Seven days nalang bago yung play kaya eto kame ngayon, practice kung practice. It's already 3pm at kasalukuyang nagaayos yung sa mga in-charge sa prod. Kami namang characters e nagsasaulo ng mga natitira pa nameng lines.
I was close to memorizing my last line for my last scene when a sudden mention of a namen interrupted me.
"Opo. Eto daw po yung fund ng theater org sabe ni kuya Youngmin." sabi nung babaeng kakapasok lang. Sa pagkakatanda ko, siya yung assistant PRO.
Iniwan ko agad yung ginagawa ko para habulin yung babae. She said 'daw' ibig sabihin, pinasabi sakanya.
"Asan si Youngmin?" sabi ko agad as I grab her hand.
"Po?" sabi niya.
"A-asan si Youngmin? Bakit hindi siya nagpaparamdam? Sobrang busy niyo ba?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"Ah..Ehh.. Ate ewan ko po e, madalas naman po magtext si kuya saken. Di naman po kame masyadong busy--"
"Okay." I may have acted rude nung bigla ko siyang tinalikuran pero I can't help it. I can't help but to pity myself.
Hindi masyadong busy.. Lageng nagtetext..
I smiled bitterly. Tama nga siguro ako. Tama na, he doesn't care anymore. He already have given up on me, kaya ayaw na niya kong kausapin. Kaya hindi na siya nagpapakita. Hindi na siya nagpaparamdam. Kase wala na siyang pakialam.
Hindi niya man lang ako pinagpaliwanag.
"Jian?" bumalik ako sa katinuan ko nung tapikin ako ni ateng Director.
"Wh-what ate? I-I'm sorry, I'm just a little spaced out." pagaapologize ko.
"Little spaced out? Eh bakit ka umiiyak? Want me to call JM?" sabi niya.
Natawa naman ako sa isip ko. Of all people. Si JM talaga ang gusto niyang tawagin.
"I'm.. I'm okay ate. May naisip lang kaya naiyak ako." sabi ko.
"Is it.. Is it Youngmin? Well sorry for asking, naririnig ko lang kaseng nagkakalabuan daw kayo ni Youngmin.. at dahil daw kay JM. Blame my ears. Sometimes they can't stop listening." sabi niya.
Ngumiti nalang ako. Mukhang nagets naman na niya kaya niyakap niya nalang ako. Kakaiba kase, since only girl ako, and I don't treat Sei as my ate, it's nice being hugged by someone you treat as your older sister.
"Enough. Okay. Ganto nalang. Why don't you sing? Baka may naiisip kang kanta na pwedeng magamit sa play." sabi ni ate.
I smiled. Then naalala ko yung isang OPM song na narinig ko nung minsang nakasakay ako sa jeep.
Pumwesto ko sa tapat ng piano. Sakto namang pagpasok ni JM sa theater. I just ignored him. Ilalabas ko sa kanta tong nararamdaman kong sakit.
*Minsan, di ko maiwasang isipin ka
Lalo na sa tuwing nag-iisa
Ano na kayang balita sa iyo?
Naiisip mo rin kaya ako?*Napansin kong yung iba e nakatingin saken. Well, ito naman kase yung first time na maririnig nila akong kumanta.
*Simula nang ikaw ay mawala
Wala nang dahilan para lumuha
Damdaming pilit ko nang tinatago
Hinahanap ka pa rin ng aking puso*Totoo nga na may isang kanta talaga na kayang sabihin kung ano talaga yung mga salitang hindi mo masabi-sabi. At para saken, eto yung kantang yun.
*Na parang kulang na, kapag ika'y wala..
At hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin, patungo..*
BINABASA MO ANG
Past Versus Present
Teen FictionMinsan talaga akala mo perfect na. Tapos biglang may magbabago. Biglang may mawawala. May dadating. May babalik. -- Annyeong haseyo! This is a fanfiction presenting the KPOP boy group, BOYFRIEND! Sana magustuhan niyo Don't forget to leave a commen...