"Mahal ko siya e. Alam mo yun Jam? Yung akala ko mahal din niya ko, di naman pala."
"E bakit naman kasi, di mo ko mapansin."
"Ha? May sinasabi ka ba?"
"Wa-wala." sagot ko.
Kasalukuyan kaming nagpapractice ng isa sa mga eksena namin ni JM. Eto yung eksena na magkoconfess na yung character ko na mahal niya yung character ni Jeongmin.
"Sana sa susunod mahanap ko na yung babaeng mamahalin din ako. Yung kahit masaktan siya, di pa rin niya ko iiwan." sabi ni JM.
"Nahanap mo na siya e, di mo nga namamalayang nasaktan mo na pala siya." sabi ko.
Di siya sasagot, gaya ng nakalagay sa script. Ako naman e after few seconds e tatayo at saka ko bibitawan yung linya ko.
"Pano Jazz pag sinabi kong mahal kita?"
Kunware nagulat si JM.
"A-ano?"
"Mahal kita Jazz. Mahal na mahal kita dati pa, hindi naman huminto kahit na sobra mo kong nasasaktan."
"A-ano? Teka nga.. Sigurado ka ba sa sinasabi mo?"
"Oo. Mahal kita." nakatingin kami sa mata ng isa't isa habang nagbabatuhan ng linya.
"Hindi.. Hindi ko alam ang isasagot ko Jam.."
Kunware maiiyak ako tapos di sasagot si JM pero nakatingin pa din saken. Tatawa ako ng mapait tapos magpupunas ako ng luha ko.
"Sana lang Jazz mahal pa kita sa panahong maramdaman mo na mahal mo ko. Kasi sobra na kong nasaktan. Sana lang.. sana lang talaga mahal pa kita pagdating ng oras na yon." tapos pinahid ko yung luha ko.
"Perfect!" sigaw ni ate. Nagbow naman ako habang napansin ko naman na hindi pa rin tumatayo si JM. Nakatingin lang siya sakin.
"Hoy." sabi ko.
"Mahal mo pa naman ako diba? Bumalik na ko. Mahal mo pa naman ako diba?" sabi niya.
"Ano bang sinasabi mo--"
"Kasi ako Jian, mahal na mahal pa rin kita."
Di ko ineexpect na madadala siya sa eksena. Nararamdaman kong nadadala siya pero hindi ko yun pinapansin. JM acts like a professional actor. I was about to fake a laugh but I chose to walk out. Naiinis na naman ako. Siguro.. Siguro dahil I've already accepted his apology but I'm still not ready to let him know that I still love him.
"Jian, saglit!" hila sakin ni JM. Sa sobrang bilis ng paglalakad ko nakaabot na ko sa mini garden. Konti nalang gate na, naabutan pa ko.
"Bakit? May nakalimutan ba kong gamit?" casual kong tanong.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
"Actually, nag-uusap na tayo." sarcastic kong sagot.
"Yung seryoso." then hinila niya ko at dinala sa lugar sa mini garden kung san madalas kaming tumambay dalawa. NOON.
"What?! Ano bang gusto mo't nanghihila ka?" sigaw ko.
Gusto ko ng umalis. Gusto ko ng tumakbo. Gusto ko ng umuwe. Naso-suffocate ako sa presensiya ni JM. Feeling ko mauubusan ako ng hangin everytime na may sasabihin siyang tungkol saming dalawa. Sabihin na na naduduwag ako. Pero ayoko nang may maungkat pa samin dahil di ko alam yung mga pwedeng mangyari pag sinabi kong mahal ko pa siya. Kapag nalaman niyang mahal ko pa siya.
"Bakit ka biglang umalis?" tanong niya.
"Uwian na diba?" I said matter-of-factly.
"Wag mo kong sagutin ng sarcastic, Jian. Sinabi kong mahal kita, then you walked out. Anong ibig sabihin non?"
BINABASA MO ANG
Past Versus Present
Novela JuvenilMinsan talaga akala mo perfect na. Tapos biglang may magbabago. Biglang may mawawala. May dadating. May babalik. -- Annyeong haseyo! This is a fanfiction presenting the KPOP boy group, BOYFRIEND! Sana magustuhan niyo Don't forget to leave a commen...