Chapter 21Iniyak ko ang lahat ng sakit ng loob habang naliligo. Ilang minuto na ring kumakatok si Mama sa labas ng C.R. pero hindi ko sinasagot.
Ng tumahan na ako ay nagpatuloy na ako sa pagligo at nagtapis ng towel. Tinignan ko ang sarili sa salamin at nakitang namumula ang mga mata ko, lalo na ang ilong. Mabuti na lang at hindi namamaga ang paligid ng aking mga mata.
"Atiniella Dara?! Open the goddamn door! Kanina ka pa diyan sa loob! Mag-usap tayo Ada." Rinig kong salita ulit ni Mama sa labas ng C.R.
Tahimik akong lumabas habang mahigpit ang hawak sa tuwalya.
"Bakit hindi mo ako sinasagot Adara?" Naiiritang tanong ni Mama na eleganting nakapamaywang sa aking harapan.
"I'm just going to wear clothes Mama, and yaya Mila said, masama daw ang sumasagot sa mga magulang." Mahina kong sabi habang nakayuko. Alam kong iba ang pagsagot na tinutukoy ni Yaya Mila sa akin, she's referring to answering the elders rudely, walang galang na pagsagot. Kinagat ko ang pang-ibabang labi, ayaw ko lang talaga sanang makausap si Mama sa ngayon, pero sa tingin ko ay hindi mangyayri ang gusto ko, it's always like that by the way, kailan pa ba nasunod ang mga gusto ko?
Bumuntong hininga ako at tumalikod sa kaniya para pumunta sa walk in closet.
Sandali akong napapikit ng maalala ang paggamit ko sa pangalan ni Yaya Mila. I'm sorry po Yaya. Piping usal ko sa isip.
Lumabas na ako pagkatapos kong magbihis ng isang puting cotton shorts na hanggang gitnang hita. Meron itong design na buwan sa bawat gilid, ang pang-itaas ko naman ay isang kulay puting v-nevk shirt na may nakalagay na salitang 'Luna' sa gitna ng guhit ng buwan. Simula ng makabalik ako rito sa aming bahay, palagi na akong nakatanga sa buwan bawat gabi-kung meron mang buwan, dahil ang buwan ang isang nagpapaalala sa akin kina tita Emily, lalo na kay Zaniel.
I missed them so much, kailan ba sila magpapakita sa akin? Gusto ko mang puntahan sila, ay hindi ko naman alam kung nasaan. I tried searching Zaniel's name in different social media's, pero hindi yata siya mahilig sa mga ganoon.
Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib, i missed Zan so much. I really really missed him. I missed how he take's care of me like a crystal, how i can see the adoration on his colored blue eyes when he's looking at me, his smell and how he laughed at me when i did something stupidities. I smiled a little, i misses everthing about him. Suminghap ako ng hangin para pigilin ang nagbabadyang mga luha. Bakit mo ako ibinalik habang natutulog ako Zan? Bakit hindi mo man lang binigyan ng pagkakaton ang mga sarili nating magpaalam sa isa't-isa?
"Ada... a-are you okay sweetheart?" Rinig kong tanong ni Mama gamit ang malamyos na boses. Ngayon ko lang napansin na napatigil pala ako sa paglalakad, at siya ay nasa akin ng harapan.
"I'm okay Mama, t-tungkol po ba sa ano ang pag-uusapan natin?" Tanong ko kahit parang alam ko na kung tungkol saan, tungkol sa totoo niyang pamilya na nasa ibaba.
"I just want you to meet them anak.." she said in a low voice, para bang tinitimbang ang aking reaksyon. Tumango ako at ngumiti ng bahagya, wala akong magagawa kung masaya si Mama sa kanila, mula noon ay iyon naman ang palagi kong gustong gawin, ang pasayahin siya, pero palaging walang oras, palagi siyang abala na akala ko ay sa trabaho, at ngayong alam ko na ang totoong rason ay nasaktan man, pero kahit ganun, ay lipiliin ko pa rin kung saan siya masaya.
"I-i understand now Mama," you're happy without me. Gusto ko sanang idugtong pero naisipan kong huwag na lang, lumunok ako kahit nahihirpan. "Y-you can go with them now, i-iwanan niyo na lang po ako rito." Napayuko ako at pinigilan ang pagluha.
Tumango si Mama habang nakatingin sa akin. Sumeryoso ang mukha.
"And i think, that's the best option right now Adi. Kailangan naming lumayo sayo, d-dahil baka madamay kami," kinagat ko ng mariin ang aking labi dahil sa masakit na sinabi ni Mama sa akin, pinipigilan kong manaig ang aking emosyon. "I-i love you baby, b-but, your turning like him." Humikbi si Mama.
BINABASA MO ANG
Valen Series 1: The Alpha King
LobisomemUnedited. She don't know herself that much, she finds herself so mysterious because even her own name- she's not sure what it is. Her mother's number one rule is forbidding her to go out from their compound. Until one day, she accidentally violated...