Chapter 14
Tahimik akong nagmamasid sa paligid at tinitignan ang bawat pagpasok na mga bisita. Ang mga kasuotan ay nagkikinangan at naggagandahan, sa mga galaw nilang mga elegante na tulad ng mga napapanood ko sa mga movies ay halatang galing sila sa mga mararangyang pamilya. I can also see some girls like on my age, and they are all pretty. Wala siguro akong nakikita sa mundong ito na pangit.
"Gusto mong kumain?" Tanong ni Zan sa gilid ko.
Hinaplos ko ang buhok kong nakabraid at tumingin sa kaniya't umiling bilang sagot sasa kaniyang tanong.
Sinundo kami ni Zaniel kanina sa kwarto kung saan kami inayusan ni Tita Emily, at doon din natapos ang aming pag-uusap na hanggang ngayon, ay hindi ko maalis sa aking isipan, because its so impossible! Parang hindi kapani-paniwala na nasa ibang mundo ako.
I just can't beleive—and it gave me goosbumps that I'm breathing with the same air with immortals! Noong unang pagkakita ko ng mga taong lobo, kay Tita Emily na nagpalit anyo sa harapan ko, akala ko noon ay naeengkanto lang ako, akala ko kinain nito si Tita noong kumurap ako! Pero hindi pala! At 'yong mga lalake naman ang sunod kong nakitang nagpalit anyo noong nasa loob kami ng kotse ni Zan, pero ang akala ko—nang napagtanto kong meron talagang taong lobo, akala ko ay normal nalang ito at hindi ko lang nalalaman dahil marami akong hindi nalalaman tungkol sa mundo, pero hindi.
Kukusutin ko sana ang mga mata ko ng maalalang may make-up pala ako. I looked at our surroundings again, it's already 7 pm, at sabi ni Zaniel, maya-maya ay magsisimula na ang party. Medyo marami-rami na rin ang mga bisita at halos lahat ay may hawak na mga wine glass.
We are here in some dark place beside the bar counter, iyon daw ang tawag sabi ni Zan ng tinanong ko siya. Merong mga nakaupo rito at umiinom ng alak na siguro'y mga kaedad lang rin namin ni Zan. We're sitting in our designated chairs with a small—circle shaped table in our front.
Lumilas pa ang mga ilang segundo at hindi ko maipanatili sa isang tabi ang aking tingin. The surroundings are so clean and elegant, just like the guests. And this is my first time attending this kind of party, kaya kahit parang gusto kong kumawala at maglibot na parang kumawalang kambing, ay hindi ko magawa. Napahagikhik ako sa naisip, ano kayang pakiramdam maging kambing?
"What are you laughing?" Kunot noong tanong ni Zaniel na kanina pa'ng hindi inaalis ang pagkatitig sa akin.
"Wala," sabi ko at tinignan ang parang isang entablado sa harapan.
Maraming mesa at may mga upuan ito, ang gandang tignan ng pagkaka-arrange at ang pagkaka-design nila ng cover ng mga upuan at mesa.
"Sayang, hindi ko makakasama si Mama sa 18th birthday ko." Dismiyado kong sabi sa sarili. Napatikhim si Zaniel sa aking gilid kaya napalingon ako sa kaniya.
"Your not happy being with me?" Merong emosyon na hindi ko mapangalanan na dumaan sa mata niya. Is he upset because of what I've said?
"That's not what I mean Zan," hinaplos ko ang braso niya at binigyan siya ng malaking ngiti, nanghihinayang lang ako na hindi ko kasama si Mama ngayon sa birthday ko, pero hindi ako nagsising nakilala siya.
"Happy birthday!" I cheerfully said and kissed his cheek. Kinuha ko ang isang maliit na box na ikinabit ko sa loob ng palda ng dress ko dahil wala itong bulsa.
Ibinigay ko ito sa kaniya. "Open it!" I excitedly said after I handed the box to him.
His right brow shot up and opened it, binuksan niya ang maliit na parihabang box at lumitaw sa kaniya ang isang silver na earings. Ngumisi ako sa kaniya ng muling tumaas ang isang kilay nito at tinignan ako ng may nanunuring tingin.
BINABASA MO ANG
Valen Series 1: The Alpha King
Hombres LoboUnedited. She don't know herself that much, she finds herself so mysterious because even her own name- she's not sure what it is. Her mother's number one rule is forbidding her to go out from their compound. Until one day, she accidentally violated...