Chapter Eight point five

3 0 0
                                    


"Unang yung 'She looks so Perfect' ng 5 Seconds of Summer." sabi ni kuya.

"Huh? Parang naririnig rinig ko na yun ah. Yung susunod?" tanong ko. Tatlo kasi yung kakantahin nila next week.

"'Stars' by Callalily, then last yung 'Amnesia' by 5 Seconds of Summer."

[A/N: Lahat po yan visible sa music player ko. Wahahaha. XD]

"Sige nga parinig--"

*Excuse me, geudae cham daedanhaneyo nae sarmeul ban bakwi dollyeonwanneyo

Namjajyo nan geudae manui namja naui modeungeol julgeyo*

(Bestfriend'Sei<3 calling...)

"Ay teka kuya, tumatawag si Sei." sabi ko tapos lumabas ako.

"Hello Jian, san ka? 'Kala ko ba andito ka sa tapat ng gym?" tanong niya. Tapos na siguro siya maglibrary.

"Ayy, dumaan ako dito sa music room, andito si kuya eh." sabi ko.

"Ganun? Edi di ka na sasabay pauwe?"

"Teka, tanong ko si kuya," tapos pumasok ulit ako sa loob. "Kuya sabay ba tayo uuwe?" sigaw ko kay kuya.

"Sige." sabi niya tapos balik dun sa pag-aayos niya dun.

"Sei, sabay na daw kami ni kuya. Si DH?" tanong ko.

"Andito. Sige, ingat kayo." sabi niya.

"Sige, bye." tapos binaba ko na yung tawag.

Pumasok nalang ulit ako dun sa loob pagtapos. Inantay ko si kuya habang nakikipagkwentuhan kala kuya Jeff.

Mga bandang isang oras na yung lumipas nung naisipan din ni kuya na umuwi na kami. Akala ko hindi na siya matatapos sa ginagawa niya eh. -_-''

"Destiny." sabi niya nung naglalakad kami papunta sa carpark.

"Oh? May kalaban ba?" tanong ko.

"Okay ka lang ba?" sagot na tanong niya sakin.

"Oo naman." sagot ko.

"Alam mo, hindi mo naman kelangan magtago ng tunay mong nararamdaman, lalo na sakin. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na may mali sainyo ng JM na yun."

Napahinto ako sa sinabi ni kuya. Akala ko talaga 'ligtas' na ko. Tatanungin din pala ako.

"Kuya kasi.."

"Tara nga." tapos hinatak niya ko sa cafeteria.

Pagkaupo ko, di ako nagsasalita. Di ko naman kasi alam dapat kong sabihin. Ano, 'kuya break na kame, iniwan niya ko sa ere, lagpak ako eh una mukha.' ganun?

"Ano na?" tanong ni kuya.

"Kasi.."

"Kasi ano?"

"*sigh. Break na kame. Ata? Oo, break na yun." Pag-give up ko. Ewan ko ba kung bakit ang hirap sabihin yung salitang 'break na kame'. Siguro kasi hindi naman official. Official. Tss.

Kinuwento ko na kay kuya yung nangyari mula nung 'last' na pagkikita namin ni JM, yung tinawagan siya ng mama niya. Lahat lahat, hanggang sa pag-uusap namin nila Seia kanina.

"Eh gag* pala yun eh." Sabi ni kuya. Minsan lang yan magmura kaya alam kong galit talaga siya.

"K-kuya, hayaan mo na yun, please? Please. Problema ko naman to eh. Ako naman yung girlfriend. Wag niyo siyang i-judge base lang dun, kase malay niyo.. malay niyo nga may mabigat na dahilan.." sabi ko. Kahit na sa katunayan, sa loob-loob ko, 50% naniniwala, 50% hindi.

"Destiny, kahit pagbalibaligtarin mo ang mundo, ang pang-iiwan ay hindi tamang gawin kahit pa mas malaki sa mundo yung problema mo. Sa palabas lang nangyayari yun. Kung lalaki siya, haharapin niya yan, ipapaliwanag niya sayo. Kabaklaan yung ginawa niya, kahit pa sabihing para yun sainyo."

Tumahimik nalang ako. Alam ko naman kasing tama si kuya.

"Sa tingin mo ba ganun lang kadali sakin yun? Kala DH yun? Porke problema mo hindi kami damay? Siguro hindi naman alam yung pakiramdam, pero hindi naman kami mga walang kwentang tao para hindi makidamdam sa problema mo. Sa ayaw at sa gusto mo, damay kami sa problema mo."

Pucha, naiiyak na naman ako. Tekte neto si kuya, ginigisa pa ko. Buti nalang walang tao dito sa cafeteria. Ay meron pala, si Youngmin, bumibili.

"*sigh. Alam ko naman yun kuya.. It's just that.. *sigh. BASTA, hayaan niyo lang ako. Please. Kung iiyak ako, i-comfort niyo ko, pero don't meddle with my problems please." sabi ko.

Nanahimik kami ni kuya saglit.

"*sigh. Okay. I won't, and I'll make sure that mom, dad, and kuya DJ will not, too. Isa pa, ikaw naman ang magsa-suffer sa consequences. Ikaw ang matututo. Choice mo yan." paggi-give up ni kuya.

Isa yan sa mga magandang katangian ni kuya. Basta magpaliwanag ka sakanya at alam niyang kaya mong panindigan yung sinasabi mo, hahayaan ka niya.

Pagkatapos ng heart-to-heart talk namin ni kuya, bumalik na kami sa carpark para umuwi na.

"Ms. Jian?" tawag sakin ng isang lalaki. Sinech itey?

"Yes?" sabi ko. Si kuya ansama ng tingin dun sa lalaki.

"Uhm, pinapabigay po ni PRO." sabay abot sakin ng Cornetto. "Yun lang po." tapos umalis na siya, kami naman ni kuya pumasok na sa kotse.

"Sinong PRO?" Tanong ni kuya. Palibhasa walang pakialam sa politika sa school. Banda lang szxuafpuat nhuah. XD

"Si--" putol ko. May note kasing nakadikit. Ngiting malapad naman daw ako. That guy never fails to amaze me. :)

"Smile. You don't know who's falling in love with it.

Annyeong~ Saw you at the cafeteria a while ago. Smile lang. Problema lang yan. :) - Mr. Jo"

Past Versus PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon