Chapter 23
Agad kong nilapitan si Zan at bahagyang sinampal-sampal ang pisngi niya, nagbabaka-sakaling magigising siya. Nang hindi siya magising ay hindi ko na mapigilan ang umiyak sa panic at sandali muna siyang iniwan at pinaghahampas ang gate namin.
"M-manong! Buksan niyo po ang gate!" Umiiyak na sigaw ko at patuloy na pinaghahampas ito.
Bumukas ang isang bahagi ng gate at lumabas sila Mama pati na rin sina Lorraine at ang ibang mga katulong.
"Adara? What are you doing here outside?" Nakakunot ang noo ni Mama habang tinatanong akong umiiyak.
"M-ma," my voice cracked and looked at Zaniel who's still lying at the ground.
Merong humintong sasakyan na ikinaagaw ng pansin ng lahat bukod sa akin na agad na lumapit kay Zan. They didn't even noticed him lying unconscious. Napahikbi ako at inilagay ang ulo niya sa kandungan ko.
"Z-zan," tawag ko sa pangalan niya habang humihikbi. "G-gumising ka Z-zaniel!" Mahina ko siyang niyugyog pero hindi pa rin siya gumigising.
"Henry!" Rinig kong sabi ni Mama at naramdaman ko silang lumapit doon sa pwesto kung saan may humintong sasakyan.
Kinuha ko ang kamay ni Zaniel at pinulsuhan siya. Nakahinga ako ng maluwag ng naramdaman ko pa naman ang pagtibok nito. He's not dead! Bahagya akong nakalma ng maramdaman ang pulso niya.
Tumingin ako kila Mama at may kinakausap silang isang lalaki, pinapalibutan nila ito. Hindi nila ako napansin sa gilid ng gate sa may bandang pader dahil madilim dito sa bandang ito.
Paano ko ba maakyat si Zan ngayon eh ang bigat bigat niya? Hindi ko kakayanin!
Napatingin ulit ako sa lalaking bagong dating at nanlaki ang mga mata ng makilala kung sino ito.
Nabuhayan ako at iniwan ko na muna saglit si Zaniel at dali-daling lumapit rito.
"Kuya Henry! Kuya!" Sigaw ko at agad naman akong nasulyapan ni Kuya Hens kahit maraming kumakausap sa kaniya. Iyon iyong kaibigan ni Zaniel! Iyong nagmamay-ari ng kotseng ginamit ni Zan at iyong condo unit na pinasukan namin!
Malapit na ako sa kanila, pero dahil maraming sumalubong sa kaniya kahit gabi na ay pahirapan sa aking lumapit, pati na rin ang mga katulong at ang buong pamilya ni Mama ay naroon kay hindi ako makalapit sa kaniya. Ng masulyapan niya ako ay agad na nawala ang ngiti nito at agad na ibinalik ang tingin sa akin, halatang gulat na gulat siya pagkakita sa akin.
Madali siyang umalis sa kumpulan at dali-daling lumapit sa akin.
"Adara?" Lito niyang sabi habang nakatingin sa akin ng may pagtataka.
"Kuya, si Zaniel." Naiiyak na sabi ko sa kaniya.
"Si Niel? Nasaan siya? Bakit parang bigla na lang siyang nawala na parang bula?" Agad na tanong ni Kuya Henry.
"Tulungan mo ako Kuya, si Zaniel, nahimatay siya kanina!" Sabi ko at hinila siya papaunta kung nasaan si Zaniel.
Agad niya naman itong nilapitan ng makita niya ito, halatang nagpapanic na rin at nagaalala sa kalagayan ni Zan.
"Niel? Pre? Bakit ka natutulog sa gilid ng kalsada?" Nagpapanic na tanong ni kuya Henry ka Zan.
"Kuya, bigla na lang siyang nahimatay kanina! Tulungan mo akong iakyat siya sa itaas!" Nagmamadaling sabi ko habang niyuyugyog si Kuya Henry. Agad naman itong tumalima at itinayo si Zaniel.
Napatingin ako kila Mama na laglag ang pangang nakatingin sa amin. "Kuya Bert! Patulong naman po!" Tawag ko sa isang security guard namin na agad namang tumalima.
BINABASA MO ANG
Valen Series 1: The Alpha King
Hombres LoboUnedited. She don't know herself that much, she finds herself so mysterious because even her own name- she's not sure what it is. Her mother's number one rule is forbidding her to go out from their compound. Until one day, she accidentally violated...