Chapter Ten

1 0 0
                                    

Napaluha nalang ako nung napanuod ko yung video ni JM. Biruin niyo nakakatawa yung video pero eto ako, lumuluha na parang timang. Pati yung mga texts niya, hindi ko mabura-bura. Hayys. Eto kasi yung mahirap sa natapos na relasyon, yung mga memories.

"Baby-- Oh bakit?" sabi ni DH, sabay lapag nung tray sa lamesa.

"H-huh? Ah, wala. May nakita lang na di dapat makita. Hahaha." tawa ko.

"Hayy. Pano ka magiging okay niyan kung binabalikan mo pa yung mga memories niyo?" sabi ni Sei.

"Hindi naman sa binabalikan. Saka mas okay na din yun. Balak ko ngang araw-arawin para masanay ako sa sakit. Edi pagnakasanayan ko na, hindi na ko masasaktan." sabi ko, sabay subo ng fries.

"Kung totoo yan, edi sana marami ng tao na nakapag-move on agad." komento ni DH.

"Eh ano pong dapat kong gawin kung ganun po?" sabi ko.

"Go with the flow. Ang feelings parang kanal yan. Kapag binarahan mo, natural di ka makakausad. Pero pag hinayaan mo lang, aagos lang ng aagos, odiba." sabi ni Sei.

"*sigh. Basta. Hayaan niyo lang ako. Magiging okay din ako."

--

(Music Room)

Bukas na tutugtog sila kuya. Natural, bukas na din yung school fair na napag-alaman kong tatagal ng tatlong araw. Dumiretso ko dito sa music room pagtapos ng klase ko para sana manuod ng praktis nila, di naman ako umabot. Pagdating ko, nagmemeryenda na sila, meaning, tapos na rehearsal.

"Bukas mo na lang pakinggan yung mga kakantahin namin bunso." sabi ni kuya Jeff.

"Kaya nga. Di pa kasi ako umabot eh." pagmamaktol ko.

Hindi ko pa kasi naririnig yung mga kanta nila. Eh parang tinatamad pa kong pumunta bukas.

"Pumunta ka bukas." sabi ni kuya. "Bukas din kasi yung audition para sa bagong banda."

Oo nga pala. Diba 4th year na sila kuya? Pag-graduate nila, kelangang may pumalit sakanila na banda. Although may isa pang banda, kaso mga 4th year din yun eh, kaya kelangan talaga ng 'tagapagmana'.

"Ay ganun? Bali, part ng event yung audition?" tanong ko.

"Yeah. Pero may twist." sabi ni kuya Rikki, yung drummer.

"Ano yun kuya?"

"Naka-maskara lahat ng mago-audition." sabi ni kuya.

"Huh? Pano malalaman mananalo?" tanong ko.

"Last day ng event pa malalaman mananalo. Day one: audition, day two: elimination, tapos last day magpe-perform yung nanalo." paliwanag ni kuya Rikki.

"Aaaah. Eh bakit date, elimination na agad makilala yung mga nakapasang nag-audition, bakit ngayon, mismong event kayo magpapa-audition?" nung 2nd year kasi sila kuya, nag-audition muna sila, tapos mismong event na nila nalaman na kasama sila sa nakuha, hanggang sa nanalo sila tapos, yun na nga sila na yung official school band.

"Para transparent. Sa rubrics kase namen, 80% ng score galing samin, 20% galing sa audience, para may chance din yung mga schoolmates naten na pumili ng band na gusto nila, unlike dati na yung reigning school band lang ang namimili." sabi ni kuya.

"Ahh." sabi ko. Wala na ko masagot eh. XD

Pagkatapos nila magmeryenda, tinulungan ko silang magligpit sa music room. Pagkatapos nun, sabay-sabay na kami pumunta ng carpark.

*1 message received

From: Bestfriend'Sei<3

Jian, san ka? Punta ka naman dito sa mini theater, may sasabihin lang ako. Hatid nalang kita pauwe.

Past Versus PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon