Chapter Thirty-eight

6 0 0
                                    

"And the award for the best pretender goes to... Destiny Jian! Palakpakan na may kasamang sigawan-- aray Ji!"

Binatukan ko nga. Andito kame ngayon sa mini theater. Break namin kaya malayang malayang magpakabaliw tong kaibigan kong wala atang normal na chromosome.

"Eh bakit? Totoo naman a?" sabi niya sabay salampak sa upuan.

"Edi wow, Sei. Edi wow." sabi ko.

Simula nung isang araw, nung makita namin si Youngmin, tinry ko ng hanapin siya sa buong university. Gusto ko siya makausap. Gusto ko na na magkalinawan kame. Kahit hindi siya magapologize, okay lang. Gusto ko lang siya makausap. Kahit yung babaeng kayakap niya tinanong ko. Kahit na nung mga oras na yun gusto ko siyang kurutin sa pisngi. Nipper gamit. (-______-)

"Oh yes, I'm a great pretender..♪" kanta ni Seia. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Ilang araw nalang at play na, pero heto ako. Imbes na magfocus sa performance ko, iniisip ko kung saan mahahanap at kung pano ko makakausap si Youngmin. Kahit gustong gusto ko siya sapakin, mas lumalamang yung urge na makausap siya. Madami kameng dapat pagusapan at yun yung mas mahalaga sakin.

Nagrequest ako kay ate na puro eksena na kasama ako muna yung ipractice namen. Nung okay na, nagpaalam na ako sakanila. Hahanapin ko pa sa buong university si Youngmin.

--

"Wala talaga ate e. Hindi pa talaga bumabalik." sabi nung secretary ng council. Halata sa boses niyang naiinis na siya. Pano, nakabenteng balik na ata ko dito, kakatanong kung bumalik na ba si Youngmin.

"Ah, hehehe. Sige." sabi ko. Ngumiti nalang yung babae.

Lumabas na ko at baka matempt akong halughugin yung office nila. Naikot ko na buong university, kahit sa guardhouse, wala talaga. Tumawag na ko sa bahay nila, wala din daw dun. Lage naman. Pag tumatawag ako sa kanila ang sinasabe, either lumabas o kaya wala.

I'm so proud of myself. Sabay-sabay lahat--- acads ko, play, pati lovelife problems, pero buhay pa din ako. Strong talaga kong tao.

"Hoy, bawal matulog dyan." tapik ni kuya Denver sakin.

"Nakapikit lang, tulog agad?" sabi ko.

"Bakit, may tulog bang nakadilat?" tanong niya.

"Oo. Si Mermaidman! Yung partner ni Barnacleboy." proud kong sabi. Pinitik niya naman ako sa noo.

"Yan. Kakapanood mo ng Spongebob na yan. Kung professor mo ko, isi-singko kita."

"E wala e. Kuya kita e. Aray!" pinitik na naman kase ako sa noo.

"Mukhang pinapagod ka ng theater org a?" sabi ni kuya.

"Huh?"

"Tignan mo yang mukha mo. Nagkaka-eyebag ka na rin. Ikaw ba e natutulog pa?" tanong niya.

"Oo a." pero ilang oras lang. Ang hirap kaya matulog pag andameng iniisip.

"Wag ka ngang masyado nagpapagod."

"Opo." sabi ko. Di naman siya sumagot, binelatan lang ako.

"Dyan ka na nga. May hahanapin pa ko." sabi ko tapos lumakad na palayo bago pa siya makahirit.

Unfair man ako pero di ako nagsasabi kay kuya kahit gustong gusto ko. Ayoko kasing may gawin siyang move na baka magpalala. Pagnalaman ni kuya na nasasaktan ako ni Youngmin, alam kong katapusan na yun. Kasi iba magalit si kuya. Magkaibigan sila ni Youngmin, at ayokong masira yon ng dahil sakin.

"Ay putspa! Ano ba yan!" pano, biglang umambon. Sakto namang nasa may mini garden ako.

Ganda pa naman ng pageemote ko. Sumilong ako syempre. Di naman ako yung parang sa tv na umiiyak habang nasa ulanan. Kung magkasakit ako? Edi kawawa naman si Youngmin.

Speaking of Youngmin, kay Youngmin yung nakikita kong jacket na nakapatong sa bench a? Nilapitan ko yung jacket. Eto yung lage niyang dala pagmedyo umuulan ulan e. E nasan naman yung may-ari neto?

Sinubukan kong libutin yung lugar baka sakaling nandito siya. Lumakas pa naman na ng tuluyan yung ulan. Nagaalala ako kase may pagkatanga pa naman yung lalaking yun. Makakalimutin yun e. Mamaya pala naliligo na yun sa ulan. Tsk.

"Asan ka na bang siraulo ka.." sabi ko habang naglilibot dun sa may mini garden. Syempre nasa may silong ako.

Nung napagod ako, naupo muna ko dun sa bench na nakitaan ko dun sa jacket.

"Asan na ba yung amo mo?" sabi ko dun sa jacket. Nabaliw na nga ata ako. Kausapin daw yung jacket.

Mayamaya, may naaninaw naman akong bulto ng tao dun sa may gitna ng minigarden. Nakatalikod habang nasa ilalim ng payong. Di ko napansin kanina kase panay ang daan ng mga estudyanteng pauwe. Kahit nakatalikod yung taong yun, alam ko siya yun. Alam kong si Youngmin yun.

Sa sobrang tuwa ko, binagsak ko yung bag ko sa bench, sinukob ko yung jacket sa ulo ko tapos tumakbo ako sa ulanan papunta dun sa lalakeng kanina ko pa hinahanap. Wala na kong paki kahit mabasa ako. Makikisukob nalang ako sakanya. Nung lumalapit ako, dun ko narealize na may kausap pala siya.

"@#@#% @$%& sabi ko, 'mahal na ata kita'." sabi ni Youngmin tapos tumawa.

WTF. Para kong literal na nagfreeze dahil sa narinig ko. Did he just.. confessed? Hindi sakin, pero dun sa babaeng nasa harap niya? At tumatawa pa siya. Meaning, he's happy. Very happy. Habang ako, halos di na makatulog kakaisip kung pano ko siya makakausap, kung anong magiging reaksyon ko, kung pano ko magpapaliwanag, kung anong sasabihin ko.. Hinanap ko siya ng ilang araw kahit inaalis ko sa isip ko yung thought na baka iniiwasan niya ko..

Only to find him, confessing to a girl?

I took off the jacket above my head then pinatong ko sa likod niya. Dun niya lang napansin na may tao pala sa likod niya.

"Jian.." muka siyang nagulat.

"'Mahal na kita'?" ulit ko sa sinabi niya.

"Nababasa ka.."

"Hell I care." I said casually. Di siya sumagot. Nung tinry niyang hatakin ako, I jerked his hand away.

"You looked happy. Habang ako, I am almost close to giving off flyers just to find you. Well, sino ba naman ako para magreklamo diba? You gave me everything while I chose to ignore you for the sake of my ex's request. Well then.. thank you for everything." sabi ko then naglakad na palayo. Naubusan ako ng sasabihin. I didn't even bothered to care for myself knowing that I'm soaking wet. All I know is I'm hurt. Sobrang masakit to the point na gusto kong humagulgol nalang pero unfortunately, walang luhang gustong lumabas.

Bute nalang at si kuya Denver lang yung naabutan ko sa bahay nung makauwe ako. At bute nalang nakauwe ako kase halatang wala ako sa sarili ko kanina dahil ibang jeep yung nasakyan ko.

"Oh bat basa ka?" sabi ni kuya.

"Ah. Sira kase yung payong ko." pagdadahilan ko. Sana umepektib.

Pero mukhang hindi kase kumunot yung noo ni kuya. Binelatan ko siya, pero seryoso yung mukha niya.

"Bakit nga?"

"E natural umuulan mababasa ako." sabi ko.

"Ang engot mo. Pano kung magkasakit ka? Puro ka talaga kaengotan e no. Pwede namang magpatila ka muna bago ka umuwe. Wala bang naghatid sayo? Edi dapat tinext mo ko para nasundo kita. Asan ba si Youngmin? Tagal ng di nagpapa--"

"Kuya." I said as I cut off his sentence.

"Oh?"

"Pano kapag.. Kapag sinaktan ako ni Youngmin.. Anong gagawin mo sakanya?" tanong ko.

"Huh?"

"Sagutin mo nalang." kase maiiyak na ko.

"Edi sasapakin ko siya. Mas malala pa sa ginawa ko kay JM." sabi niya. Tumawa nalang ako, para di ako maiyak.

"Bakit, sinaktan ka ba--"

"Akyat na ko. Maliligo muna ko baka ko magkasakit." sabi ko tapos umakyat na ko ng hagdanan. Alam kong makakahalata si kuya kaya mas maganda ng umalis na ko.

"Kuya," tawag ko nung nasa taas na ko ng hagdan, "pakisapak nga si Youngmin." then tuluyan na kong naglakad papunta sa kwarto ko.

Past Versus PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon