Chapter 10
"Anong nakita mo?" Tanong niya gamit ang parang galit na boses.
"Ide 'yong nasa labas," nagtataka ko ring sagot sa kaniya.
Bumuga siya ng hangin at matamang tumingin sa akin, hindi na tinuloy ang balak kaninang kakausapin ang mga weirdong nilalang sa labas ng sasakyan. Nakalimutan na niya 'ata.
Pataas niyang sinuklay ang buhok niya pagkatapos ay bumuga ng hangin at padabog na lumabas ng sasakyan. Sinundan ko siya ng tingin na nagtataka pa rin, anong nangyari do'n?
Nakita kong kinausap niya ang mga weirdong hayop sa labas na naging tao, meron na silang suot na mga shorts pero walang pangitaas.
Tumingala ako at nag-isip, bakit hindi ko alam na meron palang taong lobo sa mundo? I thought, tao lang walang lobo?-I mean, merong lobo at tao, pero hindi nagiging lobo ang tao at hindi nagiging tao ang lobo?
Napakurap-kurap ako at napaayos ng upo ng pinasok ni Zaniel ang ulo sa binuksang pinto ng kotse. Malamig ang ekspresyon at nakakapanindig balabiho ang tingin sa akin.
"Get back to the passenger seat, we're going." He ordered using his baritone voice. Tahimik akong tumango at umalis sa pagkakaupo at pumunta sa unahan.
Binuhay niya ang sasakyan na ipinagtaka ko.
"D-Diba iiwan dito ang sasakyan?" I asked him.
Tumingin lang siya sa akin at malamig pa rin ang tingin na hindi ko mabasa at hindi ko maintindihan kong bakit. Napakatahimik niya ngayon kaya naninibago ako, sa ilang oras naming pagsasama, tahimik talaga siya pero hindi ganon katahimik tulad ngayon na hindi niya sinasagot ang mga tanong ko. Minsan ay malambing at palatawa siya, minsan naman seryoso na hindi ko mabasa ang ekspresyon tulad ngayon! Anong nangyayari sa kaniya?
"Sleep Adi," he said and look at my eyes. Pumungay ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya at para akong naantok sa hindi ko malamang kadahilanan. But the last thing I saw when I closed my eyes is his color blue eyes change into a silver, again. Pagkatapos no'n, para akong may naramdamang bumuhat sa akin, I don't know if it's just my imagination or what but, after that, I felt a soft thing touch the side of my forehead before I lost concsiousness.
Nagising ako sa isang komportableng posisyon, ramdam ko ang lambot ng kamang hinihigaan ko at ang lamig ng simoy ng hangin na humahampas sa aking pisngi. The cold air is so fresh and soothing, and this is the first time I feel this way because of the wind.
I slowly opened my eyes and saw the ceiling. Merong isang may katamtamang kalakihang chandelier na kahit maliit ay mukha pa ring elegante. Kumurap-kurap ako ng lumabo ang paningin ko at kinusot ang mga mata ko. Nakita ko ang mga kurtinang nagliliparan dahil sa hangin sa nakitang dalawang bintana sa isang tabi ng kwartong kinaroroonan ko.
Tinignan ko ang kabuoan ng paligid at nakita ko ang malinis at kumikintab na kahoy na dingding. Umupo ako sa kama at nahulog ang puting comforter hanggang sa kandungan ko. I gently get away from bed and slowly, i walk towards the double door. Katamtaman lang ang laki ng pinto, sakto lang sa laki ng kwartong kinaroroonan ko ngayon na sakto lang sa dalawang tao.
Gamit ang dalawang kamay, unti-unti kong itinulak ang dalawang pintuan na magakadikit at sumalubong sa akin ang iilang naglalakihang mga puno at kabahayan. Halos mahulog ang puso ko sa pagkabigla at kaba ng makita kong nasa itaas ako ng mataas na puno!
Napahawak ako sa dibdib ko, pero unti-unti ring kumalma ng makita ang ganda ng paligid.
Kaya pala ang lamig ng simoy ng hangin. I prefer this fresh air than Air-condition. Tatlong hakbang gamit ang nanginginig na mga binti ay naglakad ako papunta sa matigas na kahoy ng barandilya.
BINABASA MO ANG
Valen Series 1: The Alpha King
WerewolfUnedited. She don't know herself that much, she finds herself so mysterious because even her own name- she's not sure what it is. Her mother's number one rule is forbidding her to go out from their compound. Until one day, she accidentally violated...