Chapter 29
"Niel and Adara, this is beta Allen, or my right hand," pakilala ni Eros sa lalaking sumita sa amin kanina. Gwapo rin ito, mapupula ang medyo makapal na mga labi, malalalim ang itim na mga mata, mahahabang pilik mata, makakapal na kilay, at makinis na mukha, maputi rin ang kaniyang balat.
Bakit lahat ng nakikita kong mga nilalang rito ay masyadong perpekto?Nginitian ko si Allen. Wala pa ring suot pang-itaas hanggang ngayon. Seryoso ang mukha nito at matipid na tumango lang sa amin bilang pagbati.
"Ako na lang ang maghahatid sa magiging kwarto ni'yo," nagsimulang maglakad si Eros sa hagdan.
"Where's tito Jaik and tita Roshae, Rosh?" tanong ni Zaniel habang hawak hawak ang aking kamay na sinusundan si Eros.
"They are with tita Emily and tito Nirel right? They go in the palace." natigilan si Zaniel.
"Doon kami nanggaling." matipid na salita ni Zaniel. "Pero, hindi namin sila nakita dahil tumakas lang kami mula sa pagkakadakip sa amin."
Nahinto sa paglalakad si Eros. Humarap sa amin para lang magtaas ng isang kilay kay Zaniel.
"Bakit? Ano na namang ginawa mo?"
Nagkasalubong ang kilay ko. Kung ganon ay marami ring ginagawang kabalastugan si Zaniel noon?
"Just keep walking! We really need to talk right now. Merong humahabol sa amin kanina, galing sa palace."
Nagtataka man ay binilisan ni Eros ang paglalakad sa napakalaki at napakalawak nilang mansion.
Nang makarating kami sa sinabi niyang tutuluyan naming silid ay umupo siya sa sofa. I sit on the bed and Zaniel immediately take a seat right next to me. Kaharap namin si Eros na nakatingin sa amin at bahagyang nakatabingi ang ulo.
"So?" imik ni Eros ng makaupo na kaming lahat.
"They caught us in the human world," kumunot ang noo ni Eros.
"Pati si Adara?"
"Yeah," he snaked his arms on my waist ang kissed my head. "I meet her almost three month's ago. She's living in mortal world, and I thought she's a mortal, but no,"
Napatitig ako sa mga kamay kong pinaglalaruan ko ngayon. Marami akong iniisip at isa doon ang paghabol nila sa amin kanina. Bakit nila ako gustong mamatay? Wala naman akong nagawang kasalanan ah? A—At nadadamay na rin si Zaniel...
Sumakit ang dibdib ko sa isiping iyon. I know Zan don't want me dead, so he sacrificed even his own safety. Ang paghuli sa kaniya sa mundo ng mga tao ay may kapalit na parusa, p—paano na lang ngayong tinutulungan niya akong makatakas?
I heard Zaniel saying about palace, na doon kami nanggaling kanina. So he knew? na ang kinalaban niya ay makapangyarihang mga nilalang para lang matulungan ako at mailigtas?
Sa ginawa niya para mailigtas ako, nanganganib na rin ang buhay niya dahil kasama niya ako.. ang gusto nilang patayin.
"What? How did that happened? Dapat malalaman mo kung isa siyang mortal o immortal pagkakita mo pa lang sa kaniya, youre a werewolf Niel, uso na rin ang gamitin ang pang-amoy!" napatingin ako kay Eros na bahagyang magkasalubong ang kilay.
"That's the case, we can't smelled the smell of her being an immortal when we first met. At ang mga delta'ng humuli sa amin kanina, ay naamoy ang amoy ng dugo ng pamilyang Adler sa kaniya." seryosong saad ni Zaniel at pinagsiklop ang aming mga kamay.
"Holy shit! This can't be Niel, hindi maaaring ang itinadhanang babae sa 'yo ang tinutukoy sa propesiya!"
"I think, she really is, Rosh. Nandito pa rin sa teritoryo mo ang mga humahabol sa amin kanina galing sa palasyo, d—dahil gusto nilang p—patayin si Adi. Sigurado silang siya nga ang babaeng nasa propesiya." napasabunot si Zaniel. Napayuko ako dahil parang hindi ko na mapigilan ang pag-iyak, naluluha na ako dahil nakikita ko siyang nagiging problemado dahil sa akin.
BINABASA MO ANG
Valen Series 1: The Alpha King
Manusia SerigalaUnedited. She don't know herself that much, she finds herself so mysterious because even her own name- she's not sure what it is. Her mother's number one rule is forbidding her to go out from their compound. Until one day, she accidentally violated...