"Hey." tawag ko kay Youngmin.
Kababa lang namin ng jeep kaya ngayon naglalakad kami papasok sa subdivision.
"Hmmm?" sagot niya.
"May balita ako." sabi ko. Di ko alam kung pano ko sasabihin na partner ko si Jeongmin. Na actually kanina ko pa pinag-iisipan. (-____-)
"Ano?" sabi niya.
"Diba.. kase.. ano.. sinali ako ni Sei dun sa.. uhmm.. theater club.." sabi ko.
"Hmm.."
"Ako yung lead actress.."
"O tapos?"
"Si.. si.. si Jeongmin yung leading man.." halos pabulong kong sabi.
"Hmmmm. Alam ko." casual na sagot niya.
"Oh?! Pano mo nalaman? Pinagisipan ko pa naman kung pano ko sasabihin sayo. *pout."
"PRO ako ng council diba? At council ang isa sa mga naghahawak ng mga funds na napupunta sa iba't ibang org ng school. So kami ang nagpafund sa Theater org. Remember yung emergency meeting? Yun yung agenda. Mga funds. Nag-assign ng parang mga 'magbabantay' sa bawat org para malaman kung san mapupunta yung makukuhang funds mula samin. Though trabaho yun ng treasure at auditor, napagdesisyonan na hatiin nalang, para iwas bias."
"So ikaw ang naassign sa theater org ganon?" tanong ko.
"Hindi. In-assign ko yung sarili ko." proud niyang sabi.
"Dahil andun ako?"
"Hindi a. Actually, crush ko yung leader niyo dun e, ano ngang pangalan non-- ARAY! Makakurot naman."
"Edi dun ka na!" sabi ko tapos nauna na ko maglakad. Piste! Crush pala ha! E hamak namang mas maganda ako dun! Hmmmmp!
"Selos naman agad." sabi niya habang kayakap ako. Hinila na naman niya ko tapos pagharap ko yakap na niya ko. Mahilig yan magganyan matapos niya ko inisin.
"He! Crush pala ha, edi dun ka na!" sabi ko.
"Joke lang yun no. Simula ng mahalin kita, hindi na ko tumingin sa iba, kahit panay pa-cute sakin," sabi niya, "ang galing mo kasi mangulam e. Huling huli ako ng spell mo-- ARAY! Wag ka naman mangagat."
Kinagat ko nga sa may balikat. Okay na e. Sasabihan pa kong kinulam ko siya. (--,)
"Alam ko namang mahal mo ko e. Oo naguguluhan ka, pero malaki ang pusta ko kay tadhana na sakin ka lang niya ibibigay. Kahit makasama mo pa yung Jeongmin na yun, wala akong pakialam. Kasi nakaraan na yun diba, at ang nakaraan di na dapat binabalikan. Saka mas pogi ako dun." sabi niya. May halo pang pagyayabang e.
"Eh bakit hinayaan mo kong bigyan pa siya ng chance, kahit alam mong mahal ko pa rin siya, na kung tutuusin pwede mo naman na kong ipagdamot?"
"Para malaman mo kung ano ba yung tunay mong nararamdaman. Sa totoo lang, selfish akong tao. Pero ngayon, sinantabi ko muna yon. Mahal kita, at gusto ko marealize mo na ako talaga yung mahal mo. Kaya hinahayaan kita. Kahit minsan.. nakakapangselos kapag nakikita ko kayo magkasama." sabi niya tapos ngumiti. Yung ngiting nagbibigay sakin ng comfort, ng assurance na mahal niya talaga ko.
"Mahal kita. Sorry kung naguguluhan ako--"
"Okay lang. Alam ko namang sakin ka din babagsak bandang huli." sabi niya sabay wink.
"Conceited!"
"Bakit, may rason ba para maging hindi?" sabi niya. Binelatan ko siya tapos tinawanan naman ako ng mokong.
"Pwede bitawan mo na ko, para makapasok na ko sa loob at makauwe ka na kasi magdidilim na o." sabi ko sakanya.
Hinalikan na niya ko sa noo. Tapos saka siya naglakad pauwe. I like the feeling that kiss gives me, kasi parang inaalis nun lahat ng worries ko. Yun bang parang wala akong dapat alalahanin kasi alam kong magiging okay din lahat.. dahil andyan lang siya. Andyan lang si Youngmin.
--
It'a been three days simula ng magsimula kaming magpractice para sa play. Thrice a week lang naman kami nagpapractice, pero sabi pagmalapit na daw yung mismong play, baka araw-araw na.
Bute naman at konti lang muna yung eksena namen ni Jeongmin kasi awkward talaga as in capital AWKWARD. I mean he's trying to make it all up pero andun talaga yung naasar ako sakanya kahit wala naman siyang ginagawa sakin. Siguro defense mechanism na ng mga taong nasaktan yung mainis kahit walang dahilan para lang malabanan yung awkwardness. Kahit aminin kong oo, gusto ko yung pinapakita niyang effort para makuha ulit yung loob ko.
Sinabihan ko na sila Sei na masanay na sila sa mga gagawin ni JM dahil nga bumabawi yung isa. Nakakatuwa kase nung unang beses, talagang tinatarayan ko siya ng bongga pero parang na-set na sa utak niya na kahit anong gawin ko, sige pa rin siya. Hindi kami friends, we're strangers with memories.
"Okay break muna for 30 minutes!" sabi ni ate.
"Oh." abot sakin ni JM ng tubig. Tinanggap ko naman, kahit nararamdaman ko na naman yung awkward aura na bumabalot samin.
Tumabi lang siya sakin habang ako naman e katext si Youngmin. Ang kulit diba? Katabi ko yung past na mahal ko pa, habang katext ko yung present na mahal ko na. Ako na. Ako na talaga. Nagmamaganda ko e. \m/
"Sino katext mo?" tanong ni JM out of the blue.
"Ha? Ah, si Youngmin." sagot ko. Natatawa ako kasi ang sabi ba naman ni Youngmin, ayaw daw niya pumunta dito kase daw baka magselos lang siya at magbago raw ang isip niya. Baka daw di na siya lumaban ng patas at itago nalang niya ko sa damitan niya.
"Ilang buwan na kayo?" tanong niya.
"Ah, ewan ko e. Saka sinabihan ko siya na ayoko bilangin namin yung buwan. Gusto ko taon."
"Ouch naman yon." sabi niya. Di nalang ako nagreact kasi nga na-awkward na kanina, mas lalo pa atang na-awkward sa sagot ko.
Nung matapos yung 30-minute break, syempre nagpractice na ulit kami. Habang di ko pa eksena, dahil syempre di lang naman ako yung character, e nagkabisado muna ko ng iba kong linya. Actually, di ko pa nababasa yung buong script kaya di ko alam yung kwento. Nung kinukwento kase ni ate yung plot, di ako nakikinig kasi nga di ako makapag-focus, kase tumabi sakin si JM.
Since nga hindi pa ako yung nakasalang (niluluto lang ganern XD), binasa ko muna yung script. Ang kwento niya e yung babae, si Jam which is yung character ko e, may mahal na mahal na lalaki, which is si Jazz, na character naman ni JM. Kahit may mahal ng iba si Jazz, mahal pa rin siya ni Jam. Kumbaga ginawa pa rin ni Jam yung lahat para lang mahalin din siya ni Jazz. Laging nasasaktan si Jazz sa mga babaeng minamahal niya, tapos ang laging andyan para sakanya e si Jam. Hanggang sa ang minahal naman ni Jazz e yung kaibigan ni Jam. Naging sila, habang etong si Jam, sobra yung dinanas na sakit. Nung nagkalabuan si Jazz saka yung kaibigan niya, sinalo siya ni Jam. Hindi siya iniwan ni Jam, hanggang sa parang nafall si Jazz kay Jam. Nung parang mahal na niya si Jam, saka naman bumalik yung kaibigan niya, so etong si Jazz, agad namang nakipagbalikan. Syempre nahurt si Jam, nagpakalayolayo siya. Dun naman narealize ni Jazz na hindi na pala niya mahal yung babae. Na everytime na magkasama sila, si Jam na yung lagi niyang iniisip. Kaya hinanap niya si Jam. Nung nahanap niya, ayaw na ni Jam. Kaya nagabroad si Jam. Years yung lumipas bago siya bumalik. Akala niya nakamove on na siya pero hindi pa pala. So nung nakita niya si Jazz, bumalik lahat. Kaso pinili niyang umiwas. So si Jazz naman yung humabol hanggang sa napatunayan ni Jazz yung sarili niya. The end.
---
Otor's nowt:
Nagplug lang ng isa pang story dito. MEHEHE. Pag gusto niyo, pwede niyo ring basahin yung own story ni Jam and Jazz, entitled 'Akalazoned'. Yung story na yun e 75% hango sa totoong buhay. Promise. :D So leave yer comments! /kiseu/
BINABASA MO ANG
Past Versus Present
Teen FictionMinsan talaga akala mo perfect na. Tapos biglang may magbabago. Biglang may mawawala. May dadating. May babalik. -- Annyeong haseyo! This is a fanfiction presenting the KPOP boy group, BOYFRIEND! Sana magustuhan niyo Don't forget to leave a commen...