Ramdam ko na agad yung school fair pagpasok ko palang ng gate. Yung feeling na ang light ng aura ng school kasi walang pinoproblema yung mga estudyante na quizzes at project. Sana ganto araw-araw. XD
"'Nangyari sa mata mo?" tanong ng biglang sumulpot na si Youngmin.
"Wala, kinagat ng ipis." palusot ko.
"Dalawang mata yung kinagat?" tanong niya.
"Oo e. Hindi nakuntento dun sa isa. pati yung kabilang mata kinagat." sabi ko.
Ayan, tumawa na naman siya. Sayang, nasa bag cellphone ko.
"Sa susunod pa-record ako ng tawa mo ah?" sabi ko sakanya.
"Huh? Bakit?" tanong niya.
"Ang sarap pakinggan eh." sagot ko.
Parang natulala naman siya sa sinabi ko.
"Tulala ka dyan? Tara nga, libre mo ko." tapos hinatak ko siya pa-cafeteria.
Pagdating namin sa cafeteria, nilibre nga ako ni Youngmin. Nagkekwentuhan kami nung may nagtext sakanya.
"Aish." sabi niya pagkabasa nung text.
"Oh bakit?" tanong ko.
"Kelangan na pala ko dun. Tara na. San ka ba tatambay?"
"Hindi, balak ko lang mag-ikot sa mga booths. Punta ka na kung san ka man pupunta." sabi ko.
"Sure ka?" parang nag-aalangan pa siyang iwan ako.
"Oo nga." paga-assure ko.
"Sige." tapos umalis na siya.
Nung na-bored na ko tumambay sa cafeteria, naisipan ko nang mag-ikot ikot sa mga booths. Infairness huh, nakakatuwa yung mga booths ng iba't ibang clubs. May jail booth, photobooth, cafe booth, request booth, at syempre mawawala ba ang marriage booth? XD
Bute nalang din at madaming food stalls dito. Napapa-pudtrip tuloy ako. Loner ba? Ako lang kase walang gagawin. Si Sei busy sa marriage booth, drama club kasi may hawak nun. Eh official siya sa drama club. Si DH nasa jail booth, varsity kase may hawak nun. Para daw pag may huhulihin, keri. Eh ang lalalaki ba naman ng mga 'guard' e. XD
Si kuya naman, busy para sa performance saka audition mamaya. 3pm pa start nun, hanggang gabi. Parang mini concert ang ganap.
Bandang lunch nung naging free na si Sei saka DH. Pagkatapos naming mag-eat all you can pay sa mga food stalls, nag-ikot naman kame sa mga booths. Nagrequest din kame sa Request booth ng mga kanta, na naririnig sa buong campus. Yung iba may message pa para sa mga crush nila.
"'This is from Mr. Piano boy for Ms. Nice smile. Dear Ms. Nice smile, your eyes speak what your mouth can't. Hope you'll like my song for the audition later. That is for you. - Mr. Piano boy.' Wow, ang sweet naman ni kuya. Hulaan nalang naten kung sino siya mamaya. Haha! Okay for the next dedication.."
Narinig namin mula Request Booth. Diba nga naririnig sa buong school. Andito kame nakaupo sa benches sa likod ng gym.
"Ang sweet naman nung Mr. Piano boy." sabi ni Sei.
"Torpe naman." sabi ni DH. Sabagay, may point.
"Malay mo naman ayaw niya lang talaga muna magpakilala." sabi ni Sei.
"Tss. Reasons." sagot ng DH, binelatan lang siya si Sei.
Tsk. Hahaha. Mga baliw.
*1 message received
From: KuyaJake<3
May nakareserved ng upuan sa inyong tatlo.
Himala nagtext si kuya. XD
BINABASA MO ANG
Past Versus Present
Teen FictionMinsan talaga akala mo perfect na. Tapos biglang may magbabago. Biglang may mawawala. May dadating. May babalik. -- Annyeong haseyo! This is a fanfiction presenting the KPOP boy group, BOYFRIEND! Sana magustuhan niyo Don't forget to leave a commen...