"Goood morniiiiiing!"
Nagulat naman yung mga kasambahay namen sa bigla kong pagsigaw, napatawa sila, then bumati rin. I feel so liiiiight, Emperador liiiiight, gawin mong light~ ♪ XD
"Ehem." nakita ko si kuya Jake, nakadekwatro pa tapos nakahalukipkip. Nakatingin saken na para bang may ginawa akong mali. Sa tabi niya, si kuya DJ, nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo.
"Anong oras ka umuwi kagabi?" tanong ni kuya. Parang tatay lang.
"9 pm? Hinatid naman ako ni--"
"Uwi ba yun ng 18 year old?"
"Ha? E diba hanggang 9 naman talaga--"
"Naunahan pa kita umuwi. San kayo galing?"
"Sa park, nagfoodtrip tapos may hinatid lang kaming bata dyan sa katabing subdi--"
"Bakit hindi ka man lang nagtext? Di mo ba alam na may nagaantay sayo? Aba Jian, di ka naman pinapaaral para lang umuwi ng gabi!--" inabutan siya ni kuya DJ ng kape, "salamat kuya-- Tapos ganyan? Anong klase kang bunso? Aba lage mo nang kasama yun si Jo a! Simula nung sa Baguio hindi na kayo napaghiwalay!"
"Eh kase kuya--"
"Tapos araw-araw ka pa nun sinusundo! Ano siya bodyguard? Kelan pa siya naging bodyguard mo? Aba, sa eskwelahan lage din kayo magkasama nun a! Sobra na to, Jian. From now on, you're grounded!"
*Clap* *clap* *clap* *clap* *clap*
Sabi ko na e. Kalokohan na naman to e. Pano, lumabas mula sa kusina sila Mom, nagi-slowclap.
"Galing anak, pwede mo na kong palitan." sabi ni Dad
"Thank you, thank you--Aaaaaah! Unggoy!" pano tumakbo ako pababa tapos dinamba ko si kuya. Puro kalokohan. Tawa naman ng tawa sila Mom. Si kuya DJ napailing nalang.
Matapos kong makaganti sa malateleseryeng speech ni kuya, nag-agahan na kami. As usual, kwentuhan.
"Kayo na ba ni Youngmin, anak?" tanong ni Mom.
"*cough* Mom!" pano nasamid naman ako dun sa tanong.
"Hon, hindi pa. Narinig ko pa nga kagabi na sinigaw ni Jian kay Youngmin na *ehem* ligawan mo muna ko." ginaya pa ni Dad boses ko. Parang may sore throat lang XD
"Goodmorning po."
"Speaking of the bodyguard." sabi ni kuya DJ. Napatawa naman ako sa 'bodyguard' XD
"Oh, Youngmin, kumain ka muna. Manang, palabas naman ng isa pang plato, thank you." sabi ni Mom.
"Asikasuhin mo naman si Youngmin, Jian." asar ni kuya DJ.
Nilagyan ko naman ng pagkain yung plato ni Youngmin. Tas ayon nagpatuloy na kame sa paga-agahan. Nung matapos, nagstay kame sa sala. Kwentuhan mode daw habang nagdedessert.
"Nililigawan mo ba si Jian, Youngmin."
"Hindi po." straight na sagot ni Youngmin.
"*cough* E-*cough*-xcuse me." parang nangati naman manapak yung kamay ko. Hindi pala a--
"Kami na po, hindi nga lang po official kase hindi pa kayo um-oo."
"*COUGH* Tu-*cough* kuya, tubig!" inabutan naman ako ni kuya ng tubig.
Si tukmol naman e nakafocus kala Mom na parang walang halos mamatay na kakaubo dito sa tabi niya. Nung tinignan ko naman sila mom, para silang na-amuse na ewan.
"Bakit kami inaantay mong um-oo, hindi si Jian?" tanong ni Dad.
"Eh alam ko naman pong sasagutin niya rin naman ako e."
"Aba't--" ayos to a! GGSS lang?!
"Simula kelan mo ba siya niligawan?" kuya DJ.
"Kagabi po." napatawa naman sila. Gustong gusto ko na talaga dagukan sa baga tong lalaking to e!
"Oh, kagabi pa lang pala--"
"I believe, tito na, relasyon po ang pinapatagal, hindi po ang panliligaw. Sa katunayan, pwede ko naman po siyang ligawan araw-araw." sagot niya.
Napatango nalang sila kuya, habang si mom e parang gusto ng yakapin si Youngmin. Si dad, seryoso. Ako, NGANGA.
"Hindi naman siguro lingid sayo na meron ding lalaki na nauna sayo, pero unfortunately, he left my princess in pain,"
"Dad--"
"So how can you prove to me that you will never let my daughter experience pain again?"
"Sir, pareho po kami ng lalaking tinutukoy niyo, but that's only in the aspect of gender at ng babaeng minamahal, pero ng hangarin, ng pagmamahal, I bet we have the biggest difference. I love your daughter to the point that I even offered myself to her kahit na alam kong wala akong space sa puso niya. I've taken the risk na mamahalin niya rin ako someday, kahit wala naman akong kasiguraduhan, na hindi naman ako nabigo dahil she just confessed last night that she really likes me. 'Like' may be a shallow word but for me, it made me happy to the point na gusto kong maiyak. Hindi po ako nangangako sa inyo na hindi ko siya masasaktan, tao lang po ako. Hindi ko rin mapapangako sainyo na hindi siya iiyak, but I promise that I'll be there when those tears fell. Handa po akong maghintay kung kelan ako na ang laman ng puso ng anak niyo. When that day comes, I promise, she will never, ever regret it."
"Bakit mo ba minahal tong anak ko? Mahal pa pala niya si JM. Gaano ka kasiguradong mamahalin ka din niya?"
"I trust your daughter. Kung bakit ko siya mahal? Di ko din po alam e. Matakaw siya, may pagka-vulgar minsan ang bibig, matampuhin, di siya sexy--aray Jian, wag ka mangurot!-- di rin siya kagandahan, di tulad ng mga babae sa Korea,"
"Wag mo pigilan tawa mo kuya. Mautot ka niyan." sabi ko. Binabawi ko na yung iyak ko. Peste tong lalaking to--
"Pero mahal ko siya. Walang dahilan, just her. She's my happiness. I love your daughter, sir, ma'am, totoo po, walang halong biro."
Medyo nabingi ako sa katahimikan. Kinabahan din ako dahil medyo seryoso pa rin si Dad.
Ilang minutong titigan lang at..
"Welcome to the family. Break my daughter's heart, and I'll break your face." sabi ni Daddy.
Yung feeling na.. ah ewan! Di ko madescribe. Masaya na ewan na, ah basta! MASAYA. Yun.
Kung may tao man na nanakit sakin, lucky me, kase may taong pumalit na binawi yung naramdaman kong sakit. He didn't just prove himself to me. He even prove himself to my family.
Jo Youngmin, ikaw na. :)
--
Otor's nowt:
Lame ba tong chappie? T^T Miaaan~ I'll try to make bawi.
/winks/ /kiseu~/
BINABASA MO ANG
Past Versus Present
Teen FictionMinsan talaga akala mo perfect na. Tapos biglang may magbabago. Biglang may mawawala. May dadating. May babalik. -- Annyeong haseyo! This is a fanfiction presenting the KPOP boy group, BOYFRIEND! Sana magustuhan niyo Don't forget to leave a commen...