Chapter 30
Simula ng lumabas si Eros ay naging tahimik kami ni Zan ng mga ilang minuto.
Nakatulala ako habang malalim ang iniisip, ito kaya ang ibig sabihin ni Mama na pinoprotektahan niya lang ako kaya hindi ako pinapalabas ng bahay?
Sana pala ay sinunod ko na lang siya, sana ay hindi ako naghangad na lumabas, sana ngayon ay tahimik pa rin ang buhay ko kahit nakakabagot. Nakagat ko ang pang-ibabang labi, totoo nga ang kasabihang nasa huli ang pagsisisi.
Pero paano ni Mama nalaman na darating ang panahon na manganganib ang buhay ko?
Napabuntong hininga ako dahil wala na namang makakasagot sa mga katanungan ko.
Walang tao na perpekto, siguro ay wala ring tao na nakokontento, because sometimes, when you thought that you already have everything, you will seek for things that you want for yourself, even it's impossible for you to obtain it.
Kahit kayang ibigay sa akin ni Mama ang lahat ng mga materyal na bagay, kahit nakakain ako ilang beses sa isang araw, ramdam ko pa rin na parang may kulang, hind ako makontento, kaya sa sobrang paghangad ko sa isang bagay, ay napunta ako sa sitwasyong ito, sitwasyong hindi ko inaasahan, sa sitwasyong napakadilikado at walang kasiguradohan kung kailan ako ligtas, kung hanggang kailan ako mabubuhay.
Napunta ang tingin ko kay Zaniel ng tumayo ito. "Saan ka pupunta?" mahinang tanong ko at agad namang ibinalik ang tingin sa paanan.
"I'll just take a bath," seryosong saad niya at nagsimula ng maglakad papunta sa isang pintong nasa loob rin ng kwartong aming kinaroonan.
Napabuntong hininga ako at tumayo papuntang bintana, hinahangin ang kurtina dahil bukas ang bintana. Hinawi ko ito at sumalubong ang malamig na hangin sa aking pisngi. Napabuntong hininga ako at inilagay ang dalawang siko sa halatang matibay na kahoy ng bintana.
Tumulala ako, blanko ang isip. Nahinto lang iyon ng napatingin ako sa ilalim, merong mga taong lobo roon na nage-ensayo. Merong nasa anyong lobo at kinakalaban ang isa pang nasa anyong lobo. Seeing how they fight caught my attention. Paano kaya kung mag-ensayo na rin ako?
I tried to talk to Andra, but I can't reach her, parang ang layo layo niya na at hindi ko maabot.
Hindi ko inalis ang paningin sa mga nag-eensayo sa ibaba, merong hand to hand combat, merong nage-ensayo ng iba't-ibang armas, like arnis, sword, knifes and many more. I wonder, do they have a gun?
Napaawang ang labi ko ng magpalit anyo ang dalawang lalaking nasa anyong lobo, d—did I just saw their t—titi?
Namula ako at napaiwas ng tingin, pero agad ko ding pinagsisihan ng makita ang madilim na anyo ni Zaniel na bagong hinto lang sa aking gilid, ang mata ay nasa ibaba kung saan ang mga nage-ensayo.
"Do you like beta Allen?" malamig pa sa yelo ang gamit na boses ni Zaniel pagtanong niya sa akin.
"H—Hindi." ibinalik ko ang paningin sa ibaba. Paano napunta kay beta Allen ang usapan?
Nanlaki ang mga mata ko ng makitang isa si beta Allen sa dalawang lobong nag-aaway kanina sa ibaba.
"You like watching him now huh?" malamig na sabi ni Zaniel at tumalikod sa akin, tanging ang maliit na puting towel na nakapulupot sa kaniyang baywang ang tanging nakatabon sa kaniyang pang-ibaba.
Nalito ako sa inakto niya habang sinusundan siya ng tingin. Anong nagyari do'n?
Naglakad ako papalapit sa kama, puti ang kutson at napakalambot. Umupo ako at inihiga ang kalahating katawan rito, hinayaang ang mga paa'ng nakaapak sa sahig.
BINABASA MO ANG
Valen Series 1: The Alpha King
WerewolfUnedited. She don't know herself that much, she finds herself so mysterious because even her own name- she's not sure what it is. Her mother's number one rule is forbidding her to go out from their compound. Until one day, she accidentally violated...