chapter 34

2.3K 95 2
                                    


Chapter 34

Wala sa sarili kong inilapag sa sink ang bitbit na pinagkainan namin ni Zan, hindi binigyang pansin ang mga omega na pumipigil sa akin.

After I overheard what Zan's Lolo said, I immediately go away.
Hindi ko yata kakayanin pang marinig ang iba pa nitong sasabihin.

Masakit isipin na hindi ka tanggap ng buong pamilya ng taong minamahal mo. Pero wala akong magagawa, kundi ang tanggapin ito at hinatyin ang oras na matanggap nila ako.

I sighed and washed my hand. In-off ko ang gripo at naglakad para bumalik sa silid na inuukupa namin. The pain between my thights already subsided, but the feeling I felt in my heart is heavy.

Nakayuko akong naglakad, tinitignan ang bawat hakbang ng sariling paa sa puting marmol na sahig.

Nandito na ako sa living room at napaiwas ng tingin ng makita si Astrayela na nakaupo at nanonood ng palabas sa T.V., sila rin kaya ang gumawa niyan? ng T.V.?

Ang palabas? Nagda-drama din ba sila? But they are immortals! Pero ano nga ba ang pinagkaiba sa mga mortal?

Napahaplos ako sa kilay at dumeretso sa hagdan, dahan dahan ang lakad para hindi mapansin ni Astrayela na halatang ang buong atensyon ay nasa cartoon na palabas—habang kumakain ng popcorn?

I shrugged my shoulders and started to walked up to the stairs.
Nasa ikatlong baitang pa lamang ako ng marinig ko ang boses ni Astrayela.

"Hey," she said, dahan dahan ko siyang tinignan at nakitang ako nga ang tinatawag nito dahil sa akin nakatingin.

"B—bakit?" humawak ako ng mahigpit sa gintong barandilya ng kanilang hagdan.

"You and Zaniel..." She trailed off and raised her one eyebrow. "Are you really his mate?" naglakad siya papalapit sa akin habang nanunuri ang mata. Huminto siya sa paanan ng hagdan kaya hanggang ngayon ay nakatingila pa rin siya akin ng bahagya.

"Uhh.." hindi ko alam kung ano ang sasabihin. I heard tita Emily's words when it's my first time here in Valen, naguusap sila ni Zaniel sa library at pinagbabawalan niyang malaman ng iba na ako ang mate niya.

Dapat pala ay secret iyon, pero, bakit alam ni Eros at Allen?

H—Halata ba kami?

Bahagya akong napanguso habang nag-iisip.  Secret dapat iyon eh!

Napatingin ako kay Astrayela na ngahihintay sa aking sagot, should I tell her?

"Jian!" She excitedly run on the stairs and her shoulder slightly bumped on mine.

Napakurap ako at napatingin sa itaas, agad kong natagpuan ang mga asul na mata ni Zaniel kahit nakayakap sa kaniya si Astrayela.

"Lolo Dale! Lola Tania, tito, and Kiro!" lumapit siya sa mga ito at yumakap, pagkatapos ay bumalik at niyakap ang braso ni Zaniel na wala manlang kagalaw-galaw sa kinatatayuan. "I didn't thought you'll visit here!" She surprisingly said ang looked at Zaniel who's looking at me.

"Ija," ngumiti ng tipid ang lolo niya kay Astrayela. Ganun din si Kiro, pero tumango lang ang lola at tito ni Zan.

Katabi ni Zaniel si Eros na nakakunot ang noong nakatingin sa kapatid. Sa isang gilid niya naman ay ang Lolo Dane niya at kaniyang lola, si Kiro naman at ang tatay niya ay nasa bandang likuran nila. The delta's they are with lately is not here, maybe they are outside.

I looked at Zaniel. His face is void of any emotion and his lips is on a thin line.

"Why did you go out from our room?" mariin niyang tanong sa akin gamit ang isip na ikinayuko ko at napahakbang paatras.

Valen Series 1: The Alpha King Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon