Chapter Twelve

1 0 0
                                    

Second day na ng fair. Yesterday really rocks. \m/ Ayun, in-announce  din yung nanalo. 3 yung nakapasok, yung E-X-O, GOTSeven, saka yung BOYFRIEND. Hanggang ngayon nga, usap-usapan yung mini concert kagabi. Mamaya kasi yung  eliminations, tapos bukas, announcement ng winner, tapos rakrakan na. Magpeperform yung banda nila kuya saka yung nanalo.

Ngayong second day, may mga booths padin saka food stall. Akala niyo boring? Hindi rin. 9:45 na at papunta na ko sa gym para panuorin si Sei saka si DH. May practice game sila with North University. At dahil ako lang ang walang sports saming tatlo, supporter nila ako. Alone nga lang din akong manunuod.

"Hoy Jian!" sigaw nung lalaki sa harap ko. Ayy, si kuya pala.

"Baket?" tanong ko. Kasama pala niya si Kuya Rikki saka si Youngmin.

"San ka pupunta?" tanong ni kuya.

"Sa gym. Teka, close pala kayo ni Youngmin?" ngayon ko lang kasi siya nakita kasama sila kuya.

"Ah, oo. Ka-department namen, 3rd year nga lang. Kilala mo na pala siya."

"Siya kaya yung PRO. Pati yung nagbigay sakin nung ice cream."

"Ah. Ikaw pala yun tol, kala ko naman kung sinong PRO." sabi ni kuya kay Youngmin.

"Wala ka kasing pakialam sa council." sabi ni kuya Rikki.

"Tssk. Council council," sabi ni kuya.

"Ge, una na ko. Magi-start na laban nila DH eh." sabi ko. Mauuna kasi basketball bago volleyball.

"Oh, isama mo na to si Youngmin. Manunuod daw yan." sabi ni kuya.

"EH kayo?"

"Hindi yan manunuod. Baka kase mainis lang daw siya pagnakita niya yung mga lalaking titingin kay Seia-- aray tol!" sabi ni kuya Rikki. Siniko kasi ni kuya.

"Tss. Alis na kami. Oy Jo, ingatan mo yang kapatid ko ah." sabi ni kuya tapos umalis na sila.

"Uhh.. Tara na?" sabi ko. Nakatingin kasi siya kala kuya. Umiling siya tapos ngumiti, tapos nun, naglakad na kami.

"Kelan pa kayo magkakilala ni kuya?" tanong ko habang naglalakad kami.

"Since highschool." sabi niya. Ayan na naman yung porma niyang nakalagay yung kamay sa bulsa.

"Eh bakit di kita kilala?" sabi ko. Totoo naman kasi, halos lahat ng barkada ni kuya kilala ko. Siya lang yung di ko matandaan.

"Bukod sa lamang ng isang taon kuya mo sakin, salungat sched namin no'n kaya bihira ako makasama sa bonding nila sa bahay niyo. Pero nakita mo na ko, isang beses nga lang yun. Naalala ko pa nga, yun yung araw na umuwi ka ng mangiyak-iyak ka. Napag-alaman ng kuya mo na binully ka. Alam mo bang ako ang may gawa nung black eye na yun sa kaklase mo. Ang liit kasi eh, dapat sa pisngi ko papatamaan, eh sa mata tumama." sabi niya, tapos tumawa siya.

"Ganun. Edi nung hinila mo ko sa McDo, kilala mo pala ko?"

"Hindi, pero namukaan kita. Naalala lang kita ulit nung nakita ko si Denver na kasama ka, dun sa cafeteria. Yung maiiyak ka na." sabi niya.

"Ganun." sabi ko nalang.

"Nakakatuwa lang kasi.."

"Kasi?" pasuspense pa to. -_-

"Nung una kita makita, malapit ka na din umiyak nun, tapos nung nakita ulit kita, malapit ka na naman umiyak. Gustong-gusto mo kasing itago lang sa sarili mo yung luha mo, eh kaso, nababasa ko sa mata mo na nagpepretend ka lang para wag mag-alala sayo yung nasa paligid mo. Hahaha. Ako ata yung savior mo e." sabi niya.

Past Versus PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon