chapter 20

2.4K 85 6
                                    


Chapter 20

Napakunot ang noo ko ng bigla akong pinalibutan ng apat na mga babaeng nasa aking harapan kasama si Lorraine. Ang dalawang nakahawak naman sa akin ay binitawan na ako at pumunta sa gilid at inilabas ang kani-kanilang mga cellphone.

"A—aray!" Daing ko ng bigla nila akong sinugod na nagpahiga sa akin sa sahig, inupuan ni Lorraine ang tiyan ko at sinabunutan at pinagsasampal ako.

"Your a slut bitch, girl, inagaw mo si Marcus si akin!" Galit niyang sabi at ipinatuloy ang pananakit sa akin. Rinig ko ang mga nasisiyahang bungisngis at halakhak ng ibang mga kasama niya habang kinukuhanan kami ng video, iyong tattlo namang kasama niyang sumugod sa akin kanina ay pinagsisipa ako.

Iniharang ko ang mga kamay sa bawat pagsampal niya sa akin, pero nasasampal niya pa rin ako.

"Tama na! Hindi ko kilala ang Marcus na sinasabi mo!" Sabi ko sa kaniya. Ang kilala ko lang na Marcus ang pangalan ay 'yong naging presidente ng Pilipinas na nagpatupad ng Martial Law.

"Rain, tama na 'yan, baka mamatay." Rinig kong nag-aalalangang sabi no'ng babaeng nasa may pintuan.

Umalis si Lorraine sa pagkakadagan sa akin at itinadyak ng malakas ang kaniyang paa na may mahabang takong sa aking tiyan.

Napaubo ako ng dugo at ramdam ang sakit sa aking buong katawan dahil sa kanilang ginawa, lalo na sa aking tiyan at ulo, pero ilang sandali lang ang lumipas ay nanumbalik rin ang akin lakas.

Napahinga ako ng malalim at marahas na pinunasan ang dugong naramdaman ko sa gilid ng aking labi. Tumayo at sumulyap ako sa salamin, parang walang nagyaring pananakit sa akin kung hindi lang sabog ang aking buhok. Ngumiti ako at inayos ito, wala na akong naramdamang kahit na anong sakit sa katawan. Isa rin ito sa napapansin ko sa aking sarili magmula ng makabalik ako, mabilis na gumaling ang aking mga sugat at ng kung ano mang mga sakit na nararamdaman ko sa aking pisikal na katawan.

I glanced at the seven girls who's looking at me shocked, laglag ang pangang nakatingin silang lahat sa akin. And dalawa sa mga babaeng may hawak na cellphone kanina ay nasa sahig na ang kanilang cellphone, pero ang isa sa mga babaeng humawak sa akin kanina ay may hawak pa ring cellphone, at kahit na kitang-kita ang panginginig ng kaniyang mga kamay ay sige pa rin ito sa pag-video sa akin.

Napakurap ako habang nakatingin sa kaniyang cellphone na nakatutok sa akin ang camera. Kinabahan ako, p—paano pala kung ipakita nila ito sa iba? Hindi naman siguro nila napansin na naghilom ang ilang mga maliliit kong mga sugat diba?

"Y—your a monster!" The girl who's holding a phone screamed. Para namang natauhan ang iba pa at nagpapanic silang nagunahang lumabas.

"H—her eyes turned into gold! You saw it too guys right?!" Natigilan ako ng marinig ang sigaw ng isa sa kanila sa labas ng Ladies' Room habang ramdam ko pa rin ang kanilang pagtakbo.

Bumilis ang paghinga ko dahil sa kaba, n—nakita nila? Napatingin ako sa salamin at nakita ang pagpapalit-palit ng kulay ng aking mata sa kulay dark brown at ginto.
Kanina pa ba ito? Kung kanina pa nga, kung ganon, kita doon sa video! Kumalma ako at bumalik rin naman sa dating kulay ang kulay ng aking mga mata, hindi na sila ngapapalit-palit, napahinga ako ng malalim.

Why i became so reckless?! Hindi ko sinaisip na may mga bagay na nagbago sa akin na hindi nagyayari sa normal na mga tao. Ngayon lang pumasok sa isip ko na hindi na pala ako normal na nilalang ngayon.

Mabilis akong umalis sa C.R. at nagtatakbong hinabol sina Lorraine. Mabilis ko naman silang nahabol dahil sa bilis kong tumakbo na hindi ko alam kung paano ko nagawa dahil halos ilang kilometro na ang layo nila sa akin ng nakita ko sila, halos nasa labas na rin sila ng gate.

Valen Series 1: The Alpha King Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon