Chapter 24Two days had passed, pinakiusapan ko si Mama na rito muna si Zaniel titira. Nalaman rin ni Mama na magkaibigan si Zaniel at kuya Henry, kaya pumayag siya.
Mama asked me why i know Zaniel and kuya Henry, and i answered her the truth, na nakilala ko sila ng mawala ako. And when she asked me again why our driver found me in the side of the road and why they didn't send me home, hindi ako nakasagot agad, because even me, i don't know the answer, kaya naman, ay 'yong dalawa naman ang tinanong niya.
Wala si kuya Hery'ng nalalaman, kaya si Zaniel ang tinanong nila dahil sinabi ni kuya Henry na kami ang magkasama. Sinagot naman ni Zan si Mama ng katotohanan, that i lived with them in days, pero bigla na lang daw akong nawala. Kulang ang mga detalyeng sinabi ni Zaniel, alam ko, but it's better to keep those history hidden than telling them the truth, beacause i know, Valen is a secret in human world.
I saw the relief in Mama's face when she heard Zan's answer, and i don't know if it's fake or not. Knowing that she married a man and had a another son without telling me, and hide me in our mansion in years, bahagya akong nawalan ng tiwala sa kaniya. She said that she's just protecting me, now i realize, saan niya ako pino-protektahan?
May kumatok sa pintuan kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama habang dala dala ang cellphone. I'm checking my phone if theres an important messages, pero wala. When i opened my phone a while ago, thousands of notifications welcomed me, and it's all about that video.
Napabuntong hininga ako at binuksan ang pinto. I didn't go to school again simula ng mangyari iyong video. Iyon ang usap-usapan ngayon, and they already know me, as the daughter of Xeña Dela Vega, the owner of the Dela Vega Corporation, a bussiness woman who owns many bussinesses around the world. Siguro ay iyon ang dahilan ni Mama kung bakit minsan lang siyang napapagawi rito, she's busy with her bussiness and her family. At siguro, iyon din ang dahilan kung bakit niya ako tinago? But, that's OA! Pwede namang mag-hire ng body guards right?
Naalala ko noong isang taon siyang hindi nagpakita sa akin, iyon siguro ang oras na ipinagbubuntis niya ang kapatid ko.
Kapatid ko.. hindi ko alam na ate na pala ako.
"Ada anak? Ayos ka lang ba? Kanina pa kita tinatanong pero nakatulala ka lang diyan.." nagaalalang puna sa akin yaya Mila.
Ngumiti ako at niyakap siya. "Salamat po sa pagalaga sa akin yaya," sabi ko at kumalas ng yapak.
Hinaplos niya ang buhok ko at bahagyang natawa. "Ikaw na bata ka talaga, wala 'yon no! Alam mo namang napamahal ka na sa akin, sariling anak na ang turing ko saiyo Ada, kaya huwag kang mahihiyang pumunta sa akin kapag kailangan mo ng sandalan. Alam mo bang naiiyak na ako kapag iniisip kong aalis na ako rito, parang hindi ko 'ata kayang mapalayo pa sa'yo." Sabi niya na ikina-guilty ko, mali pala ako sa naisip ko noong mga nakaraan.
Hindi lang si Zan ang palaging nariyan sa akin, at mali ang pag-iisip na hindi dahil sandaling nariyan siya noong mga oras na walang-wala ako ay nandiyan na siya palagi sa akin, mali ang pagkakaintindi ko sa salitang 'palaging nariyan sa'yo', at sa salitang 'nagpaparamdam sa'yo na hindi ka nag-iisa'. Meron pang mga taong nananatili sa akin hindi lang para sa pera at sariling pang interes, kundi ay dahil gusto nilang manatili sa aking tabi, at higit sa lahat, ay tanggap ako sa kung ano man ako.
Bakit kapag nagagalit, o kung ano mang mga emosyong nararamdaman natin minsan.. ay nagiging makitid ang ating isip? May mga naiisip o sinasabi, at may ginagawang sa huli ay pinagsisihan rin lang naman.
"Nga pala anak, nagco-contact lense ka ba? Bakit nakita kong naging ginto ang kulay ng mata mo noong nakaraan? At saka," biglang parang kinalibutan ang itsura ni yaya na ikinatawa ko. "Narinig ko rin ang boses mo noong araw na iyon, na nagsosorry ka," natigilan ako sa paghakbang sa mga baitang ng hagdan ng marinig ang sinabi niya. Hindi ko pala alam na narito na pala kami, at b—bakit narinig iyon ni yaya? Napakaimposible namang marinig niya ang sinasabi ko para sa kaniya sa aking isipan.

BINABASA MO ANG
Valen Series 1: The Alpha King
WerewolfUnedited. She don't know herself that much, she finds herself so mysterious because even her own name- she's not sure what it is. Her mother's number one rule is forbidding her to go out from their compound. Until one day, she accidentally violated...