Sabi nila, ang babae daw madaling ma-fall. Madaling ma-inlove. Pero mahirap makapag-move on.
Well..
Sabi nila yun. Malay ko ba dun eh hindi pa naman ako naiinvolve sa love-love na yan. Nabasa ko lang yan sa Twitter. XD
Uhmm. By the way, ako nga pala si Destiny Jian Tolentino, 2nd year secondary education student. Kulit ng pangalan ko 'no? Blame my parents. Masyado silang naniniwala sa tadhana kaya ayan ang aking namesung. :P
Bunso nga pala ako, bali may kuya ako, dalawa. Si kuya DJ, David Joseph kase whole name niya. Nagtatrabaho siya sa company ng family namen at may girlfriend siya na sobrang ganda. Yung isa ko namang kuya, si kuya Jake (Denver Jake naman whole name niya) 4th year college na siya. Sa kamalas malasan parehas kame ng school, pero iba ng course. Bussiness Admin kase siya. Gusto niya tumulong sa business namen. Hay naku. Boy will always be boys. :D
*Knock
"Oy Distini kakain na! Aba, lunod ka na sa tulog!"
Si kuya Jake talaga, ever epal. Ganda ng pangalan ko, binibisaya? (-_-)
"Opo kuya kong epal! Bababa na."
--
"Oh Destiny. Mamili ka na bukas ng mga gagamitin mo sa school. Samahan mo siya Denver." sabi ni Mommy. Tumango naman si kuya Jake.
Oo nga pala. May pasok na sa isang araw. Whoo, di pa ko ready. (-3-)
"Si kuya DJ nyo?" si Daddy.
"Bababa na daw po, Dad." si kuya Jake.
"Oh ayan na pala. Tara na, kakain na."
Pagka-upo ni kuya, kumain na kame. As usual, kwentuhan, kamustahan. Pagtapos, tumulong ako magligpit ng pinagkainan, kahit hindi naman ako yung maghuhugas. Sabi kasi ni Mom, dapat daw marunong kame sa gawaing-bahay kahit na may kasambahay kame.
"Anong oras tayo aalis bukas?" tanong ni kuya Jake, habang nagpapakabusy na naman siya sa pagdo-DOTA.
"After lunch na kuya. Libre mo ko sundae saka fries ah." sagot ko sabay talon sa kama niya.
"Ge. At pwede lumayas layas ka dyan sa kama ko. Mahawa pa yan ng kabahuan mo."
"Ambango mo ha! Che! Panget. Belat!" sabay takbo palabas.
Hay naku, kahit naman ganun yun alam ko namang mahal na mahal ako nun eh. Siguro hindi lang siya "showy". Naalala ko pa nga nung highschool, binully ako nung kaklase kong lalaki. Kinabukasan, pagpasok nung kaklase ko may black eye. Literal. Tapos hindi na niya ako inasar. Narinig ko sa kwentuhan ng mga kaklase na si kuya Jake daw may gawa nun. Oh well. Kaya ko naman yun. Naunahan lang ako ni kuya. :P
--
(Kinabukasan)
"Hoy tara na!" sigaw ni kuya Jake.
"Teka lang!"
"Oh eto pambili. Bilhin niyo na lahat ng kailangan niyo ha, para wala na kayong poproblemahin." bilin ni mommy sabay abot sakin nung pera.
"Okay mom. Alis na po kame."
Nagkiss kame kay mommy tapos umalis na.
"Destiny."
BINABASA MO ANG
Past Versus Present
Novela JuvenilMinsan talaga akala mo perfect na. Tapos biglang may magbabago. Biglang may mawawala. May dadating. May babalik. -- Annyeong haseyo! This is a fanfiction presenting the KPOP boy group, BOYFRIEND! Sana magustuhan niyo Don't forget to leave a commen...