempre.

"Sino bang mas mahal mo?" tanong niya.

"Tatanggapin mo ba kung ang isasagot ko sayo e, hindi ko alam? Kase parehas ko silang mahal. Ang imposible no? Pero wala e. Mahal ko sila parehas na halimbawang iisipin ko na mawawala sila sakin, nasasaktan ako. Di ako makapili. Mahal ko si Jeongmin. Kahit nawala siya, aminin ko sa inyo, nung nakita kong pinagsisihan niya, pinatawad ko na agad siya e. Diba ganon pag mahal mo yung isang tao? Madali mo mapatawad? Pero syempre, kelangan niyang paghirapan. May pride din naman ako,"

"Mahal ko din si Youngmin. Di naman siya mahirap mahalin e. Effort, lahat-lahat na. Di masusukat yung pagmamahal at pag-intindi na binibigay niya sakin. Akala ko parang balik-utang-na-loob lang tong nararamdaman ko e, pero hindi. Simula nung marealize ko na pwede siyang mapagod, natakot ako. Natakot ako to the point na naging selfish ako. To the point na gusto akin lang siya."

"Ang hirap naman niyan. Ikaw na." sabi ni Sei.

"Kung takot ka lang naman makasakit sa taong hindi mo mapipili, pumili ka na. Kesa mas makasakit ka ng taong umaasa na siya yung pipiliin mo, though alam mo naman sa sarili mong may napili ka na, pero hindi ka nagdedesisyon kase takot kang makasakit. Di ko mabasa kung indenial ka lang o talagang naguguluhan ka e."

Gulong-gulo na talaga ko sa totoo lang. Pero wala akong magawa e. Kaya nagdesisyon ako na mag-go with the flow na lang ako. Kung iintindihin ko yung magulo, mas maigi nang hayaan ko muna. Alam ko may sagot dito. Maybe hindi ngayon. Alam kong may tamang araw.

Past Versus PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon