Chapter Nine

8 0 0
                                    

Hayyy~ Bute nalang at isang subject lang yung dapat kong attendan ngayong araw na itey kaya eto ako sa library, naghahanap ng pwedeng mabasa. Mamaya-maya pa kase labas ng aking mga besfrens.

Nakausap ko na din sila mom pati si kuya DJ tungkol samin ni JM nung isang araw pagkauwe namin ni kuya. Pinaliwanag ko sakanila lahat. Alam kong masama ang loob nila kay JM, pero ayaw lang nila ipahalata sakin. Naiintindihan ko naman.

*1 message received

From: Bestfriend'DH<3

San ka baby Jian? Tapos na klase namen ni baby Sei.

To: Bestfriend'DH<3

  Library. :3

*1 message received

From: Bestfriend'DH<3

Arasso. Puntahan ka nalang namin dyan.

Di na ko nagreply pagtapos nun. Nung sinoli ko na yung librong nahugot ko, narealize kong sa kabilang ibayo pa pala manggagaling yung dalawa kaya mas mabuting salubungin ko na lang sila kesa mag-antay ako ng taon dito.

Paglabas ko ng library, kinuha ko yung phone ko para itext sana si DH na sasalubungin ko nalang sila, sakto namang makita ko pa yung kaklase ni JM. Si kuyang bumati samin nung 5th monthsary namin.

Balak ko nalang sana siyang lagpasan, kasi alam kong magtatanong sila kung bakit di na pumapasok si JM. Bakit kasi nakalimutan kong malapit sa department nila yung library. -___-

"Ms. Tolentino!"

Eh kaso sa kaswerte-swertehan nga naman eh, napansin pa ko. Okay na eh. Madami kang kausap diba? Bakit pa ko kelangang tawagin. Tss. Epal mats.

"Bakit?" sabi ko. All smile. Ayoko namang ipahalata na ayaw ko syang kausapin.

"Si JM pala? Bakit hindi na pumapasok?" tanong niya.

"Pakialam mo ba? Kelangan ba lahat ng ginagawa ni JM alam mo? Bestfriend ka ba? Ako ngang girlfriend hindi pinagpaalaman eh, ikaw pa kaya? Tatanong tanong ka dyan akala mo close tayo!" sagot ko.

Pero siyempre JOKE lang. XD

"Ah.. Eh.. Ewan ko eh." sabi ko. Smile padin.

"Huh? Edi ba boyfriend mo yun?" tanong niya. Nakiusyoso na din yung mga kausap niyang babae.

"Ewan ko. Haha. Text mo nalang. Sige una na ko." sabi ko. Maglalakad na sana ko kaso parang ang sarap bumili ng siling labuyo at ipasak sa bibig ng mga tsimosa.

"Baka break na sila." girl1.

"Iniwan siguro siya ni JM." girl2.

"Siguro. Eh lagi ba naman niya kadikit si DH eh. Boyfriend pala niya si JM tapos naglalandian sila ni DH." girl1.

"Oo nga. Sabi nga nung kaibigan kong taga-department nila 'baby' daw tawag sakaniya ni DH eh. Two-timer." girl2.

Napa-smirk nalang ako. Yun lang naman alam niyo. Pathetic.

Lalakad na talaga dapat ako nung hindi na napigilan ng tenga kong magpantig sa huli kong nadinig.

"Ang landi naman! Kawawa naman si JM. Pinagsabay sila ni DH. Akala mo kagandahan, eh mas maganda naman ako. Ewan ko ba ano nagustuhan ni JM dyan." girl1.

Nagulat si babaeng pusit at si babaeng hipon nung bumalik ako sa harap nila. Si kuyang epal naman nakikinig lang. Walang kwenta.

"Excuse me, ano nga ulit yung sabi niyo?" tanong ko, with my 1 million dollar smile.

Past Versus PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon