chapter 2

3.3K 132 0
                                    

Chapter 2

"Hindi mo ako bibigyan?" I asked him like a kid, na parang nagmamaktol sa magulang dahil hindi pinagbigyan ng gusto. Mas lumakas ang paghikbi ko at nabigla ako ng pinaharap niya ako sa kaniya.

He gently touch both sides of my cheeks and sighed while looking directly on my eyes.

"You really like a kid. Stop crying." He tsked. "What's your name?" He asked.

Naiilang kong iniwas ang tingin sa kulay asul niyang mata na kakulay ng tubig sa dagat na nakikita ko lang sa mga larawan bago sumagot.

"Adara." I softly answered and look at him again. Kagat-kagat nito ang pang ibabang labi habang mataman na nakatitig sa akin, kaya naman ay naiilang na iniwas ko ulit ang tingin sa kaniya habang ramdam ang pag-iinit ng pisngi.

He chuckled and removed both of his hand in my cheeks. "Alright, bibigyan kita. But can I ask?" Tumango ako sa kaniya at tumahan na sa pagiyak. "Where are you going?" Tanong niya.

Kumibot ang labi ko dahil hindi ko alam kong ano ang isasagot ko, kung sasabihin ba ang totoo o hindi. Hindi ko alam kong nasaan ako ngayon, at hindi ko rin alam kong saang lugar ako nanggaling kaya hindi ko alam kong ano ang isasagot ko sa kaniya. Pero sa huli ay inamin ko ang totoo, dahil sabi ni Yaya Mila masama ang magsinungaling.

"I-I don't know," I answered hopelessly.

He slightly cocked his head in one side and bit his lower lip sensually. "Do you know where you came from? Your address?" He asked me again.

Nagdadalawang-isip akong umiling sa kaniya. Nakita kong mas lalong nangunot ang noo niya sa sagot ko.

"You don't know?" He grimly asked me this time and I nodded at him as an answer. "What if someone tricked you? Pagkatapos ay yayain ka sa dilim at re-rapin ka? O gagawan ng kahit anong masama?" Pinakawalan niya ang isang mabigat na hininga at tumingin ulit sa akin, nagkatitigan kami, I saw his eyes change its color, or its just my imaginition? "I won't make it happen though." nakaigting pangang bulong niya na narinig ko naman.

Natigilan kami ng tumigil ang Bus na sinasakyan namin at nagsimula ng lumabas ang mga sakay na kasama namin.

I looked at him and he looked at me too. "What I am going to do next? Should I go outside? But your blocking the way," I softly muttered, mesmerising by his eyes again.

Binasa niya ang pang-ibabang labi at napailing. Napabuntong hininga at pagkatapos ay mataimtim akong tinignan. Pagkalipas ng ilang segundo ay tumayo at nagsimula ng maglakad. Ako na lang ang mag-isang naiwan sa loob ng bus!

Dali dali akong tumayo at sumunod sa kaniya, pagkalabas ko ay namamangha kong tinignan ang mga bus na nakaparada, pagkatapos ay napatingin sa loob ng tinatawag na terminal. Napakaraming stall doon ng mga pagkaing binibenta at napakaraming tao, ang iba sa kanila ay tinitignan ako na parang nagtataka at namamangha? Nakaramdam ako ng kaonting takot dahil maraming tao na talaga ang nakatingin sa akin. Karamihan ay ang mga lalaki. Napayuko at kinabahang napahawak ako sa laylayan ng puting bestidang suot, naglakad ako ng mabilis, marami pa ring mga tao at mga sasakyan sa paligid, marami rin'g mga matataas na building ang nakikita ko at nalulula ako sa laki.

Lakad lang ako ng lakad na parang walang patutunguhan at medyo malayo na din ako sa Terminal.
I don't know where I am going, hindi ko na nakita si Zaniel dahil sa pagkamangha ko sa kakatingin sa mga bagay bagay na ipinagkait na ipakita sa akin.

Kinain ako ng takot ng makita ang ilang mga lalaki na sunusunod sa akin, mas binilisan ko ang paglalakad kahit hindi ko alam kong saan ako patungo. Ang paglalakd ko ay nauwi sa pagtakbo ng makitang mas binilisan din nila ang paglalakad. Alam ko na ako ang sinusundan nila dahil kung saan ako liliko ay ganun din sila, at nakita kong tumakbo na rin sila hanggang sa maabutan ako, hindi kaya, ito na ang sinasabi ni Mama sa akin na halimaw na mga tao?

"Miss, easy lang," sabi ng isang lalaki at hinawakan ang balikat ko na hinihingal sa pagtakbo.

"B-bakit p-po?" I nervously asked them.

"Pwede bang sumama ka sa amin?" He said and squeeze my shoulder tightly that make me grimace in pain. Iwinaksi ko ang kamay niyang nasa balikat ko at napangisi siya dahil do'n.

I don't know but, I'm feeling nervous and at the same time-afraid right now, hindi tulad kila Lola Ganda at Zaniel na komportable ako no'ng nakasama ko sila. And why would I go with them right? Bakit nila ako niyayayang sumama sa kanila if I don't even know them?

Ngumuso ako at inipon ko ang lahat ng lakas na natira sa akin at mabilis na tumakbo papalayo sa kanila, pero, hindi pa ako nakakalayo ay nabunggo ako sa isang matigas na bagay. Napangiwi ako at umupo na lang sa kalsada dahil sa medyong kirot na nararamdaman sa noo at ilong ko, hinihimas ko ang noo ko habang nakapikit ng merong kumuha sa mga kamay ko at hinila ako patayo.

Kinabahan ako dahil baka isa iyon do'n sa mga lalaking humahabol sa akin kaya naman ay nagpumiglas ako at umiyak, sobrang takot ang naramdaman ko para sa gagawin nila sa akin, paano kung patayin nila ako? O kaya naman ay tulad no'ng nabasa ko sa diyaryo noong isang araw na ni chop chop ang isang babae? Nakapikit pa rin ako dahil ayaw kong makita ang mukha nilang nakakatakot, paano kong ilapit nila ang mga mukha sa akin? Baka mamatay na talaga ako sa nerbyos at takot dahil sa mukha nila! Their face is so ugly and their breath's stink!

Im breathing heavily while crying hard, but it stop when someone hug me and whisper on my right ear.

"'Yan kasi, aalis-alis hindi naman kaya ang sarili." I shivered when I heard his husky voice.

"Tito Z-Zaniel?" I sob, isampay ko ang dalawang kamay sa leeg niya at parang tuko na kumapit na lumambitin sa kaniya.

"Girlfriend mo pre?" nakangising tanong ng isa sa mga lalaking humabol sa akin.

"T-they, t-they are monsters." I cried and looked at them painfully, labis ang takot ko dahil sa pagsunod nila sa akin kanina.
Nakatingin sila kay Zaniel at kita ko ang biglang pamumutla nilang lahat.

"H-huh? W-Wala, h-hindi! W-wala kaming ginawa sa kaniya!" someone from the guys defensively answered.

"Don't do it to someone again, or else, ako ang makakalaban niyo." Zaniel's cold voice made me shiver, kinalas ko na rin ang pagkakayap sa leeg niya. Nakaramdam ako ng bahagyang takot, how if he will do something bad at me this time? Pero, hindi ko na iyon pinagtuonan ng pansin ng hinila niya ako papunta sa isang magarang sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pintuan bago siya pumasok sa kabila at pinaadar ang sasakyan.

"Why didn't you follow me?" He asked me with a grim expression that makes me swallow hard, mariin din siyang nakahawak sa steering wheel at mariing nakapikit ang mga mata, at ng dumilat iyon ay napkurap-kurap ako ng makitang parang nagbago ang kulay ng kaniyang mga mata.

"W-Wala ka n-namang s-sinabi eh, at isa pa h-hindi na kita nakita ng lumabas ako ng b-bus" utal at mahinang sagot ko sa kaniya, takot na baka mabugahan ng apoy, para pa namang dragon ang itsura niya ngayon, na parang kapag may magawa ka lang na isang pagkakamali ay mabubugahan ka ng apoy.

Katahimikan ang bumalot sa amin, walang may nagsalita hanggang sa inihinto niya ang sasakyan sa harapan ng isang building, may nakasalut sa ibaba nang bulwagan na 'Police Station'.
Namamangha akong napatingin doon, 'yan pala ang Police Station? Parang bahay lang din, pero medyo maraming tao. Ang alam ko, marami daw taong masasama na nakakulong diyan sa loob, sa may selda.

"Anong ginagawa natin dito?" hindi ko naitago ang pinaghalong excitement at pagkamangha sa mukha at boses ko sa bagong bagay na nakita.

His brows furrowed. "Bakit parang tuwang-tuwa ka?" He askes confusely.

"First time kong makapunta dito eh." Masaya at nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Seriously?"

"Look! Merong mga police oh!" Excited na itinuro ko ang mga Police na naglalakad sa labas at sa loob nang police station na kita rito sa pwesto namin, nakasuot ito ng kanilang mga uniporme. Sila ang mga nanghuhuli ng mga masasamang tao!

Tumingin ako sa kaniya at nakakunot noo siyang nakatingin sa akin na ikinasimangot ko.

"A weird little vixen," napailing siya, ngunit unti unting sumilay ang ngiti sa labi niya habang nakatingin sa akin at binuhay ulit ang sasakyan.

©HERISHAAH

Valen Series 1: The Alpha King Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon