Chapter Fourty

3 0 0
                                    

"Ano ba? Kanina ka pa buntong hininga ng buntong hininga dyan?" asar na tanong ni kuya.

"Haaaays."

"Isa pa, lalagyan ko na ng bulak yang ilong mo. Ano bang problema mo? Itext mo nalang kase kung itetext mo. Pabebe ka pa e."

Kung wala lang akong no choice di na ko nagpasama dito sa kuya kong walang ginawa kung di asarin ako. May klase kase parehas yung dalawa kong kaibigan. Kinwento ko na din kay kuya lahat. Bute nalang at medyo kalmado sya (nakakapagtaka kung bakit) at hindi niya naisipang suntukin si Youngmin. Kung bakit ako buntong hininga ng buntong hininga eh kase di ko malaman kung ano yung sasabihin ko kay Youngmin. Kanina pa ko nakatitig sa 'write message' pero wala talaga akong ma-write na message.

"Ano ba? Eh kung pinuntahan mo nalang edi nasabi mo na."

"Di ko nga alam sasabihin ko sa text, sa personal pa kaya?"

"Ang pride mo kase alam mo yun? Kaya tumatagal yan e. Eh kung puntahan mo sya, sabihin mo sorry, tapos magpaliwanag ka. Sabihin mong mahal na mahal mo na sya, edi tapos!"

"Sana nga kuya ganun yun kadali diba, edi dapat nagawa ko na? Tamo ngang.. nagconfess na sya dun sa.. ah basta!"

"Sigurado ka bang nagconfess?"

"Oo narinig ko kaya!"

"Bakit, sigurado ka bang buo yung narinig mo? Kayo talagang mga babae. Kaya hindi kayo tumataba e. Lagi kase kayong nagjujump into conclusion."

"Eh bakit ba pinagtatanggol mo sya? Sino ba talaga kapatid mo sameng dalawa?"

"Hindi ko sya pinagtatanggol. I don't take sides. Ang aken.. KAUSAPIN MO NA SYA NG MATAPOS NA TONG USAPAN NA TO."

"Di ko nga alam sasabihin ko!"

"Anak ng-- akina nga yang cellphone mo!"

"W-woy! KUYA ANO BA WAG MO SYA TAWAGAN! Akina! Akinayang cellphone ko!"

"Ayan na, nagriring na. Manahimik ka walang makakapigil saken."

"Kuya, ano ba! Kuya! Patayin mo na yan mamaya bigla yung sumagot--"

"Hello, Youngmin."

"KUYA!"

"Gusto ko lang sabihin sayo na mahal ka daw netong kapatid ko--"

"Hello, uhmm.. Pasensya na baliw lang si kuya. Bye!"

"Ano ba? Ang arte mo ako na nga tong gumagawa ng paraan!"

"Eh mali naman yang paraan mo eh!"

"Haaaaaaay! Ewan ko sayo. Ang tigas ng ulo mo. Dyan ka na nga muna bibili muna ko ng pampalambot ng ulo mo!"

Binelatan ko nalang si kuya. Pero di ko maiwasang matuwa dahil sinagot niya yung tawag ko. Pano pala kung ako yung tumawag? Di ko talaga alam sasabihin ko. Aggh! Magsorry kalang Jian! Magsorry ka tapos sabihin mo aylabyu. Magso--

*1 message received*

Muntik ko nang mabitawan yung cellphone ko nung makita ko yung pangalan ni Youngmin sa screen. At muntik na ding kumabog ng malakas yung dibdib ko sa message niya. Apat na salita lang. Pero parang nawala lahat nung pinagpraktisan kong sasabihin sakanya.

From: BoyfriendYoungmin<3
Pwede ba tayong magusap?

To: BoyfriendYoungmin<3
Kelan?

Kakareply ko palang nang biglang magring yung cellphone ko na muntik ko pang mabato sa gulat.

*BoyfriendYoungmin<3 calling..*

"H-Hello?"

"Jian."

Past Versus PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon